Ilang araw na din na nagkakagulo sa Empire. Ang mga board members ang sinisisi talaga nila ay si Sir Henry. Kung hindi ba sila mga gugong? Kung ninakaw talaga yun ni Sir Henry e di, sana hindi ganun ang buhay niya ngayon. Napilitan tuloy na umuwi yung dalawa sa probisya ni Leslie. Doon hindi sila masusundan na pangit niyang Lolo. Sana nga. May sa-aso din kasi Lolo nun, baka gamitin ang koneksyon.
Nandito ako kami ngayon sa loob ng conference room. Si Francis demonyo ang nasa gitna naka upo at sa bandang kanan naman niya si Estes. Hindi paring mapigil ang mga bulong-bulungan ng mga board members.
"Tumahimik na ang lahat." sabi ni Francis demonyo. Alisin ko kaya ang tattoo niya sa katawan at gawin kong design sa bahay ni Estes? Pwede no?
Ang mga uto-uto tumahimik naman. Mali 'yan dapat mag-ingay kayo! H'wag ninyo pakinggan ang demonyo na 'to. Sa oras lang talaga na mapatunayan namin na ukaw ang nasa likod na lahat ng mga ito, tapos ka sa akin. Ihuhulog talaga kita sa roof top nito building, kasama yung Lolo mo hilaw!
"Pasensya na at wala ang aking Lolo. Umatake na naman kasi ang sakit niya pagkatapos ng mga nangyari sa company." may paputol-putol pa siyang nalalaman. Kung chichika siya dapat tuloy-tuloy na.
"Ang Empire ay may isang problema na kinakaharap."
"Ay! Hindi maliit lang." bulong ko. Stupido! Malamang malaki.
"May sinasabi ka ba Ms. Santos?" nilingon pa talaga niya ako sa likod. Nakatingin naman lahat ng tao sa akin tuloy, pati na si Estes.
"Hehehehe. Wala, sige tuloy ninyo lang 'yan." sabi ko.
Wooh! Pinagpawisan ako dun, a. Buti bumalik na sila sa topic nila.
"The solution to our problem is i-invest ang 50% ng shares sa ibang kompanya." nagbulung-bulungan na naman ang mga board members. Nababaliw na ba siya? Hindi niya pwede gawin yun. Pababagsakin na ba niya ang kompanya? Maaaring pag invest niya sa ibang kompanya ay hindi lumago. Isa pa, kilala ang Empire bilang individual company.
"Hindi ako papayag sa gusto ninyo gawin." sagot ng isang board member. Mukhang matagal na siya sa industry na ito. Matanda na kasi. Hahahaha.
"Sinabi ko na ito sa akin Lolo, kaya may permission ako na gawin yun." sabi ni Francis demonyo.
"Malabong gawin yun ng Chairman."
"Hindi maaari yun."
"Hindi niya ba alam ang pwede kahinatnan ng gagawin niya?"
Sa sobrang daming bulungan hindi ko naintindihan ang sinasabi ng ibang board members.
May tumayo naman na isang board member. Nasa 40's pa siguro ang edad niya. Bakit naman kaya siya tumayo? Natatae?
"Sang ayon ako sa solusyon ng ating CEO." napatingin naman lang ng mga board members. Si Estes naman hindi niya pinagtuunan ng pansin yun. Pero ramdam ko sa awra niya na galit na siya.
"Sige, ipagpatuloy mo, Mr. Alvarez." sabi naman ni Francis. Ang demonyo nakahanap pa yata ng kakampi.
"Nahaharap ang ating kompanya sa isang malaking problema. Kaya payag akong mag-invest tayo sa ibang kompanya. Business ito, kaya kailangan ng sumugal." e, kung ingungud ko kaya siya sa desk ng malaman niya ang sinasabi niya! Mukhang nakahakot naman ang Gago ng mga kasama. H'wag kayong maniwala sa gugong na 'yan.
"Okay, you may sit now." sabi ng demonyo. Tuwang-tuwa naman siya at may kakampi siya. "Ito ang tanong. Sino ang sang ayon sa akin?" nagulat naman ako at dalawa lang sa mga naka upo ang hindi nagtaas. Yung kanina na matanda at si Estes. Mga uto-uto!
Tiningnan naman ni Francis ang dalawang hindi nagtaas. Napangisi naman siya. Bunutin ko kaya ngipin nito?! Tingnan ko lang kung makangisi ka pa.
"Bakit Mr. Dickinson and Mr. Suarez, ayaw ninyo ba sa ideya ko?" tanong niya doon sa dalawa. Malamang 'oo', akala ko ako lang tanga dito may mas tanga pa pala sa akin.
"Hindi ba obvious?" sarkastikong sabi ni Estes. Tiningnan na niya si Francis.
"Ang masasami ko naman, wala na kayong magagawa. Lamang kami kaysa sa inyo." mapanudyo niyang sabi.
"Meron. Nagsasalita ka naman kasi ng tapos." Gusto kong pumalakpak. Wooooohhh!! Wala akong banner para isupport, si Estes ko.
"Ano naman ang magagawa mo Di-rec-tor-Dic-kin-son?" May babalik ng elementary. Bawal 'yan, dapat diretso ang pagsasalita.
"Bigyan mo ako ng oras, pwede?" pagkatapos niyang sabihin yun, nginisihan niya si Francis. "May hahanapin lang ako." matagal bago sumagot si Francis. Mukhang hindi niya nagets ang sinabi ni Estes. Ang slow mo naman!
Alam ninyo nahihirapan na ako dito sa gilid. Bawal kasi ako mag comment.
"O, sige. Deal." sabi ni Francis.
"Deal."
Ilang araw na stress si Estes, hinahanap kasi niya kung puno't dulo ng pagbaba ng stocks. May isang board member na kaming binabatayan, si Mr. Alvarez. Isang linggo na naman, wala kaming makita na kahina-hinala sa kaniya. Francis naku! Kapag nahanap namin ang evidensya kayo ni Olivia pag uuntugin ko. Pero naisip ko hindi naman siguro kasama si Olivia kasi mahal niya si Estes. Oo, tama-tama. Tango-tango.
Nagring namam ang cellphone. Ang rumehistro agad sa screen ay si Kyla. Ano naman kaya ang tinatawag ng aking Twin Sister na 'to?
"Waaaaahhhhhh!!!! Buti sinagot mo!!!" nabingi naman ako sa pagsigaw niya, kaya nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko. Binalik ko naman ng tapos na siya sa kakasigaw.
"Bakit?" walang gana kong sagot. Magkakagana pa ba ako, pagkatapos ng mga nanyayari. Saka iniisip ko kung magkasabwat si Francis at Olivia, bakit? Saka di ba mahal niya si Estes?
"Dalhan ko kayo ng pagkain?" masayang sabi ni Kyla sa kabilang linya. Naiisip ko palang ang niluto niyang pagkain, kahit paburito ko hindi ko kakainin.
"Sinong nagluto?"
"Wow! Naninigurado ka talaga, Twin Sister. Yung mga katulong dito ang nagluto. Nahihiya naman kasi ako kay Estes, nakikitira na ako dito sa bahau niya. Kaya dapat pagsilbihan ko siya, pati na ikaw. Yiieeee. Tutal magkakabalikan na yata kayo."
"Enebe? Dalagang Pilipina tayo, Twin Sister." kinikilig ko sabi.
"Hindi, Dalagang Pilipino, Yeah!" pilosopo niyang sagot. Nawala tuloy ako sa mood ulit.
"Sige dalhin mo na yan dito."
"Okieeee..... Wit pur mehhhh!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
فكاهةHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.