Kabanata 14

1.8K 40 4
                                    

Ilang linggo din kaming ganun sabay mag-luch. Gusto ko sanang itanong sa kaniya, bakit hindi na pumupunta sa opisina si Olivia. Natatakot naman ako na magalit siya. Kaya minainam ko na lang na h'wag na lang magtanong. Sa tuwing pupunta kasi ako doon para may ibigay sa kaniya, wala akong Olivia na nadadatnan.

Ang lungkot ko ngayon din sa trabaho ko. Sa tuwing may pupuntahan kaming mahalagang bagay ni Sir Henry, walang Ms. Gonzales na kasama ko.

Noong time naman na inabot ko kay Sir Henry ang resignation niya, nakita ko naman kung anong panandalian na emosyon ang naramdaman niya, kalungkutan. Hindi ko inuupuan yung upuan ni Leslie baka kasi bumalik siya. Sa tuwing titing ako sa upuan niya, namimiss ko siya. Hay! Ang lungkot-lungkot ko.

Ang nagpapasaya lang sa akin sa isang araw ay ang makasama si Estes. Buti nga hindi na sila nag-aaway ni Sir Henry. Masyado narin kasing busy yung isa sa tinatayong shipping line. Nagtataka naman ako parang si Estes lang ang hindi busy. Sabagay, Director lang naman siya.

Kaya sa tuwing busy si Sir Henry sa i ang bagay. Siya naman ang nagsisilbing taga pirma, doon sa mga dapat pirmahan. Kaya lagi ako napupunya sa opisina niya.

Sa paninirahan ko naman doon sa bahay ni Sir Henry, dinadalaw ako ni Aling Mericita. Napansin naman niya na parang nag-iba daw si Sir Henry. Ang sabi ko naman parang wala naman nag-iba. Naging masipag lang naman sa trabaho 'yung tao. Ang sabi na lang ni Aling Mericita, baka mali lang siya ng pansin.

Lumabas ulit kami ni Henry para kumain. Tahimik lang ako habang nasa kotse.

"Kanina pa malalim ang iniisip mo, a?" nabigla naman ako sa pagsasalita niya.

"A, hindi." sabi ko.

"Umamin ka. Ano ba ang iniisip mo?" tanong Estes sa akin habang nagmamaneho siya.

"Saan ba ang probisya ni Leslie?" wow! Nawala lang, Leslie na tawag ko. Hahaha.

"Sa may bandang Bataan din, yun ang alam ko." sabi niya. Nilingon niya ako saglit at bumalik din ang tingin niya sa harapan. Syempy, nagmamaneho siya. Hindi pa nga kami nagkakabalikan ng pormal. Machuchugi na kami. No! "Bakit mo natanong?"

"Wala lang." sa totoo lang kahit maliit ang utak ko, may utak naman din ako. Ngayon ko lang din kasi napansin na ang dalang narin ngumiti ni Sir Henry. Ewan ko lang, theory lang 'to. Possible kayang gusto naman niya si Leslie kaso hindi lang siya sure? Siguro naiisip niya na kulang siya kapag wala si Leslie sa tabi niya. Kung ganun nga, tanga lang ang peg? Bakit hindi pa niya sabihin? Ay! Hindi nga pala sure. May pumipigil siguro doon sa nararamdaman niya na 'yon. Ano kaya iyon?

Habang kumakain kami tahimik lang ako. Napansin ko naman na patingin-tingin sa akin si Estes at napapakunot lang ang noo. Kanina pa siguro kating-kati na tanungin ako.

"Mabuti pa na maghiwalay na tayo." hala! Parang narinig ko na 'yan, a. Tiningnan ko ulit yung nasa kabilang table. Ibang lalaki na naman ang nakikita ko. Yung mukha noong babae hindi ko makita. Ang malas naman ng restaurant na ito. May naghihiwalay dahil sa kamalasan dulot ng restaurant nila.

"Sino ba yung tinitingnan mo?" nilingon nadin ni Estes yung tinitingnan ko sa likod niya.

"Aalis na ako. Ang pangit mo!" ayun at umalis na nga yung lalaki. Pagka alis niya pumalahaw naman ng iyak yung babae. Pamilyar sa akin 'yong boses ng babae.

"Twin sister/Kyla?" sabi namin ni Estes. Mukhang narinig naman niya yung tawag namin. Lumingon siya. Gusto kong umagalpak ng tawa. Yung eyeliner kasi niya kumalat na sa mukha niya. All this time, siya pala yung babae na hinihiwalayan dito.

"Twin sister!" sabay namin sabi at tumayo, gayundin siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya. Nagyakapan kami habang nagtatalon. Nag iba bigla ang mood ko.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon