Kabanata 8

1.8K 44 0
                                    

Tumakbo ako ng mabilis. Tatanungin ko si Aling Mericita kung sino yung pumasok sa stock room. Nawawala yung gamit ko. Kung sana nawala lang yung mga damit ko, pero andun ang picture ng ultra sound little peanut ko. Sana naman 'wag humingi ng ransom yung kumuha ng picture ng little peanut ko!

"O, Aine bakit yata hingal na hingal ka?" tanong ni Aling Mericita habang kinukuha niya ang gamit niya sa locker niya. Mukhang natunugan naman ni Aling Mericita kung ano ang pinunta ko. "Ang kausapin mo tungkol d'yan ay si Sir Henry." ayun at umupo muna siya isang upuan. Bakit, si Sir Henry? Lost and found ganern? Naku wala siyang makukuha sa akin pera kung ransom ang kukuhanin niya. Hello, hindi pa nga niya ako pinapasweldo.

"Bakit po siya?" syempre, tinutinuan ako ngayon. Ware lang.

"Sinabi ko kasi yung babaeng pinapatulog ko sa stock room ay, ikaw. Tapos bigla na lang niyang pinakuha s aakin ang mga gamit mo doon. Sabi ko nga kung saan nga niya dadalhin 'yon. Akala ko pa nga paaalisin ka na niya. Mali ako, pinalagay niya 'yon sa isang bakanteng kwarto doon sa unit niya." kwento ni Aling Mericita na mukhang hindi pa makapaniwala sa kaniyang sinabi.

"Sige po, salamat po." tumakbo na ako agad at sumakay ng elevator. Pagkarating ko doon sa unit ni Sir Henry nag doorbell muna ako. Bumukas na ito at mukhang inaasahan niya ang pagdating ko. Ganda ko talaga. Hindi. Seryoso dapat ako. Dapat galit ako dahil kinuha niya ang little peanut ko. GRRRR ...

"O, bakit para ka namang natatae?" ito naman si Sir Henry minsan lang magalit, e. Pina epic failed pa niya.

"Hehehe joke Sir. Tanong lang po, 'andiyan po ba yung bag ko?" kinamot ko ang ulo ko. Mamaya magsusuyod ako. May kuto siguro si Ms. Gonzales. Yung babaeng yelo talaga na 'yon nanghawa pa.

"Oo." tapos nginitian niya ako. "Kanina pa nga kita iniintay." pumasok na siya sa loob. Sumunod na lang ako sa kaniya kahit hindi niya akong literal na pinapasok. Pumunta kami sa isang kwarto. Ang ganda! Wow!

"Teka nga lang po. Ang sabi ko po yung bag ko hindi po kwarto. Ikaw Sir ha! Linis-linis din ng tenga pag may time, ne?" natawa naman siya sakin tinuran. Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Magkapatid nga sila ni Nicky.

"Ito na ang bago kwarto mo, Aine." inalis na niya ang pagkakatingin niya sa akin. Pinagmasdan niya ang kwarto na sabi niya ay akin. "Ang ganda, no?" totoo naman kasi sinabi niya. Sa kama pala akala mo Prinsesa ang matutulog at yung kulang ng kwarto nga ito lakas maka royal gold.

"Naku, Sir e, nakakahiya naman." syempre, may hiya padin naman ako. Sa pagkain lang ako walang'ya.

"H'wag ka ng mahiya sa akin, Aine. Kaysa sa stock room ka naman matulog. Saka ka na lang lumipat kapag kaya munang mangupahan sa isang maayos bahay." tapos tiningnan niya ako muli. Ang ganda talaga ng kulay green niya mga mata, pareho sila ni Nicky. "Saka sino bang nagsabing libre 'to?"

"Po?" ng nagsink in sa akin yung sinabi niya, yinakap ko ang sarili ko.

"Hahahaha hindi 'yun. Ikaw talaga." lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Tinapatan niya ang mukha ko. Oo, na maliit na ako. Ngumiti muna siya at nagbumuntong hiningi. Imperness, bango ng hininga mga beks!

"Ikaw ang maglilinis, maglalaba, magluluto, at magpapaligo." kinilabutan naman ako sa huling sinabi niya. Magpapaligo daw? Nag lip bite pa talaga siya?

"Magpapaligo, sino po Sir?" utal kong tanong.

"Raff!!"

"Ay! Asong butiki!" tinawanan naman niya ako ng malakas. May isang asong mukhang basahan kasi ang pumasok dito aa kwarto.

"Aine meet Chiki. Chiki meet Aine."  umasta naman na parang naintindihan niya yung sinabi ng amo niya. "Aine, siya ang papaliguan mo." naku pag pinalugan ko 'to isang oras ko yatang patutuyuin.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon