Kabanata 6

2.4K 45 0
                                    

Salamat at natapos din yung mga kaekekan ni Nicky. Naisipan na namin bumalik sa building ng Empire, kasama si Estes. Wala kaming imikan sa loob ng elevator. Gandang-ganda siguro siya sa akin ngayon hihihi..

"Gusto ko lang sana ipaalam sa'yo my ex-wife, hindi pa tayo ayos." at nilingon na niya ako kasama ang matatalim niya tingin. Tumahimik na lang ako kaysa sagutin siya. Syempre si Estes yan, wala akong lakas para gawin 'yon.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong niya. Nakasuksok naman ang dalawa niyang kamay doon sa bulsa niya.

"Oo." mahinahon kong sagot.

"Nagpapasalamat nga ako kay Henry at tinanggap ka niya dito." nilingon ko naman siya na nakakunot ang noo. Nagpapasalamat siya dahil araw-araw niya akong makikita, ganun? Kunware pa kasi itong honey ko. Gusto naman pala akong makita araw-araw.

"Bakit?" hinarap niya ulit ang mukha niya sa akin kaya nagkatitigan kami.

"Dahil may pagkakataon ako para gumati." napaatras naman ako ng palapit siya ng palapit sa akin. "Malalaman din ni Henry na isa kang ma-du-ming- babae." napatigil na ako sa pag atras at napasandal na lang sa pader ng elevator. Bumibilis ang tibok ng puso ko, dahil ang lapit ng mukha niya, sa mukha ko. Iniwas ko naman ang mukha ko. Iniiwasan ko din na magtama ang aming mga labi. Nakakakiliti ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko. Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya na medyo ikinainis ko.

"Matagal ko ng pinagsisihan iyon, Estes. At hanggang ngayon pinasisihan ko parin." sabi ko. Kung alam lang niya pinasisihan ko lahat. 'Yung kasalanan ko sa kaniya at ang pagkawala ng anak namin.

"Pwes, hindi ka pa bayad." hindi ko ngayon maintindihan ang emosyon ko. Galit dahil sa sinabi niyang maduming babae ako, tuwa ba dahil magkalapit kami ngayon, pagmamahal dahil gusto kong maging kami ulit, o pagsisisi dahil naalala ko yung mga kasalanan ko sa kaniya na nagtulak sa kaniya para gawin niya sa akin ito.

"Ms. Santos." umalis agad kami sa aming posisyon. Nakabukas na yung elevator at nakita namin si Sir Henry at Ms. Gonzales. Mukhang may pupuntahan silang importante. "Director, anong nanyayare?" tanong naman ng babaeng yelo. Usual wala parin namang emosyon ang mukha niya. Ngayon director na tawag niya kay Estes. Hindi na sila close.

"Estes, buti andiyan ka na, samahan mo ako sa meet up natin kay Mr. Lee." masaya naman ang pagkakasabi no'n ni Sir Henry. Kaso ang mga mata niya na nakatitig sa akin ng malungkot.

"Sige, tara na." aya ng hon— Estes sa kanila.  Pumasok na yung dalawa sa loob ng elevator. Tinititigan ko sila isa-isa. Si Ms. Gonzales walang pagbabago para lang siyang naka tingin sa kawalan habang hawak yung isang envelope. Si Sir Henry na unahan siya malapit sa may pinto at mukhang ang lalim ng iniisip. Si Estes naman may tinitingnan sa cellphone niya. At ngumingisi siya habang tinitingnan ito. Makikiusyoso na sana ako pero naramdaman niya. Ayun tinabi niya agad yung cellphone niya sa bulsa niya. Ang damot naman! Bati na kasi tayo. Nilakihan naman niya ako ng mata kaya napabalik lang ako sa hulihan nitong elevator.

"Ms. Gonzales sure ka na bang ayaw mo ng magtrabaho?" binasag ni Sir Henry ang katahimikan. Sabagay, curious din ako bakit magre-resign si Ms. Yelo. Bakit kaya? Ang ganda naman ng trabaho niya dito, a?

"Pasensya na po Mr. CEO. Kailangan ko na rin po kasing magsimula ng panibago buhay." ngayon nagka feelings na yung boses niya. Wow! Napapalakpak naman ako ng wala sa oras. Lahat sila napatingin sa akin.

"Hehehe, sige tuloy ninyo lang." pumito naman ako na kunware wala akong ginawang masama.

"Tss. Kahit kailan pasaway." bulong ni Estes pero kibit balikat lang ako.

"Bakit sa probinsya pa? Hindi na lang dito sa Maynila?" tanong ulit ni Sir Henry. Naku, may lahi din naman akong tsismosa. Kaya tuloy ninyo lang, tutal ayaw naman akong kausapin ni Ms. Gonzales about personal life niya.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon