Kabanata 23

1.3K 20 2
                                    

Francis

"Papa, give another chance please?" sa murang edad nakikita ko na ang Papa ko, na naka luhod sa harapan ng akin Lolo. Ngunit hindi siya pinakingan, tinalikuran na siya ni Lolo, pero kumapit parin si Papa sa isang paa niya.

Nandito lang ako sa isang sulok ng bahay, makikinig. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan, bakit ganiyan siya Papa. May ginawa ba siyang mali?

"Papa, hindi ko naman po sinasadya yun. Ang lagi na lang po kasi ninyong pinapanigan ay si Hilbert. Sorry na Papa." pagsusumamo ng aking Papa. Tinanggal ng pilit ng Lolo ko, ang paa niya na hawak ni Papa. Yung tungkod niya, hinapas niya kay Papa, dahilan para mapahiga siya sa sahig. Nakaramdam naman ako ng galit dahil sa ginawa niya na yun.

Totoo naman ang sinasabi ni Papa, lagi ng lang si Tito Hilbert, kapag kay Papa lahat mali para kay Lolo.

"Isinaalang-alang mo ang pangalan ng kompansya, dahil lang sa galit mo sa kapatid mo!"  galit na sabi ni Lolo. Nang makita ko na hahampasin niya ulit si Papa ng tubgkod, tumakbo ako para harangan yun. Napadaing ako sa sakit ng tumama yun sa likod ko at sa may ulo ko.

Dahil sa bata pa ako mahina pa ang katawan ko. Nawalan ako ng malay pagkatapos nun.

Pagkagising ko nakita ko si Papa at Mama na nasa tabi ko. Niligid ko naman ang paningin ko sa paligid. Nasa hospital kami. Nakita ko naman sa may mga upuan na nandun ang maraming bag.

Nang tingnan ko sila Mama at Papa, bakas ang pagkatuwa sa kanilang mga mata. Si Mama ang unang lumapit sa akin at si Papa naman ay umupo sa hinihigan ko.

"Kamusta ka na, anak? May masakit ba sa'yo? Ano? Sabihin mo lamg kay Mama." nag-aalala na sabi ni Mama sa akin. Tinitigan ko naman si Papa, na lumungkot ang mga mata.

"Pa, bakit po?" may sumingit naman na isang luha sa kaniya isang mata, dali-dali namam niyang pinunansan ito.

"Inaalala ko kasi anak kung paano ka namin mailalabas dito sa hospital. Wala na kasi tayong pera." malungkot na sabi ni Papa. Hindi narin niya kinaya ang emosyon niya kaya lumabas na siya ng kwarto.

"Inalisan na kasi siya ng yaman ng Lolo mo. Lahat ng atm cards natin naka lock na." sabi sa akin ni Mama. Kahit pitong taong gulang na ako naiintindihan ko na yun. Nabuhay ang isang galit para sa pamilya ng aking Papa.

Sa umpisa pala hindi na nila kami tinuturing na pamilya. Kapag darating ang mga pinsan ko, lagi sa akin sinasabi ni Lolo na magtago ng basement. Alam ko na ayaw niya akong makita nila. Si Mama naman kapag nasa bahay ni Lolo ang side nila Tito Hilbert, ginagawa siyang katulong. At si Papa naman na nagpapakapagod sa kompanya para lang mapansin siya ni Lolo, kah Titi Hilbert parin ang puri. Hindi ko rin masisisi si Papa, kung bakit niya ginawa yun.

Bumukas naman ng malakas yung pinto. Humahangos si Papa.

"Halina na kayo." biglang may sumulpot na mga pulis sa kaniyang likuran. Dinampot siya ng mga ito pero buong lakas na hindi sumama si Papa.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon