Kabanata 4

2.8K 60 0
                                    

Pagkauwi ko hinugot ko sa bulsa ko yung cellphone ko na di keypad. Te-text ko kasi si Sir Henry tungkol do'n sa nangyari.

Me:
Sorry Sir, about doon sa nangyari.

Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa storage room. Sa pintuan palang ay naalala ko yung sising na dapat kukuhanin ko. Napatakbo naman ako sa elevator. Nang magstop na ang elevator pinuntahan ko agad ang room 185. Sana hindi pa umaalis yung nagcheck-in dito. May kasama pang dasal 'yan bago ako kumatok sa pinto. Nagbukas naman kaso iba na yung tenant na nasa loob. Huli na nga ako.

"Bakit?" nagtatakang tanong noon babae na nasa 50's na siguro.

"A-e, wala po. Mali po pala yung kwarto hehehe... 184 po pala hehehe bye po...."

"Bye." ayun agad sinarado ng matanda yun pintuan niya. Ang sungit naman no'n.

Tinapik ko ang noo ko dahil sa katangahan ko. Bakit ko ba kasi kinalimutan doon 'yon? Sumagi naman sa ala-ala ko yung araw ng kasal namin. Sobrang saya namin noong araw na 'yon, yung akala mo'y walang makakapaghiwalay sa aming dalawa. May dahilan ako para hindi na balikan ang sinsing na 'yon, pero may kung ano dito sa puso ko. Sinabi nitong puso ko na 'wag ko bitiwan si Estes.

Sa pagbalik ko doon sa storage room may kinuha akong picture ng ultra sound doon sa bag ko. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan na ito. Napatulo ang luha ko dahil sa akin hindi man lang niya nasilayan ang mundo.

"Kamusta na d'yan sa langit, little peanut ko? Sigurado naman ako okay ka na d'yan sa heaven." sa pangalawang beses umiyak na naman ako ngayong araw. "Sorry, kung pati wedding ring namin ni Daddy mo iniwala ko." hinawakan ko ang picture ng ultra sound ng little peanut ko noong 2 months palang s'ya. "Sorry..."

Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog ako kanina. Sobrang sakit ng mata ko! Natauhan naman ako ng naalala ko yung pinapakabisado sa akin. Bumangon ako mula sa sahig saka hinablot yung paper bag na binigay sa akin ni Sir Henry.

"May nunal sa leeg, singkit, 5,6 ang height, mahaba ang buhok, 34-24-34, may-ari ng Yana Appare— Grrrr.... Ayoko na sasabog na ang utak. Tutal kalahati na yung nakakabisado ko." kinuha ko naman yung cellphone ko sa tabi. Hapon na. Narinig ko naman na umatungal itong tiyan ko. Buhat kasi kaninang umaga hindi pa ako kumakain ng kanin. Hay! Bakit ba kasi tinapay lang ang inorder ko doon sa restaurant. Isasauli ko na sana yung cellphone ng tumunog ito.

Henry:
Okay lang. Now I know EX-HUSBAND mo si Estes.

Wow! Capslock yung 'ex-husband.' Galit ba si Sir Jacob? Ayan na naman umatungal na naman yung tiyan ko. Kinuha ko naman yung bag ko. Baka may naitabi pa akong pera. Mali ako, twenty pesos na lang. Sabi nga sa commercial, 'san aabot ang twenty pesos mo?' Pwede na 'to! Basta may manguya lang.

Sa paglalakad ko palabas natanawan ko agad si Sir Henry. Mukhang lumabas siya at may binili. Nginitian ko naman siya nang magkatapat kami.

"Aine." lumingon naman ako para sa kaniya dahil tinawag niya ako.

"Bakit po, Sir?" tanong with maching kurap-kurap pa.

"Ahh... Agahan mo bukas." ngumiti na lang ako at tumango. Tatalikuran ko na siya ng umepal yung tiyan ko, umatungal na naman siya. But this time sobrang lakas. Isshh! Bakit ang malas ko ngayong araw?

"Hehehe." napatawa lang ako ng peke.

"Gutom ka na, Aine. Halika, samahan mo ako ubusin yung lulutuin ko." sabay angat niya sa mga pinamili niya. Sugalan na 'to! Hindi na ako tatangi. Hindi naman kasi nakakabusog ang bente pesos. Malamang pera 'yan.

"Sige po."

Sa pinaka mataas yung room ni Sir Henry. Ang sabi niya pagmamay-ari daw nila itong hotel at sa kaniya na daw ang room unit na ito. Pagpasok ko palang sa loob ng bahay niya, ay mas dihamak na mas malaki ito kaysa sa mga room pinapasukan ko. Ang ganda. Tulo laway ko hanggang lapag.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon