Gabi narin kami na nakarating sa hotel. Tanghali narin kasi kami umalis sa rest house ni Estes. Saka huminto pa kami sa isang kaninan para kumain.
Nandito kami ngayon sa tapat ng pintuan papasok sa loob ng hotel. Lumabas na ako ng kotse at hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya. Bumaba parin siya kahit na bumaba na ako.
"Aine." parang nahihiya siya sa pagbanggit ng pangalan ko. Siguro nahihiya sa magandang kagaya ko. Hohohoho.
"Hmmm?" ungol ko. Na-green naman ako sa sinabi ko na 'ungol.' Hehehe.
"Hatid na kita hanggang taas." sabay ngiti niya. Kinikilig ako mga, bes! Hihihihi. Namumula na siguro ako.
"Sige." ngumiti na lang ako. Medyo napagod din ako sa byahe namin. Kaya mga readers, standby lang. Intayin ninyo lang umentra ang mood. Niyan, o! Lam ninyo na. Hehehehe.
Tahimik lang kami na umakyat ni Estes papuntang room unit ni Sir Henry. Ano kaya ang idadahilan ko?
Kinidnapped ako? Kaso 'di naman ako bata, e. Isip bata mana pa.
Na Gang Rape ako? Mali, hindi magandang ideya.
Kinuha ako ng mga sindikato? Pangit na dahilan.
"Ano ba ang iniisip mo?" tanong ko niya.
"Iniisip ko kung ano idadahilan ko kay Sir Henry. Alam ko na! Kung sabihin mo kayang tinanan mo ko?" nilingon ko siya. Iniwasan naman niya ako ng tingin. Nakita ko naman na napangiti siya.
"Tanga ka talaga kahit kailan. Hmmm.. siguro mabuti din 'yang naisip mo. Mabuti ng isipin niyang NAGTANAN TAYO!" parang may pakahulugan naman siya sa 'nagtanan tayo.' Mamula naman ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Lumabas na kami ng elevator at pumunta sa room unit ni Sir Henry. Pinindot ko yung doorbell.
"Tsss. Hindi mo alam ang passcode." nagpipindut siya ng passcode ng bumukas na yung pinto.
Nang makita na ako ni Sir Henry nagulat naman ako sa pagyakap niya sa akin.
"Aine, San ka ba nagpunta?" tapos bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan na lang niya ako sa magkabilang balikat. "Ano may masakit ba sa'yo? Bakit ka ba umalis ng walang paalam? Alam mo bang alalang-alala ako sa'yo? Sino ba ang kasama mo? Sa susunod 'wag kang aalis sa tabi ko na hindi ako kasama, ha?" sunod-sunod niya sabi. Bakas naman sa mukha niya ang pag-aalala. Mukhang hindi niya napansin si Estes. Nilingon ko naman si Estes na walang ekspresyon ang mukha at napansin ko ang kamay niya na naka kamao.
"Siya ba ang kasama mo?" mukhang nakita narin niya si Estes. Tumango na lang ako.
Nabigla naman ako sa nangyari. Sinapak ni Sir Henry si Estes. Napaupo tuloy si Estes sa sahig. Nagdudugo na ngayon ang gilid ng bibig niya na sinapak. Ako hindi ako makagalaw sa konatatayuan ko. Hindi ko alam bakit ganito na umasta ngayon si Sir Henry.
"Fuck!" mura niya. Pinunasan niya ang gilid ng bibig niya na may dugo.
"Sa susunod magpapa alam ka sa akin." bantang sabi ni Sir Henry sa nakaupong si Estes sa sahig. Natawa naman si Estes sa tinuran ni Sir Henry na yo'n.
"Kailan mo pa siya naging pagmamay-ari?" tanong ni Estes. Sa pagkakataon na ito hindi ko alam ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Because she is my Secretary!" yun lang ang sabi ni Sir Henry. Tumayo na si Estes mula sa pagkakaupo.
"Haha. Talaga? E, anong tawag mo kay Leslie? Chimay? Di ba secretary mo din siya? Ang sabihin mo lang may gus—" naputol ang sasabihin niya ng sapakin ulit siya ni Sir Henry. Napaupo ulit siya sa sahig. Pati itong puso ko parang nasasaktan. Parang bumabagal na pagtibok niya. E, ano naman ang gagawin ko?
"Tumigil na kayo." sabi ko. Hindi ko din alam kung saan ko nahugot ang lakas na 'yon. Nilingon naman nila akong dalawa. Natahimik silang saglit. Tutal tapos naman na sila sa pag-aaway nila. Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Sir Henry.
Pumunta agad ako sa mga lalagyanan ng damit. Kinuha ko yung dati kong bag at nilagay doon ang mga damit na kinuha ko sa lalagyanan ng damit. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko at pumigil dito.
"H'wag kang umalis please?" pagsusumamo ni Sir Henry. Kaya lang naman ako aalis dito sa bahay niya ayokong nakikita na nag-aaway silang magkaibigan dahil sa akin.
"Sir Henry ipapasa ko na lang po bukas ang resignation letter ko bukas." walang gana kong sabi. Kumuha ko ulit ang damit at yung picture ng little peanut ko. Nilagay ko na ito sa bag ko 'yun.
"Aine, please sige na." lumuhod niya sa harapan ko. Parang may kumurot sa dibdib ko ng ginawa niya 'yun. Bilang isang Kuya para sa akin nahihirapan din ako na makita siyang ganiyan. Ayoko naman na makita lagi silang nag-aaway magkaibigan. "Promise, hindi na kami magtatalo ni Estes. Please 'wag mo lang akong iwan." bigla ko naman naalala yung sitwasyon ko noong iniwan ako ni Estes. Biglang kumirot na naman ang dibdib ko. Mahina talaga pagdating sa mga tao na nakikiusap sa akin. Lalo na sa lalaking itinuturing ko ng kuya.
"Sige. Basta 'wag na kayong mag-away." sabi ko. Tumayo naman siya at niyakap niya ako. Niyakap ko naman din siya pabalik.
"Salamat. Maraming salamat. I love you." nabigla naman ako sa huli niyang tinuran. Hindi na lang ako nakapagkomento pa. Umiyak kasi siya.
Estes
"Gusto mo si Aine. Aminin mo mo na Henry." mapanudyo kong sabi. Dahilan naman upang lalo niyang ikagalit. Napangisi na lang ako at tumayo. Pagkatapos kasi kaming iwan ni Aine kami nalang ng mahal kong kaibigan ang naiwan sa labas.
"Oo, gusto ko s'ya! Kaya 'wag ka ng makialam!" tinalikuran na niya ako at pumasok sa loob.
Bigla naman naring ang cellphone ko. Rumehistro naman ang pangalan ni Olivia. Sa totoo lang wala akong sagutin ang tawag niya. Ang ayaw ko naman baka hindi na niya ako lubayan sa kakatanong bakit hindi ko sinagot ang tawag niya. Kahapon nga lang nga nagdahilan na lang ako na mayroon akong inasikaso.
"Hello." walang gana kong sabi. Kahit kailan naman wala akong ganang kausap siya. Hindi ko nga din alam bakit ko siya nakilala at naging girlfriend. Siguro tawag lang ng pangangailangan.
"Kanina pa ako tumatawag sa'yo. Bakit hindi mo sinasagot?" sa totoo lang naiirita ako sa kaniya pag ganiyan siya. Hindi katulad ni Aine kahit medyo may pagkatanga, nagagawang patawanin ako at pangitiin.
"I'm busy, okay? I call you later. Bye." pinaatayan ko na siya ng cellphone at pumasok ako sa loob. Nakita ko ang isang kwarto na nakabukas ang pinto.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Bakit magkayakapan sila?
"Salamat. Maraming Salamat. I love you." mas masakit pa itong nakikita ko at narinig ko, kaysa sapak ni Henry. Tumalikod na lang ako at umalis.
Aine
Nagising ako ng maaga parang magluto ng umaga. Iniwanan ko na lang ng pagkain si Sir Henry sa lamesa. Nauna na akong pumasok. Ewan, parang ayaw ko pa siyang maka usap pagkatapos nang nangyari.
Mabuti maaga rin si Ms. Gonzales. Umupo na ako sa tabi niya at biglang may inabot siya sa akin na resignation letter. Tiningnan ko siya at ngumiti lang siya. Bakit parang napakaraming malungkot na nangyayari ngayon?
"Iabot mo ba 'yan bukas kay Sir Henry. Aalis na ako bukas." pinipilit niyang maging masaya na sabihin yoon pero halata mo paring ang pait, sa mga salita na kaniyang sinasabi. Lalo tuloy akong nalungkot. "O, bakit lumungkot ka naman?" tanong niya sa akin.
"H'wag ka nang umalis. Di ba gu—"
"Yun nga ang poit ko. Alam ko na iniwan mo kami kahapon dahil gusto mo kaming magsamang dalawa. Kaso ng hindi ka naman sumulpot iniwan din niya ako. Sa palagay ko ikaw ang gusto niya, Aine." tumawa siya ng mapait.
"Ms. Gonzales." tawag ko sa kaniya.
"Aine, kung andito lang ako, lalo lang akong masasaktan. Hindi ko na kasi din kayang umarte na matigas sa harapan ni Sir Henry." inalis na niya ang tingin sa akin. "Nga pala may regalo na nakalagay sa desk mo kanina." hinanap ko naman sa desk ko yung sinabi ni Ms. Gonzales na regalo. Natagpuan ko naman.
Binuksan ko ito. Nakita 'ko ang isang cellphone na mukhang mamahalin. Bigla ko naman naalala yung sinabi ni Estes na bibilan niya ako ng bagong cellphone. Napangiti na lang ako. Kailangan kong magpasalamat ka kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.