Kabanata 10

1.9K 41 0
                                    

Tinanong ko kanina si Estes kung bakit niya ako dinala dito. Ang sabi lang niya ay tinawagan daw siya ni Kyla at gusto daw no'ng babaeng loka-loka na 'yun ng reunion. Hindi daw niya nahindian dahil tinadtad daw siya ng tawag. Sunod nadin na tinawagan no'ng loka ay sila Kate.

Nandito kami sa isang rest house ni Estes sa Bataan. Medyo malayo sa Maynila. Kwento naman sa akin ni Kyla maraming beach dito kaya like niya daw dito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng loka ng 'yun at naisipan magsama-sama kami.

Nandito ako sa pool ng biglang sumagi sa isip ko yung dalawa. Hihihihi. Ano na kaya ang nagyari sa date nila? Sila na kaya? Matawagan nga.

Pagtinggin ko naman sa cellphone ko ang daming tawag ni Ms. Gonzales at Sir Henry. Aysus! Namiss siguro ako ng mga ito. Siguro naisip nila kung hindi dahil sa akin ay hindi nila mahahanap ang isa't isa.

Napansin ko naman na marami ding mensahe. Atat, na siguro nilang ibalit ang magandang balita. Hihihihi. Matingnan nga.

Bubuksan ko na sana yung mga message nila, ng bigla naman na tumawag si Sir Henry. Hindi ko maimagine na kinikilig si Sir Henry ngayon. Mukhang natatae kasi siya sa imagination ko, e. Hahahaha.

"Aine! Thanks at sinagot mo. Nasaan ka ba? Ano ng nangyari sayo? Ano? Pupuntahan kita." kabadong sabi niya. Ni 'ha' ni 'ho' hindi ma lang ako pinagsalita. Bakit naman kabado ang taong, ire?

"Okay lang ako, Sir. Sorry kung ab—"

"Aine, nasaan ka?!" galit niyang sabi. Atat? Atat?

"Nandito pi ako s—" naputol na naman ang linya ng magandang nilalang na kagaya ko. Inagaw kasi ni Estes yung cellphone kong di keypad.

What?!

Hinagis niya sa pool yung cellphone ko. Hahabulin ko sana ng hawakan niya ang braso ko at hinitak papunta sa kaniya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng yakapin niya ako.

Ilang minuto lang kami na naka ganun. Naputol lang nang lumitaw ang loka-loka, walang iba kung di si Kyla. Panira talaga! Aba! Tumawa pa habang bumababa ng hagdan at naka outfit pang swimming

"The Southern Seas are my domain!" aba feeling Kadita. Ang layo naman ng itsura niya doon. Hehehe. Hindi ninyo alam pwedeng mag-ML sa di keypad. Try ninyo minsan. Chos! May apo si Aling Mercita minsan nakikisuyo siya na bantayan ko. Yung bata na 'yun hilig lagi ML, kaso ngayon hindi ko na nakikita dahil kinuha na ng anak ni Aling Mercita yung apo niya. Cute pa naman, anga taba-taba.

"Hoy! 'Di ka mukhang Kadita mukhang kay chokoy!" pagakatapos kong sabihin 'yon, natalisaod ang gaga sa pagbaba.

"Aray! Naman twin sister. Feel ko lang naman ang magandang view." tama naman siya maganda ang view mula dito. Yung pool kasi makikita mo yung paglubog ng araw at yung dagat.

"Tanga walang magandang view kapag kawama ka." alam kong pareho kaming baliw ni Kyla pag nagsama. Pero sinasamantala ko ang panlalait ko sa kaniya. Hehehe. Twin sister naman kami.

"H'wag naman ganun, gandahan mo naman ng konti ang tawag sa akin, twin sister." sabi niya habang inaayos ang shades niya.

"O, sige pangit ka."

"Yun! Yan ang gusto ko sa'yo pinapaganda mo ko." what?! Ayaw niyang tanga pero pangit gusto?

"Tumigil na nga kayo. Ang sakit ninyo sa tenga pareho naman kayong pangit at tanga. Kaya lagi kayong napapagalitan noon." ani niya habang tumawa. Aba! Teka, hindi ko pa nakakalimutan ang pagtapon niya ng cellphone ko sa pool.

Exhale, inhale. Aine galingan mo ang pag-arte. Para sa ekonomiya ng Pilipinas. Lalaban tayo! Ay hindi pala, ako lang. Hehehehe.

"Estes, yung cellphone ko nilaglag mo sa pool. Remeber?" sabi ko ng mahinahon. Ano akala ninyo, ha? Akala ninyo lalaban ako, no? No way, baka lunurin pa niya ako sa pool pag ginawa ko 'yon.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon