Mga ilang linggo din, na wala akong CEO na pinagsisilbihan. Nakatanga lang kami minsan ni Kyla. Buti nga bati na kami. Si Estes lang minsan ang nagpapa alis sa amin dito sa desk, kapag may iuutos siya. Minsan ako ang pumupunta upang iaabot yung mga report, pipirmahan, at kung ano-ano pang tungkol sa company.
Nagulat naman kami ng biglang nagpatawag ng emergency meeting. Hindi nga namin malaman ni Estes kung sino ang nagpatawag. Sa pagpasok namin sa conference room nandun na ang ibang board members. Nagulat ako ng narito din ang Chairman. Siya siguro ang nagpatawag ng meeting. Si Estes umupo na siya sa dapat niya upuan. Kami naman ni Kyla nakatayo lang sa gilid.
"Kumpleto na ba ang lahat?" tanong ng Chairman na nasa gitna.
"Chairman di ba po, may sakit kayo? Dapat hindi na po kayong nag abala, na magpatawag ng meeting." magalang na sabi noong isang board member.
"H'wag mo akong pakialaman sa gusto ko. Ano kumpleto na ba ang lahat?"
"Opo Chairman." sagot nilang lahat pwera kay Estes na malalim ang iniisip.
"Good." tumikhim muna siya bago magsalita ulit. "Tawagin na ninyo siya." sabi ng Chairman doon sa mga bodyguards na nasa dalawang gilid niya. Umalis ang mga ito at natagalan bago bumalik. Bumulong ang isa sa Chairman.
"Sige, papasukin na ninyo siya." utos nito. Yung isang bodyguard niya naglakad patungo ng pinto. Binuksan niya ito at niluwa naman nito ang isang lalaki.
Nanlambot bigla ang tuhod ko. Bakit siya? Anong ginawa niya dito? Pumunta na siya sa tabi ng Chairman, yumuko muna siya sa lahat bago siya umupo sa bakanteng upuan.
"So, siya ang bagong CEO ng aking company. Meet may apo, Francis Miguel Stanford. Anak siya ang anak kong si Miguel." samu't-sari naman ang naging bulong-bulungan sa loob.
"Di ba, tinakwil na ang ama niyang si Miguel?"
"Balita ko myembro 'yan ng ilegel na oragnisasyon."
"Matagal din walang balita sa kanila, a?"
Yun ang aking mga narinig na usap-usapan.
Siya pala yung isang apo ng Chairman? Sumisikip ang dibdib ko. Bakit ang tao pa na ito ang bagong CEO?
Nanlaki naman ang mata ko ng nilingon niya ako at nginitian ng nakakalokong ngiti. Binalik niya ulit ang tuon niya sa mga board members. Mukhang hindi niya ako nakakalimutan. Naguguluhan naman ako. Kung magkaibigan sila ni Estes, bakit parang hindi naman sila magkakilala? Ng tiningnan ko kasi si Estes walang reaksyon ang kaniyang mukha.
Hindi ko na tinapos ang meeting at lumabas na ako. Sumunod naman sa akin si Kyla. Pinunasan ko naman ang luha ko habang naglalakad. Dahil sa lalaki na yun naalala ko na naman ang nakaraan.
"Twin Sister!" tawag sa akin ni Kyla pero tuloy parin ako sa paglalakad. Nahabol naman niya ako at napigilan. "Bakit ka umalis? Bakit ka naman umiiyak?" tanong niya.
"Wala 'to." sabi ko.
"Hindi ako naniniwala sa'yo, Twin Sister. Sabihin mo sa akin, yung totoo. Na-in love ka dun sa bagong CEO no? Kaya naisip mo dapat siya na lang ang kapartner mo no?" Ano ako sira? Never akong nagka gusto doon, kahit sa simula pa lang. Wala akong karapatan na magalit sa kanya dahil may kasalanan din ako, kaso nakakaramdam ako ng galit sa kaniya. Kung wala siguro siya sa mundo hindi kami magkakahiwalay ni Estes.
"Hindi." nilagpasan ko na si Kyla at iniwan.
Inimpake ko na ang mga gamit ko sa desk at nilagay ito sa isanng kahon. Ayokong makatrabaho ang lalaki na yun. Saka si Sir Henry lang naman ang boss ko. Wala na akong dahilan para magtrabaho dito dahil hindi naman na siya ang CEO.
"Uy! Twin Sister, pansinin mo naman ako. Hindi ako sanay na ganiyan ka, e." nag-aalala na sabi ni Kyla. "Teka, bakit mo nililigpit ang mga gamit mo? Saan ka ba pupunta?"
"Uuwi na."
"Hala! Hindi pa naman tapos ang trabaho mo. Mamaya pang 4:00 pm ang labas mo. Patingin nga ng relo mo baka advance." hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Hehehe. Wala ka palang relo." binitawan na niya ang kamay ko.
"Saan ka naman pupunta?" sabay kaming napatingin ni Kyla sa nagsalita. Dumating na ang pinaka iinisan kong lalaki. Ngayon ko lang napansin na may mga tattoo siya sa leeg at kamay. Ano ang trip niya? Gawing papel ang katawan niya? Sabagay, sarap niya lamukusin.
"Aalis na." walang gana kong sagot. Tinuloy ko parin ang pag iimpake ng mga gamit mo.
"Bakit pinayagan ba kita?" sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng matalim. Nakangisi siya. Sarap niyang itulak sa roof top ng building na ito.
"Hindi naman ikaw ang boss ko, si Sir Henry. Saka bukas ko na lang ipapasa ang resignation letter ko." binuhat ko na ang kahon na naglalaman ng mga gamit ko. Naglakad na ako paalis ng loob ng desk at sumunod narin sa akin si Kyla.
"Pinayagan ba kita Ms. Aine Santos?" napahinto naman ako sa paglalakad. Tiningnan ko naman siya ng masama at nilapitan. Nilapag ko muna ang kahon na buhat ko at hinarap ko siya ng buong tapang.
"Wala ka ng magagawa doon. Saka ayoko kitang makatrabaho." galit kong sabi. Nginisihan lang niya ako ulit. Sasampalin ko na sana siya ng pinigilan niya ang kamay ko. "Ano ba bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya.
"Ganiyan ka ba makipag usap sa bagong CEO ng Empire? Tsk...tsk..tsk.. Sabagay, ang cute mo kapag nagagalit." lalo naman akong naasar dahil sa sinabi niya. Pilit ko naman na inali ang kamay ko
"Bitawan mo na ang Twin Sister ko! Nasasaktan na siya sa ginawa mo." pilit na pinaghiwalay ni Kyla ang kamay ni Francis sa kamay ko. Kaso siya naman ang tinulak ni Francis gamit ang isa niyang kamay.
"Kyla!" sigaw ko. Tumalsik kasi siya at tumama ang likod niya sa pader.
"Ang likod ko. Huhuhuhu."
"Walang'ya ka." sasampalin ko na sana siya ng isa ko pang kamay, kaso pinigilan din niya ito. Pinisil niya ng marahas ang dalawang wrist ko, kaya napadaing ako.
"Masakit ba?" tapos niyang itanong yun, ngumiti siya ng mala demonyo. Sa sobrang bilis naman ng pangyayari nakita ko na lang siya na nakasalampak sa sahig.
"Alam mo matagal ko ng gustong gawin sa'yo yan. Actually, dapat kanina pa, kaso nahiya lang ako." sabi ni Estes habang hinihilot ang kamay na pinanuntok niya.
"Tssss... Naaalala mo pa talaga ako?" pinunasan niya ang gilid ng bibig niya na may dugo. Kahit ganiyan ang kalagayan ngayon ng Francis na 'yan, hindi ako maaawa. Dapat lang sa kaniya 'yan.
"Paano ko naman makakalimutan ang pagmumukha mo, ha? Hindi ko nga akalain na pinsan mo si Henry. Malaki ang pinaka iba ninyong dalawa." sarkastikong sabi ni Estes. Tumayo na ang Francis na mukhang drug lord.
"E di, ngayon alam mo na?" Teka naguguluhan ako.
"Teka!" sigaw ko. "Di ba, ang sabi mo magkaibigan kayo ni Estes?" tanong ko kay Francis. Natawa naman siya sa tanong ko na yun.
"Napakatanga mo talaga." pumalakpak pa talaga siya. "Dahil sa katangahan mo lahat pinaniwalaan mo. Hahahaha. Kaya ka nga pala nahulog ka sa—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sapakin ulit siya ni Estes.
"Fuck." mura naman ni Francis.
"Estes tama na." nanggigil kong sagot. Nilapitan ko na si Kyla na kanina pa naka upo at iniinda ang likod niya. "Kyla, ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Tumango na lang siya, hindi narin niya siguro kinayang sumagot, dahil sa sobrang sakit. Inalalayan ko siyang tumayo. Nakita ko naman na sasapakin ulit ni Estes si Francis.
"Estes! Sabi ko tama na, e." sigaw ko sa kaniya. "Tulungan mo na lang ako dito." binitawan naman niya ang kwelyo ni Francis at lumapit siya sa amin.
Sa pag alis namin nag iwan pa ng kataga si Estes. "May araw ka rin sa akin." banta niya.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.