Olivia
"Olivia!" ayan na naman sila. Kinuha ko na sa bag ko ang mga pinagawa nilang assignments nila sa akin. Inabot ko sa kanila lahat ng notebook nila at tinanggap naman nila. Inayos ko namam ang salamin na suot ko.
Chineck muna nila yung mga assignments nila na ginawa ko. Medyo kinakabahan ako, baka kasi may mali. Hindi naman ako matalino, pero hindi ko alam bakit sa akin nila pinapagawa ang mga assignments nila. Sinarado na ni Trexie yung notebook niya. Siya ang lider ng grupo nila. Nakahinga naman ako ng maluwag ng ngumiti siya sa akin.
"Alam mo hindi ka lang mukhang halimaw ang bobo mo pa!" sigaw niya. Inihahanda ko na ang sarili ko. Bakit kasi nila sa akin pinapagawa ang mga dapat ay sila ang gumagawa? Tapks kapag mali sa akin naman nila isisisi. "Girls." sinenyasan niya ang dalawa niyang na sina Brenda at Ren. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.
"Saan ninyo ako dadalhin?" nuutal kong sabi, marahil ay sa labis na takot, kung ano na naman ang gagawin nila sa akin.
"Kung saan nababagay ang mga tulad mong halimaw!" sabi ni Trixie. Naiyak na lang ako sa sobrang takot. Kailangan ko narin kasi na pumasok sa klase. "Sige bitbitin ninyo 'yan." sabi niya doon sa dalawa niyang kasamahan.
"Trexie, uulitin ko na lang." nagmamaka awa kong sabi, pero hindi nila ako pinakinggan.
Tinali nila ang mga kamay at paa ko. Dito nila ako dinala sa may garden nitong school. Tuwing vacant maraming tumatamabay dito dahil malaki ang space. Hindi ko parin alam kung ano ang gagawin nila sa akin.
"Ano dala na ninyo?" mataray na sabi ni Trexie. Inabot ni Brenda ang dala niyang plywood na may pinturang puti at may nakasulat. 'Anak ako sa labas at ayaw sa akin ng Tatay ko dahil sa mukha akong halimaw,' yun ang nakasulat.
"Trexie, please 'wag mo ng gawin 'to." sabi ko. Umiiyak na nga ako para maawa sila sa akin, pero mukhang walang talab yun sa kanila.
"H'wag umiyak mas lalo kang pumapangit." naiinis na sabi ni Ren.
"O, ayan." may tali din yung plywood kaya na sinabit ni Trexie yun sa leeg ko. Tumawa sila ng malakas at umalis na sila. Iniwan nila akong nakatali at nakasabit sa akin yung plywood na may sulat.
Hindi ko maiwasan na mainis sa sarili ko. Tinatanong ko sa sarili ko, kung bakit ako naging anak sa labas? At bakit naging ganito ang itsura ko. Ang turing sa akin ng iba na haliwaw. Sino ba naman ang gugustuhin ang isang tao na parang sinunog ang mukha.
Napatingala naman ako sa biglang nagtanggal ng nakakairitang bagay sa leeg ko. Isang lalaki ito na may kulay asul na mga mata. Nakangiti siya sa akin dahilan para makaramdam ng saya. Umupo siya sa damuhan para maging magka level kami.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.