May sim na din yung binigay sa akin ni Estes na cellphone. Nagpop up agad ang message niya sa cellphone ko touch screen. Magkano kaya kapag binenta ko ito?
Estes:
Magkita tayo mamaya sa parking lot nito building.
Aysus! Akala mo naman saan pa akong parking lot pupunta, alangan namang sa ibang building. Nagpop up ulit ang isang mensahe mula sa kaniya.
Estes:
Naninigurado lang akong hindi ka mapupunta sa iba at maliligaw papunta sa akin.
Hindi ko alam maiinis ba ako o kikiligin sa sinabi niya na 'yon. May part kasi sa text niya na parang ang 'tanga ko,' at isang part na— hay baka nagha-hallucinate na naman ako. Wala lang meaning 'yun, Aine. Chillax lang! Okay?
Me:
Aye!Aye! Captain! ~^•^~
Aba marunong na siyang gumamit ng touch screen! Tao na siya! Che! Marunong naman talaga akong gumamit ng cellphone na touch screen dahil doon nga sa apo ni Aling Mericita.
"Kailangan mo ng help?" sabi ni Leslie na katabi ko.
"Alam ko naman gamitin ito." akala niya siguro dahil di keypad ang nakikita niya cp ko, taong bundok na ako kapag gumamit ako ng mga ganito.
"Ahh. Bakit ka nga pala nawala kahapon?" tanong niya habang abala naman siya sa pagtatype ng kung ano sa computer. O, ha! Alam ko 'yan! Computer 'yan. Kayong mga readers 'wag kayo grabe sa akin. H'wag ninyo gayahin ang isa diyan.
"Kasi, e." Paano ko ba ito ipapaliwanag? Sasabihin ko kayang rumaket lang ako at sumama muna ako sa mga sindikato? Tama-tama. Tango-tango. "A, alam ko na—"
"Kung magsisinungaling ka lang, Aine. 'Wag mo nalang sabihin." sabi niya. Tiningil na niya ang patatype sa keyboard at hinarap niya ang swivel chair nuya sa akin.
"Bakit?" tinitigan niya ako sa mata.
"Wala." tapos bumalik na siya sa dati niyang ayos. Ano yun? Tingin-tingin lang sa kagandahan ko paminsan-minsan, ganern?
Pero curious ako kung bakit niya ako tinitigan. Kaya kukulitin ko 'to.
"Bakit nga?" iritado kong sabi.
"Inuutusan mo ba ako?" malamig niyang sabi. Para akong na freeze ng ilang segundo. Nakakatakot talaga itong babae na 'to, pag ganiya siya.
"Hehehe. Hindi naman. Nagtatanong lang. Ikaw naman masyadong high blood. Alalahanin mo yung puso mo nakadikit ng kanin. Hehehe." bigla naman siyang tumayo at yumunuko. Napatayo narin ako ng nakita ko na parating na si Sir Henry. Yumuko narin ako. Nang alam na namin na nakapasoo na siya sa loob, umupo na kami.
Tiningnan ko si Leslie o Ms. Gonzales. Bilib ako sa babaeng ito, nakaka arte siya ng normal, kahit ang mismong kaharap pa niya ay 'yung tao na gustong-gusto niya. Tiningnan ko naman yung kaninang resignation letter na inabot niya sa akin. Bigla na naman akong nalungkot.
"Nasaan si Kuya?" umangat pareho ang tingin namin sa babaeng dumating. Si Nicky, mukhang galit na galit siya sa mundo, pati sa Kuya niya.
"Nasa lo—" hindi na niya pinatapos si Ms. Gonzales sa litanya niya at pumasok na soya sa loob ng opisina ng kapatid niya.
Nagkatinginan naman kami ni Ms. Gonzales. Mukhang ang naiisip ko ay naiisip din niya. Ngumiti kami na parang demonyo. Lumapit kami sa may pinto at nilapit naming dalawa yung tenga namin doon. Hihihihi. Mga bata bawal gayahin. Kami lang pwede ang makichismis.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.