Kabanata 16

1.6K 35 4
                                    

Estes

Ako ang tinawag ni Kyla para tulungan siya. Nahimatay daw si Aine pagkatapos na may makasabunutang babae. Hindi ko naman matukoy kung sino 'yon. Hindi parin naman ako nagtatanong ka Kyla.

Sa ngayon dinala ko muna si Aine sa bahay ko, dito sa Maynila. Kasama narin si Aine. Makakatulong din siya sa pag aasikaso. Ngayon nasa kwarto ko na siya at si Kyla ang nagbabantay sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng galit doom sa sumabunot sa kaniya. Hindi ko naman ugali na manakit ng babae. Pero dahil sa nangyari na ito, gusto kong gawin ulit.

Binaba ko na ang cellphone ko dahil nandiyan na ang hinihintay ko, yung doktor. Mukhang malayo pa ang nilakbay niya makaputa lang dito, base narin sa itsura ng mukha niya ngayon. May dala din siya ng mga kakailanganin para tingnan si Aine.

"Buti dumating ka na, Doc. Wilson." sabi ko.

"Nasaan ang pasyente?" tanong niya. Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at tinuro ko sa kaniya kung nasaan si Aine, na wala paring malay. Gusto kong manapak dahil sa nakikita ko ngayon. Pero pilit ko lang pinapakalma ang sarili ko.

Lumapit na sa dalawa si Doc. Wilson. Umalis naman na sa tabi ni Aine, si Kyla. Lumapit siya sa akin at hinayaan muna niyang tingnan ng doktor, si Aine. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa ganitong sitwasyon.

"Ano ba kasi ang nanyari talaga kanina?" sabi ko, at pilit ko lang na huminahon. Pati itong si Kyla naging seryoso narin ang mukha niya.

"May dumating kasi na isang babae at sinabunutan siya. Bale, nagsabunutan na silang dalawa. Narinig ko lang na binanggit ang pangalan mo. Mukhang meron silang pinag aagawan." humarap siya sa akin. "Alam mo ba kung sino ang pinag aawayan nila?" hindi ko alam kung saan ako mabibwisit. Ngayong alam ko na kung sino ang naka away ni Aine o dito kay Kyla. Wala talaga siyang kamalay malay sa nangyayari.

"O, kita mo itong taong 'to. Pakatapos kong i-share, walk out agad? Huy! Like ka muna, bago run!" sigaw sa akin ni Kyla pero hindi ko na siya pinansin. Lumabas na lang ako ng kwarto. Pupuntahan ko 'yung babae na 'yun. Sa totoo lang naiirita na ako sa kaniya. Hindi pa ba malinaw sa kaniya na wala na kami?!

"Sir." bati ng aking driver pagkalabas ko ng bahay.

"Akin na ang susi. H'wag ka na lang sumunod ako na ang magda-drive." inabot naman niya sa akin ang susi ng isa sa mga kotse ko. Ang inabot niya sa akin ay 'yung mismong susi na kakagamit ko lang kanina, kaya nasa harapan pa iro ng bahay ko.

Sumakay na ako na ako ng kotse. Ng mapaandar ko na ito, kulang na lang ay lumipad ito sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. Bakit ba ayaw pa akong tigilan ng babae na 'yun? Nitong mga nakaraan lang kung ano-ano ang mga pinapadala niya sa bahay ko na mga regalo.

Pumunta ako mismo sa condo unit niya. Ang babae kasi na ito hindi umuuwi sa sarili nilang bahay. Panganay siyang anak ng isang senator pero hindi siya tanggap dahil anak siya sa ibang babae. Tss.. Maski ang sariling Ama ay sinusuka siya.

Pinindot ko ang passcode para bumukas ang punto niya. Alam ko, dahil dito ako pumupunta sa tuwing tawag ng pangangailangan. Bumukas na ang pinto. Naka abang na siya sa may pinto. Alam niya na darating ako.

"Pumasok ka." tumalikod siya at pumunta siya sa sala. Umupo siya sa isang couch at ako ang umupo sa mahabang upuan.

Pinipilit ko lang talaga na kumalma. Ayokong masaktan ang babaeng ito. Kahit papano ay may pinasamahan kami.

"Ano nagsumbong na ba ang malandi mong ex-wife?" panatag niyang sabi pero bakas ang pagka sarkastiko.

"Bakit mo ginawa yun?" kalmado kong sagot.

"Kasi inaagaw ka niya sa akin." kung kanina ay kung saan lang siya nakatingin, ngayon ay sa akin na. Kitang-kita sa mata niya ang galit.

"Hindi niya ako inaagaw sa iyo. At isa pa, hiwalay na tayo." sabi ko. Tumawa naman siya ng nakakaloko. Ano bang nangyayare sa babaeng ito.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon