Kabanata 17

1.5K 33 1
                                    

Nakita namin si Estes na may kausap sa cellphone, doon sa pinto. Saktong paglapit namin sa kaniya binabaan na niya ng tawag ang kausap niya.

"O, saan kayo pupunta?" tanong niya. Nakapagpalit nadin siya ng damit. Ang suot niya ay isang black t-shirt at pambahay na pambaba na parang panjama. Wow! 6:00 palang ng hapon.

"Uuwi na ako." sabi ko. Ipagluluto ko din kasi si Sir Henry. Nakauwi na kaya 'yun? Bilga kasing nawala kanina.

"H'wag ka ng umuwi." sabi niya.

"Bakit?"

"Wala pa si Henry at wala kang kasama doon." nag-aalala niyang sabi.

"Paano mo naman nalaman na wala siya?" nagtataka kong sabi. Sa pagkaka alam ko hindi pa sila bati?

"Ay! Ganito kasi 'yan twin sister!" bigla naman sumingit si Kyla. "Ay! Nakalimutan ko na. Sige, Estes ikaw na ang magkwento." at talaga pinipilit niyang isipin.

"Ganito kasi 'yan si Leslie ka—"

"Yun! Buntis kasi si Leslie, ba 'yon? Yun kasi ang nabasa ko sa sulat!" bandang huli siya din ang nagsabi.

"O, sige Kayla ikaw na din magkwento, kung bakit wala si Henry." naiinis na sa ni Estes.

"Hehehe. Hindi ko na alam 'yun. Hehehehe wait lang tanong ko kay Author. Sige diyan muna kayo, hanapin ko muna siya sa gilid-gilid." ayun at nagmamadali na umalis ang loka.

"Hanapin mo siya sa mga lungga ng daga! May lahing Tom kasi 'yun, pusa yo'n!" huling sigaw ko. Joke lang yung sinabi ko kanina. Hehehehe. H'wag kayong maniwala, mahilig lang 'yun sa pusa.

"O, sige. Ano nga ang ichichika mo tungkol kay Sir Henry?" napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Hindi siguro niya nagustuhan ang sinabi kong 'ichichika.' "Ay! Legit pala!" napabuntong hininga na lang siya at nagkibit balikat na lang sa sinabi ko.

"Pumunta ng Bataan si Henry, kaya wala siya." teka ang gulo? Hindi ma-absorb ng maliit kong utak. Si Leslie juntis, at ito namang si Sor Henry pumunta ng Bataan?

Kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-open ng facebook sa facebook lite.

"Ano ginagawa mo?" natatakang tanong ni Estes.

"Magsta-status ako. #AngGuloNgDalawangLoversSaStoryNiMinayiyimi and #BigyanMoNgaNgSarilingStoryAngGuloKasi."

"Huh?" rinig kong ungol ni Estes.

"Yun post na at Myday pa. Sa'n na nga tayo ulit?" tanong ko. Napasapo na lang siya sa noo niya at napa iling.

"Ang sabi ko pumunta ng Bataan si Henry. Karagdagan naman sa sinabi ko kanina, siya ang nakabuntis, kay Leslie." nagulat naman ako sa sinabi niya. Status ulit. "Ano na naman ang ginagawa mo?" tanong niya.

"#GrabengRevelation and #SanakamukhakoyungBaby." banggit ko habang nagtitipa. Pipindutin ko na sana yung post kaso kinuha ni Estes yung cellphone ko.

"Ano ba? Po-post ko na 'yan. Saka hinihintay 'yan ng mga fans ko." angal ko habang kukuha ang cellphone ko sa kamay niya. Kainis bakit ba ang liit ko? Naka angat kasi yung kamay niya. E, ang taas pa naman ng taong ito.

"A-a-a." bakit ang sexy niya noong sinabi niya yo'n? "Abutin mo muna ito." hamon niyang sabi.

"Akin na kasi." halos magadikit na ang katawan namin dahil pilit ko talagang inaabot yung cellphone ko. Bakit ba kasi ang tangkad nito? Ito tatalon ako ng malakas este ng mataas. 1.....2....3.... "Yaaahhhhhh!!!!" sigaw ko, pero slow motion kami na lumanding sa sahig.

Ang pwesto namin ay nakapa ibabaw ako at nakadanga ako sa kaniya. Magkatitigin lang kami ngayon. Nahuhumaling ako na tingnan ang mga asul niya mata. Dumako naman ang tingin ko sa matangos niyang ilong. Hindi ito masagwa tulad ng kay Bisugo. Pagkatapos kong tingnan ang ilong, naladako ang tingin ko sa kaniya mamula-mulang labi. Naramdaman ko na ang malakas na pintig ng puso ko, kaso parang may iba pang sumasabay dito. Dumako naman ang tingin ko ulit sa mga mata niya. Bigla naman nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako. Hindi narin ako nagpakipot. Hinayaan ko na siyang mag-explore sa loob ng bibig ko. Pumikit ako para namnamin ang tamis ng halik niya.

"Twins Sister, may nakita akong pusang gala doon, si Author na ba yun? Oh my gulay!" narinig namin na dumating si Kyla pero hindi namin siya pinansin. Tuloy lang kami sa paghahalikan namin. Itong halik na ito ang hinding-hindi ko pagsasawaan. Feeling ko nililipad nito ako sa ere.

"Sige, alis muna ulit ako. Feel ninyong maghalikan sa sahig. Hay! Makapag status na nga lang. #FeelNilangMagtukaanSaSahig."

Hanggang ngayon wala parin kaming kibuan tungkol sa nangyari kanina. Nga pala, papunta kami ng bahay ni Sir Henry. Balak ko kasing kumuha ng pamalit.

Habang nagda-drive siya nagnanakaw ako ng tingin. Siguro naaalala din niya 'yung halik namin, napapakagat labi kasi siya. Ang gulo ng sitwasyon ko ngayon. Naghalikan kami pero sila ni Olivia. Feeling ako yung kabit, e.

"Ahhmm... Estes." nahihiya pa sana akong banggitin ito sa kaniya, pero kailangan.

"Hmmmm.." nakatuon padin ang atensyon niya sa pagda-drive.

"Ano ba talaga tayo?" hindi ko alam kung bakit ako nalungkot sa tanong ko na yoon. Sino ba naman hindi malulungkot na babae na ang gusto mong lalaki, may girlfriend na.

"Mag-Ex." bigla namang kinurot ang dibdib ko ng sinabi niya na yon. Sabagau, totoo naman ang sinabi niya. Oo na! Walang kami pagkatapos ng halikan na yo'n! H'wag kayong matuwa mga bashers! Kampon kayo ni Olivia, bweset!!!!

"Ahhh.. yun kasi n—"

"Nandito na tayo." sabi niya. Pagkatingin ko naman sa paligid, nasa tapat na nga kami noong hotel. Mukhang iniiwasan niya yung tanong ko na yun. Parang hindi ko na maigalaw yung katawan ko. Naubusan yata akong ng energy.

"Labas na." yaya ni Estes. Nginitian ko na lang siya ng matipid, tutal pinagbuksan naman niya ako ng pintuan.

"D'yan ka na lang, intayin mo na lang ako sa may sala." sabi ko at pumasok na ako doon sa kwarto ko. Kinuha ko naman ang bago kong bili na bag. Syempre sumweldo na ako, kaya nakabili na ako ng mga gamit para sa akin. Kumuha na ako ng pang isang linggong damit. May makikihati din kasi sa akin. Si Kayla gusto muna daw niyang magbakasyo kasama ko. Ang tanong ko nga lang, nagbakasyon siya na walang baong damit. Tsssk. Mamaya lilitisin ko yun.

"Ito ba siya?" nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Hawak ngayon ni Estes yung picture ni Little Peanut ko.
"Ito ba yung bata na sinasabi mo dati sa akin?" sabi niya. Hindi naman halos matanggal yung tingin niya doon sa picture ng ultra sound.

Doon na bumigay yung mga tuhod ko at napa upo na lang ako sa sahig. Naalala ko na naman kasi yung pagkawala ng anak ko. Ngayon, hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoong nangyari sa kaniya.

"Oo." nauutal kong sabi.

"Bakit ito lang ang picture mo? Nasaan siya?" sabi niya.

"Wala na siya." sabi ko. Narinig ko naman na binitawan na niya yung picture frame. Naiyak na naman ako. Sigurado akong ako na naman ang sisihin niya. Hindi ko na alam na pagkatapos ng mga nangyari kakayanin ko pang tanggapin ang mga sasabihin niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Umupo na siya sa sahig.

"Kasi nawala siga dahil sa akin." hindi ko alam kung nakging malinaw pa ang pagkakasabi ko no'n. Napahagugol na lang ako sa labis na pagsisisi.

Mas lalo namam akong napahagulgol ng yakapin niya ko. Sinusubukan niya akong pakalmahin. Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang reaksyon niya sa sinabi ko. Ang inaasahan ko kasi ay sisisihin na naman niya ako sa mga nangyari.

"Shssss... Tahan na. Ako ang dapat na sisihin." hindi ko narin masyadong naintindihan ang sinabi niya. Ang naiintindihan ko lang ngayon ay ang labis na hinapis.

-----------

Meow! Ginawa na nila akong pusakal.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon