Hindi ako naka-alis ikunulong ako si Estes sa kwarto. Nababaliw na ako dito hangga't hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Kyla. Paikot-ikot lang ako sa kwarto. Iniisip ko kung paano ako makakatakas dito. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nagtipa.
Me:
Kyla, pwede ba kitang puntahan ngayon?Ang bilis naman sumagot ng nagpapanggap na Kyla, parang talagang inaabangan niya ang text ko.
Kyla:
Okay.Sa ganiyang mga sagot niya, mas lalo akong naghihinala na hindi si Kula ang sumasagot sa akin.
Me:
Saan tayo pwedeng magkita?Natanggap ko na ang text niya kung saan kami pwedeng magkita. Ang kailangan ko na lang ay ang makalabas dito. Napatingin naman ako sa may pinto ng bumukas ito. Si Layla, ang isa sa katulong sa bahay ni Estes. May dala siyang tray ng pagkain.
"Sabi po ni Sir, pakainin daw kayo ng agahan." magalang niyang sabi. Sinenyasan ko na lang siya na ilapag na lang, kung saan niya maibigan.
Habang nakatalikod naman siya at inilalapag ang pagkain, kinuha ko ang isang flower vase. Sorry, pero kailangan kong patulugin ka. Maingat naman akong lumapit sa kaniya.
"Yaaa!" at ayun pinukpok ko na sa ulo niya. Natulog lang siya sa sa sahig.
Nang wala na siyang malay, yun naman ang pagkakataon ko na umalis ng kwarto. Nagtago naman ako sa isang paliko ng bahay ni Estes. Nakita ko kasi si Bernadette, na may dalang panlinis. Pumasok siya sa isa sa mga kwarto kaya umalis na ako sa pinagtayguan ko.
Nang malapit naman na ako sa gate, nakita ko ang gwardya, tulog. Buti na lang. Pasalamat na lang ako at may mga tuluging gwardya sa mundo. Sumakay na ako ng taxi. Namamanhid naman ang buong kamay ko. Natauhan naman ako ng naalala ko na hindi ko nadala ang cellphone ko. Patay!
Binitawan ko pala yun, noong kinuha ko ang flower vase. Napatapik na lang ako sa noon ko. Napaka tanga mo talaga, Aine. Ngayon nagagalit naman ako sa sarili ko.
Tumigil na ang taxi driver sa isang malaking katayan ng mga sasakyan. Bumaba na ako at nagbayad. Bakit dito—? Dito nila dinala si Kyla?
Tagapagsalaysay
Si Kyla ay nakatali sa isang upuan at nakabusalsal sa kaniya ang isang panyo. Hinang-hina na siya dahil kahapon pa siya hindi kumakain, kasama pa ang pagpapahirap sa kaniya ni Olivia. Bumukas ng pinto ng kwarto na pinaglagyan sa kaniya. Alam ni Kyla kung saan siya dinala ni Olivia, dahil sa mga gulong na nakikiga niya sa bintana, alam niyang nasa isang junk shop siya ng mga sasakyan. Namamaga narin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. Gulo-gulo ang kaniyang mga buhok dahil ilang beses siyang sinabunutan ni Olivia.
"Hello. Ooohh.. namiss mo agad ako? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" natatawang sabi ni Olivia. Inangat naman niya ang cellphone ni Kyla na hawak niya. "Parating na nga pala ang iyong nunting kaibigan." sabi niya habang winawagayway ang cellphone ni Kyla.
Ungol lang ang mga naririnig kay Kyla, pero ramdam ang kaniyang galit. Pilit niyang inaangat ang silya na kinagagapusan niya, para maabot si Olivia.
"Relax lang, hindi ko naman siya papatayin. Hahahaha. Unti-unti ko lang naman siyang papatayin. Pahihirapan ko din siya, kayong dalawa." ngumisi pa siya kay Kyla.
Natahimik lang si Olivia ng tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha naman niya ito sa kaniyang bag.
"Hello kuya." paunang salitang niya sa tawag.
"Olivia, ano ang tinext mo sa akin? Pupunta diyan si Aine?" nagtatakang tanong ni Francis sa kabilang linya.
"Oo Kuya, baka kung ano ang gawin niya sa akin." nagmamaka awang sabi ni Olivia. Tiningnan naman niya si Kyla na nakatitig din sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.