Nakayapak na lang ako ngayon. Hindi ko na kasi matagalan ang sakit ng paa ko. Maggagabi na, kaso hindi parin ako kumakain. Nadaanan ko naman ang isang basurahan. Nakita ko ang isang bukas ng kahon ng Jollibee at may laman pa ito. Mukhang hindi nabawasan ang laman non. Nagpalinga-linga ako sa paligid, mukhang wala namang tao bukod sa isang itim na kotse na nakaparada sa gilid. Mabilis kong dinampot 'yon. Sa totoo lang hindi naman ito ang unang beses na dumampot ako ng pagkain mula sa basurahan, maraming beses nadin.
Habang kinakain iyon muntik pa akong mabulunan. Ang ginawa ko hinalungkay ko ulit yung basurahan. Buti may isang bottle of mineral na kalahati lang ang bawas. Ininom ko agad iyon.
Nagpahinga muna ako ng ilang saglit sa sinasandalan kong pader. Medyo naiinitan nadin ako sa suot ko na pang job interview attire. Kinuha ko sa aking bulsa ang nagri-ring kong di keypad. Sinagot ko naman ang tawag kaagad ng malaman kong si Aling Mericita 'yon.
"Hello po." magalang kong bati sa matanda.
"Aine, pwede bang ikaw muna ang pumalit sa isang empleyado. Wala kasing maglilinis sa nakatoka sa kaniya. At hindi ko naman kaya na linisin ang dalawang palapag. Pwede ka ba hija?" sabi ni Aling Mericita. Good news! Salamat at magkakapera na ulit sa wakas! Kahit maliit lang okay na sa akin.
"Pwede po!" galak kong sagot. "Ahhhmm... Aling Mericita.."
"Ano yun, Aine?"
"Pwede po ba akong matulog ulit sa may stock room?" nahihiya ko pang sabi.
"Pwede hija! Lagi mo na lang tinatanong sa akin 'yan hija. H'wag ka ng mahiya. Kaysa naman matulog ka na naman sa lansangan." napangiti naman ako sa sinabi ng matanda. Noong unang pagkikita kasi namin talaga awang-awa siya sa akin noon. "O syah! May gagawin pa ako."
"Okay po, bye."
Sinuot ko kaagad sa locker room ang binigay na uniporme ni Aling Mericita. Madami daw bisita ngayon ang hotel, kaya masyadong maraming lilinisin. Kaya overtime lahat empleyado sa hotel na ito. Yung pinalitan ko, nahimatay daw sa sobrang tindi ng pagod.
Ang totoo, binalak ko talaga mag-apply sa hotel na ito. Kaso sabi, no vacant daw, kaya no choice kung hindi maghanap ng ibang trabaho. Maganda narin yung pasideline-sideline ako rito.
Sumakay na ako ng elevator dala ang lalagyanan ng mga panlinis. Kaso biglang may pumigil ng pagsarado ng pinto ng elevator. Namula naman ako dahil sa aking nakita. Isang babae at lalaki na halos ayaw ng bumitaw sa paghahalikan ang sumakay kasama ko. Wa pake lang ako. Inintay kong magsarado ang pinto ng elevator, saka ko pinindot ang 18, doon kasi ako naka assign.
"Uhmm~" ungol ng babae. Hindi ko silang kayang tignan kaya patay malisya na lang talaga ako. Tiningnan ko na lang ang screen na nagsasabi kung nasaan na kaming floor. Itong dalawa naman wala yatang balak bumaba. Hayy! Bahala nga sila!
Sa wakas at nakarating na ako sa naka-assign ko na floor. Lumabas na ako ng elevator pero yung dalawa ay naiwan sa loob. Tinulak ko na ang dala kong cart ng panlinis. Akala ko ako lang ang bababa, akala ko lang pala! Bumaba din kasi yung dalawa while kissing. Bilib din ako sa dalawang ito! Sige ipagpatuloy ninyo lang yan! Ikakaulad 'yan ng Pilipinas! Hay! Mga tao talaga ngayon.
Kinuha ko na sa bulsa ko ang isang papel. Dito kasi sinulat ni Aling Mericita lahat ng lilinisin kong room. Bale, lima ang lilinisan ko. Kaya mo to, Aine! Fighting!
Nalinis ko na ang apat na kwarto. And last, room 185!
Kumatok muna ako baka kasi may tao sa loob. "Maglilinis po!" talagang nilakasan ko para marinig.
Wala naman yatang tao kaya kinuha ko na ang mga susi na nasa tagiliran ko. Pumasok na ako sa loob dala ang cart ko. Nai-stop naman ako sa narinig ko.
"Ugh~" tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga damit ng babae't lalaki na nasa sofa. Pamilyar ang mga ito. Yung nasa elevator! Napatakip naman ako ng bibig.
Umiling nalang ako at dinampot ko na lang ang mga damit na nakakalat.
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Hinawakan ko ang isang pulang bra na masyadong makapal ang palaman. Siguro bra 'yun noong babae. Bakit kasi may mga babae hindi makuntento sa binigay sa kanila? Hindi nila tingnan ako, kuntento na. Kuntento na rin ako sa kagandahan ko chos! Hay! Ano ba ito iniisip ko? Erase! Erase! Magtrabaho ka, Aine!Ngayon lababo naman! Tinanggal ko muna ang wedding ring namin ni Estes at nilapag sa lamesa, baka kasi mawala. Kahit hiwalay naman na kami ni Estes siya parin ang lalaking minahal ko.
Kinuha ko na ang basahan at nagsimula ng magpunas ng lababo. Hay! Bakit ganito kakalat naman ang lababo nila?!
Natapos na akong maglinis kaya umalis na ako. Sa pagtutulak ko ng cart nagulat ako sa pagkalampag noong pintong nilabasan ko kanina. Nilagpasan lang ako ng babaeng kanina ay nakikipag-sex sa loob. Galit yata. Bakit kaya? Sabay kaming pumasok sa elevator. Halos mabasag na ang cellphone niyang touchscreen sa kakatipa. Syempre, hindi ko naman siya tinitigan, peripheral view.
"Hello! Olivia! Sabihin mo nga diyan sa boyfriend mo! Yung kaibigan niya pagsabihan niya! Bakit?!" nakita ko naman tumingin siya sa akin. "Itetext ko na lang! Basta sabihin mo d'yan sa boyfriend mo na pagsabihan niya yung kaibigan niyang bastos!" tapos binaba na niya ang cellphone niya. Halos sabunutan na niya yung sarili niya sa sobrang inis. Napahagikgik naman ako ng kaonti. Pinigilan ko naman kaso mukhang narinig ng katabi ko.
"At anong tinatawa-tawa mo d'yan?" ayun at nakuha ko ang atensyon niya. Lagot! Ako yata ang pagbabalingan niya ng galit.
"Wala po Ma'am." mahinahon kong sabi.
"Hindi e! I'm sure na pinagtatawanan mo ako!" ngayon nanlilisik na ang mga mata niya sa akin.
"Hindi po Ma'am." tanggi ko, kahit totoong natawa naman talaga ako sa itsura niya kanina.
"Kunwari ka pa ha?!" ayun sakto na pagbukas ng elevator ay kinaladkad na niya ako palabas.
"Aray ko, Ma'am nasasaktan po ako!" buti na lang at nahablot ko yung cart kung hindi maiiwan 'yon sa loob ng elevator.
"Dapat lang yan sa'yo!" ayun at sinabunutan na niya talaga ako.
"Hey! What's going on?" buti naman at may lumapit sa amin na isang lalaki. Mukhang half-blooded si Sir, matipuno at gwapo Kasi s'ya.
"E, kasi 'tong babaeng chimay na 'to pinagtatawanan ako!" sumbong ng babaeng loko-loka doon sa kakarating na lalaki. Ako naman, ito hinihimas ang anit ko dahil sobrang sakit. Pag ako gumati kalbo ka. Grrr...
"Is it true?" tanong ng lalaking may maamong mukha sa akin.
"E, kasi Sir, totoo naman natawa ako kay Ma'am pero pinigilan ko naman po." nakayuko kong sabi.
"O, kitam! E 'di sa bibig mo din nanggaling na pinagtawanan mo ako. Nagsisinungaling ka pa kanina." e, sino ba naman hindi makakapagsinungaling kung umuusok na ang ilong mo!
"Girls, stop. You." turo sa akin noong lalaking gwapo. "You need to say sorry to her." utos niya sa akin. Ang bruha tumaas pa ang kilay. Ihampas ko sa'yo itong cart ko e.
"Sorry." kahit pilit ay pinilit ko paring magsorry. Inisip ko na lang na may kasalanan din ako. Katulad ng sinabi niya sa akin noon. Naalala ko na naman siya.
"Tss.. maka-alis na nga. You're wasting my time." singhal nito, bago umalis.
"Are you okay?" lumapit nasa akin yung lalaking gwapo at napahawak pa sa balikat ko. Landi!
"Opo, Sir. Salamat po." nagpasalamat nadin ako dahil niligtas din naman niya akong makalbo.
"Welcome. I'm Henry." at inabot niya sa akin ang isang kamay niya.
"Ahmm... Ako po si Aine." kabado kong sagot, sabay abot naman ng kamay ko sa kaniya. Akala ko shake hands ang magaganap pero kiniss niya ito.
"What a beautiful name." puri pa nito. Nagiinit na ang aking mga pisngi, kaya inalis ko na ang aking kamay.
"Ahh.. sige po Sir, alis na ako. Marami pa po kasi akong gagawin." nagmamadali ko na tinulak yung cart ko. Hiwalay man ako kay Estse pero andito parin siya sa puso ko. At pinangako ko na sa sarili ko na si Estes lang ang mamahalin ko. Loyal yata 'to! Kahit sampalin ako ng katotohanan na wala ng lahat...
---------------
☑️
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
فكاهةHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.