Kabanata 18

1.5K 28 3
                                    

Napatingin kami ni Kyla sa dumating, dito sa bahay ni Estes. Si Diego na puro bad aid ang mukha. Napano naman kaya ang lalaki na ito? Lumapit naman siya sa aming dalawa ni Kyla, habang ang dalawa niyang kamay ay nakasusok sa kaniyang bulsa.

"Nasaan si Estes?" mukhang bad trip. Halatang sariwa pa ang mga sugat niya sa mukha.

"Nasa kwarto niya." sabay naming sabi ni Kyla at pati nga sa pagka utal sabay kami.

"Buti dumating ka na." dumating naman na si Estes na may dalang flash drive. Sabi niya kasi meron siyang movie ng The Advengers, yung bago, kaya itong si Kyla parang bata na pinilit si Estes. "Pinabugbog ka na naman ng Tatay mo." mapang-asar na sabi ni Estes ng mapansin niyang puro sugat ang kaniyang mukha.

Bali pangalawang araw na namin dito sa bahay niya. Ito naman si Kyla kaya pala walang damit na dala, pinalayas sila sa kanila. Ewan kung bakit siya pumayag na umalis, yung hipag lang naman niya ang nagpalayas sa kaniya. Kawawa nga ang aking Twin Sister, dahil walang magawa ang Kuya niyang batugan. Kaya nagpasiya ako na sumama na lang siya sa akin. Pagdating na pagdating ni Sir Henry, sasabihin ko na lang na maging assistant-secretary ko na lang siya. Ang bruha wala din palang trabaho, tapos yung mga naipon daw niya, ayun pinamigay sa mga dating boylet.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ni Diego. 

"Wala gusto ko lang manood tayo." sabi ni Estes habang inaayos yung panonooran namin.

"Twin Sister, umupo nga tayo. Nangangawit na ako." pabulong na sabi ng katabi ko. Umupo naman kami sofa at behave lang kami. Dalawang lalaki ito, baka kapag nag-ingay kami, basagin nila ang aming magagandang mukha. Ay! Mali ako lang ang maganda.

"Hahaha. Grabe ka pare, tig isa ba tayo sa mga chix mo? Ano ba ang panonoorin natin, sila?" pabirong sabi ni Diego. "Naku pare, ikaw na lang, masama yung mukha ng isa." natatawa niyang sabi.

"Twin Sister, ikaw yata yung masama ang mukha." siniko pa ako at binulong yun, sa akin ni Kyla.

"Kung iharap ko kaya sa'yo ang salamin?" banta kong sabi.

"H'wag, masakit makita ang katotohanan, Twin Sister. Hehehe. Tanggap ko naman sa ating dalawa ikaw maganda."

"Diego, kung chix ang hanap mo, may tinawagan na ako." makahulugang sabi ni Estes. Ito namang PlayBoy tuwang-tuwa. E, kung putulan ko kaya ito ng kaligayan, now?

"Twin Sister, aanhin ni Diego yung mga sisiw?" bulong ulit nitong katabi ko. Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Hay! Naku po! Bakit ba kinulang ito sa buwan. Buti ako kahit papano may utak. Siguro, itong si Kyla noong nagasabog ng utak, naubusan ito. Buti na lang, nakakuha ako kahit maliit. Hahahaha.

"Aasawahin niya." sa sinabi ko na yo'n sabay kaming napatingala sa taas. Parang may kung anong ulap kaming naiimagine, tapos nagtagpo ito. Lumabas sa ulap na yung kung ano ang inisip namin. Diego plus sisiw= isang katerbang mga sisiw na ang ulo ay Diego. Nagngitian naman kami na parang mga baliw ni Kyla. Ang sagwa ng naisip namin. Napabungisngis narin kami.

"Ano ang tinatawa ninyo d'yan?" tanong ni Diego with matching taas kilay pa.

"Wala!" maangan naming sabi.

"Manood na tayo." sabi ni Estes. Umupo naman na sila Diego at Estes sa isang sofa, tabi sila. Ang sweet, bromance.

"Diego my loooooooovvvvveeeeeessss!!!!" sa pinto palang ay alam ko na kung sino, si Nicky.

"Hala! Bakit may baliw dito?!" tanong ni Diego. Nakita ko na nakangisi si Estes. Siguro, alam niyang darating ang number one fan ni Diego. Huli ka ngayon balbon. Wala ka ngayon kawala, sa babaeng nagngangalang Nicky.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon