Special Chapter: Olivia

2.4K 35 5
                                    

"May bisita ka Roces." natapatayo naman ako dahil sa pagtawag niya sa apilyido ko. Biinuksan na ng isang babaeng pulis ang rehas. Lumabas naman ako.

"Sino daw?" tanong ko. Sa ilang buwan ko na kasi dito sa kulungan wala pang bumibisita sa akin. Sino nga naman ang mag-aabala na dalawin ako? Ayaw sa akin ng lahat.

"Kaibigan mo daw." napakunot naman ang noo ko. Sinong kaibigan? Kung may kaibigan lang ako dito sa mundo, ay si Kuya Francis lang at wala ng iba. "Hala, sige, lumakad ka na. 'Wag babagal-bagal." binatulakan naman ako noong babaeng pulis, na siya naman na ikinairita ko. Talaga pag nagkita kami ng Hepe ng mga pulis sa kaniya ang ginawa sa akin na ito.

"H'wag mo nga akong hawakan. May paa ako, kaya kaya kong lumakad." pagpupumiglas ko.

Pumasok na kami sa isang kwarto. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko siya. Hindi ko inaasahan na siya ang bibisita sa akin. Napayuko naman ako.

"Hindi ko siya kaibigan." sabi ko at tumalikod na.

Narinig ko naman na kumatok siya sa salamin. Nilingon ko naman siya, nakita ko ang mga mata niya na nagmamaka-awa na kausapin ko. Napangiwi na lang ako. Di ba, nandidiri siya sa akin? Tapos ngayon nandito siya?

"6069, ano uupo ka o babalik ka na sa selda mo?" tanong noong babaeng pulis sa akin."

"Uupo." tipid kong sabi. Parang kinati kasi ang lalamunan ko, kaya nasabi ko iyon. Interesado din naman ako sasabihin niya.

Umupo na nga ako sa upuan. Malinaw kong nakikita siya sa kabila. Salamin ang pagitan naming dalawa. Binuksan na noong babaeng pulis ang mic voice dito. Sa ganun paraan naman magkakarinigan na kami ni Estes. Wala lang ekspresyon ang mukha ko. Dahil sa mga nangyari parang nawalan narin ako ng gana na mahalin siya. Naisip ko na ang isang gaya niya bituin na tanging si Aine lang ang makaka abot, hindi ang ibang tao, at lalong hindi ako.

"Pipay." nagulat ako sa sinabi niya na 'yun pero hindi ko pinahalata. Mukhang alam na niya kung sino ako. Hindi ko naman siya inimik at tiningnan ko lang ang kaniyang mga asul na mata. Namiss ko ang mga titig na pinupukol niya sa akin, hindi dahil bilang Olivia kung hindi, bilang Pipay. "Kamusta ka na?" ngumiti siya sa akin pero hindi ko iyon ginangihan.

"Ayos lang naman." I said in monotonous.

"Ang tagal mong nawala, bilang Pipay. Ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" tumulo ang isang nakatakas na luha sa akin mga mata. Wala akong maintindihan sa pinapakita niyang pag-aalala sa akin. Ang dapat pinadidirihan na niya ako ngayon at kinamumuhian. "Magsalita ka naman, Pipay." sabi niya.

"Hindi kilala kung sino ang tinatawag mong Pipay. Si Olivia ako, namali ka siguro ng preso na napatawag." tumayo na ako sa upuan para iwasan na siya.

"Sorry." narinig kong sabi niya. "Alam ko naman na ang lahat. Pinuntahan ko muna si Francis bago ikaw. Kaya sorry dahil sa panahong kailangan mo ako, bilang kaibigan ay wala ako." doon na tuluyang dumagsa ang mga kuha ko. Hindi ko na inantay ang bantay ko at lumabas na ako sa kwarto na 'yun.

Umalis na ako doon at binalik na ako ng bantay ko sa selda. Doon ko sinimulan na umiyak ng umiyak.

"Ate, bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ng kaisa-isa kong kakosa, si Zery. Sa batang edad na 18, nakulong na siya. Nakulong siya dahil sa pagnanakaw. Nagpunas na lang ako ng luha ko at humarap sa kaniya.

"Wala ito, nadapa lang ako kanina." ngumiti pa ako para itago ang lunkot na aking nararamdaman. Nagulat naman ako ng umupo siya sa kama ko at niyakap ako. Naramdaman ko na tinapik tapik niya ang balikat ko.

"Sige, iiyak mo lang Ate. Lilipas din ang pagluha katulad ng ulan na bubuhos at mawawala din." Alam ko na medyo malalim ang sinabi niya na 'yun. Sapat naman ang pagyakap niya sa akin para ilabas lahat ng hinanaing ko.

Sa sumunod na araw naman naman ang bumisita sa akin ang aking Ama.

"Bakit kayo nandito?" malakas kong sabi.

"Sasabihin ko lang na, iaatras na ng Empire ang kaso sa inyo at pati narin ni Estes." sabi niya. Napangisi naman ako. Bakit naman gagawin ng Empire yun at ni Estes? Imposible.

"Naki usap ba kayo?" sarkastiko kung sabi.

"Hindi, si Estes ang pumunta sa akin at kinausap ako." nakita ko naman sa mga mata ng akin Ama ang mga nagbabadyang luha.

"O, bakit kayo umiiyak? Dahil nakaladkad ko sa kahihiyan ang pangalan ninyo? Sabagay, eleksyon."

"Olivia!" sigaw niya sa akin.

"O, ano sasampalin na ninyo ako?" sarkastiko kong sabi.

"Anak." napawi naman ang ngisi sa labi ko ng tawagin niya akong ganun. "Anak, patawad. Pagnakalaya ka babawi ako sa'yo. Umuwi ka na sa atin. Kinausap ko na rin ang mga Tita mo at kapatid mo. Tanggap ka na nila." napakamao naman ang kamay ko. Bakit ginagawa nila ito?

"Ano ba kayo?! Dapat kamuhian ninyo ako!!!" umalis na ako at tinalikuran ko na si Dad.

Kahit patawarin nila ako sa tingin ba nila may ihaharap pa akong mukha sa kanila? Wala na! Ayoko na! Ayoko na silang makita! Si Kuya Francis lang ang may gusto sa akin. Alam kong ginagawa lang nila yun dahil naaawa sila.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon