Aine
Papunta na kami ng kotse ni Estes dito sa parking lot. Pero parang kinakabahan ako? Kanina kasi sabi ni Kyla dadalhan daw niya kami ng pagkain, pero uwian na namin, wala namang dumating na Kyla. Saan naman kaya nagsuot ang babae na 'yun?
"Aray." napadaing naman ako ng mauntog ako sa isang matigas na bagay. Patingin ko naman hindi naman pader, kung di si Estes. Nakakunot ang kaniyang noo. Ano naman kaya problema nito? H'wag sabihing may problema din siya? Ay! Oo nga pala, si Francis.
"Ang lalim ng iniisip mo. Ano ba 'yon?" nag crossarms pa talaga siya.
"Kanina kasi sabi ni Kyla pupuntahan daw niya tayo para dalhan ng pagkain. Ang kaso hindi pa siya dumadaging hanggang ngayon." sabi ko na may halong pagtataka. Hinawakan lang niya ang baba niya, mukhang napa isip naman siya.
"Baka, tinamad na. Alam mo naman yun." yun lang ang sabi niya. "Mas mabuti pa umuwi na tayo. Baka nandun lang yun, at nanonood." nginitian lang niya ako, napangiti na rin ako. Kahit ganun, hindi parin namawala ang bigay na nasa dibdib ko. Feeling ko may nangyari talagang masama sa kaibigan ko. Hindi, baka maling kutob lang 'to.
"Ano tara na." aya ni Estes. Pinagbukas na niya ako ng pinto. Ngumiti naman ako ng matipid bago sumakay sa kotse niya.
Pagdating naman namin sa bahay ni Estes, agad kong tinanong ang mga katulong. Buti natagpuan ko sila sa kusina at nagre-ready na ng hapunan.
"Nasaan si Kyla?" napalingon namam sa akin yung Bernadette, sumunod ay si Layla. Pansamantalang tinigil muna nila ang kanilang ginagawa.
"Kanina umalis po siya, may dala pa ngang pagkain na niluto namin." sagot sa akin ni Layla.
"Pinilit pa nga po niya kami na magluto. Bakit po?" tanong naman ni Bernadette. Binuksan niya ang gripo sa lababo at naghugas na kamay. Ipinahid naman niya ito sa kaniyang apron.
"Pero, may sinabi ba siya, kung saan talaga siya pupunta?" tanong ko. Sabay naman umilig yung dalawa. Kinakabahan na talaga ako. Ano na kaya ang nanyari doon?
Tumakbo naman ako papunta sa may kwarto ni Estes. Nagsusuot naman siya ng t-shirt ng maabutan ko siya. Agad naman niyang naramdaman ang pagpasok ko, kaya nilingon naman niya ako, na nasa pintuan.
"O, nandiyan ba siya?"
"Wala siya. Sabi ng mga katulong umalis nga daw si Kyla, may dala ding pagkain. At dapat ang pagkain na 'yun ay dadalhin niya sa atin. Kaso hindi siya dumating." nanginginig na ang boses ko at mga kamay dahil sa sobrang kaba. Nilapitan naman ako ni Estes. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan.
"Baka umuwi na yun sa kanila?" alam ko ang sinabi na yun ni Estes, ay para lamang na pakalmahin ako.
"Hindi, magpapa alam sa akin yun kapag aalis na siya." ngayon hindi ko na alam kung saan titingin.
"Malay mo may emergency sa kanila?" doon naman napukaw ni Estes ang simpatya ko. Baka nga siguro? Naprapraning lang siguro ako. Matalgal ko din kasi nakasama si Kyla, baka hindi lang ako nasanay na wala siya ngayon.
"Baka nga." matipid kong sabi. Tinanggal ko na ang kamay niya na nakahawak sa isang kamay. Tumalikod na ako at tinawag naman niya ako ulit. Hindi na ako nag abala na lingunin ulit siya.
"Hinawalay na nga pala kami ni Olivia." diretso niyang sabi. Ako naman, tinuloy ko na lang ang paglalakad. Wala ako sa mood para mag react ngayon. Masaya ako ng kaunti sa sinabi niya, pero paano kung hindi naman totoo ang sinabi niya? Ewan, para ngayon wala pumapasok sa utak ko.
Pumasok na ako ng kwarto ko at nagbihis, ng pambahay. Lambot na lambot ako na humiga ng kama. Bigla ko naman naisip yung sinabi ni Estes kanina. Pero umabot lang ito sa pagsagi sa isip ko hanggang sa dalawin na ako ng antok.
Nagising na ako sa kinabukasan. Pag-upo ko sa kama narinig ko naman na kumulo ang tiyan ko.
"Twin Sister, gising na, kain na tayo." sabi ko. Tulog mantika kasi si Kyla, kaya ako lang ang gumigising sa kaniya tuwing umaga. Wala naman akong narinig na sagot, kaya tiningnan ko siya sa tabi ko. Saka ko lang naalala na wala nga pala siya.
"Hay! Nasaan ka na ba? Ni hindi ka man lang nag text o tawag." bulong ko. Umalis na ako ng kama at pumuta muna ako ng cr, para maghilamos at mag toothbrush.
Pagkatapos kong gawin yun lumabas na ako ng kwarto. Feeling ko parang black and white lang ang paligid. Feeling lang, ha? Baka akalain ninyo may deprensya na ako sa paningin.
Mas mabuti pa kaya ako na lang ang mag text kay Kyla. Oo, tama-tama. Tango-tango. Kinuha ko agad ang cellphon ko, na nakalagay sa maliit na lamesa katabi ng kama ko.
"Nasaan ka ba Kyla? Umuwi ka na ba sa inyo?" sinabayan ko ang pagtitipa ko ng message, para kay Kyla. Tawag ka ko na rin kaya?
Nangtatawagn ko naman siya bigla sumagot na siya sa message ko. Binuksan ko naman ang mensahe niya.
Kyla:
Oo. :)Bigla naman ako nagtaka dahil sa sobra niyang tipid sumagot ngayon. Nagtipa ulit ako ng message. Saka yung smile niya sa text iba.
Me:
I-kamusta mo na lang sa Nanay mo. Pakisabi pakilinis niya ang tenga mo. Hahahahahaha. Namiss na din kita, Twin Sister.Napakagat na ako sa kuko ko sa daliri. Hindi ko alam, kung ano ang isasagot niya. Ilang beses ko naman na nagpaikot-ikot dito sa kwarto. Muntikan naman ng lumabas ang puso ko, ng tumunog na ang cellphone mo.
Kyla:
Sige ika-kamusta kita. Namiss din kita.Nang nabasa ko yun, napatakbo ako agad sa kwarto ni Estes. Mukhang kakagising din niya. Galing siyang cr at nagpupunas siya ng mukha. Kaagad naman akong lumapit sa kaniya.
"Estes sa tingin ko nasa panganib si Kyla." hinagis naman niya ang hawak niya twalya sa kama niya. Nakakunot ang noo niya ng tingnan niya ako. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Paano mo na—" hinarap ko na agad sa kaniya ang cellphone ko. Nakita niya ang mga recently text niya. "O, nandun naman pala talaga siya sa kanila." sagot niya.
"Tingnan mo yung huli." utos ko sa kaniya. Naningkit naman ang mga mata niya. Nanlaki naman ito ng nabasa na niya iyon.
"Di ba, patay na ang Nanay niya?" tanong ni Estes. Tumango na lang ako.
"Kaya nga, sigurado akong hindi si Kula ang nagtext niyan." hinawakan kk naman sa t-shirt si Estes. "Estes, tulungan mo akong mahanap siya. Kaibigan natin siya." nangingilid na ang mga luha, dahil sa sobrang nerbyos. Baka kung ano na ang nangyayari kay Kyla.
"Paano nga natin siya hahanapin, kung hindi natin alam kung nasaan siya? Mabuti pa ipagbigay alam na lang natin sa mga pulis." sabi niya. Napabitaw naman ako sa kaniya. Tinitigan siya ng akin mga mata na may mga luha ng nakabadya.
"Matatagalan pa kung ang mga pulis ang hahanap sa kaniya." tumalikod na ako sa kaniya. "Kung ayaw mo akong tulungan sa paghahanap. Pwes, ako ang hahanap sa kaniya."
"Aine!" tawag niya sa akin. Nakalabas na ako ng kwarto niya. Hindi ko namalayan na nahabol na niya ako, hinawakan niya ako sa braso at hinarap sa kaniya. Bakas naman sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "Aine, 'wag sa ganiyong paraan. Baka mapahamak ka pa sa gagawin mo." marahas ko naman na tinanggal ang kamay niyang nasa braso ko.
"Kung ayaw mo akong tulungan, pabayaan mo ako." nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto ko.
"Your promise is you will be always besides me." narinig ko naman na sinabi niya yun. May kung ano na naman na kumirot sa puso ko. Hindi, mas kailangan ako ni Kyla ngayon. Kailangan ko siyang mahanap.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.