Kabanata 11

1.7K 42 0
                                    

Estes

Kinuha ko ang isang picture na matagal ko ng tinatago sa mga drawer ko. Yung picture ng araw ng kasal namin ni Aine. Bumalik lahat sa ala-ala ko ang panloloko niya sa akin. Nagpanting naman ang tenga ko, kaso noong naalala ko yung mukha niyang nakangiti. Ewan, may kung ano sa loob ko na nagpapahinahon sa akin.

Naramdaman ko na may nagbukas ng pinto kaya tiningnan ko ito. Bakit siya nandito? Anong kailangan niya? Bigla naman kumislot ito puso ko na parang tuwang-tuwa na makita yung babaeng sumugat sa kaniya dati. Hindi ko dapat maramdaman ito. Alam ko ito pag ganito 'to.

"Hehehe. Nandito pala yung kwarto mo. Ganda, a." tuloy siya sa pagpasok.

"Sinabi ko na bang pumasok ka? Kumatok ka ba ng pinto?" masungit kong sabi sa kaniya. Lumabas siya at inulit na naman niya yung ginawa niya sa opisina ko, noong hindi siya kumatok. Kahit kailan talaga, tanga. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Napawi naman ng naisip ko ulit yung kasalanan niya sa akin.

"Hehehe. Pwede ng pumasok?" nakadungaw siya mula sa pinto ng kwarto ko.

"Oo." pinasok ko na yung picture ng kasal namin sa drawer. Baka makiya niya pa at kung ano pa ang isipin niya.

Umupo ako sa isang sofa at siya naman sa mahabang sofa. Ginala muna niya ang buong paningin niya sa kwarto ko bago siya tumingin sa akin. Hindi ko alam bakit parang nainis ako ng medyo sa ginawa niya na 'yon. Mas inuna pa kasi niyang tingnan ang kwarto ko kaysa sa akin.

"Bakit?" tanong ko. Mukhang nagulat pa siya.

"Hehehe. Pwede bang makatawag?" nainis naman ako sa tanong niya na 'yon. Marahil gusto niyang tawagan si Henry. Tss. Bakit sila ba ni Henry para iparating pa niya kung nasaan siya?

"Bakit?"

"Kasi tatawagan k—"

"Hindi mo pwedeng tawagan, si Henry." sabi ko. Ayokong may mang-abala pa sa amin. Kilala ko si Henry ngayon ko lang nakita na nagkagusto siya sa isang babae. Nakakatawa lang dahil sa ex-wife ko pa talaga? Napatakip naman siya ng bibig. Iniisip niya siguro kung pano ko nalaman yung nasa isip niya. Tanga talaga yung babae na 'to. Obvious naman, kung ano ang nasa isip niya. "Hindi ako mind reader." ayun mas lalo pang lumaki ang buka ng bunganga niya sa pagkamangha. Tss. Stupid. Bakit gusto kong tumawa? Pinugilan ko naman ang pagtawa ko.

"Umayos ka nga mukha kang timang." pang-iinsulto ko. Sinunod naman niya ang sinabi ko. Naramdaman ko naman na kumislot yung puso ko. Ganito lagi sa tuwing nakikita ko siya.

"Bakit naman hindi?" bakit ba nagtatanong pa siya? Hindi ba halata na nagsa— No! I'm not jealous! "Sabi ko nga hindi. Ikaw, Heart! Ipapahamak mo pa ako kay Estes! Hehehe. Ito kasing si Heart ang nag-utos sa akin." umarte pa siyang parang may kinakausap sa gilid. Crazy woman tss.

Natakot siya siguro sa mukha ko kaya gumawa siya ng eksena. Naalala ko naman yung panahon na nasaktan ko siya at tako na takot siya sa akin. Napapikit tuloy ako. Nakakaramdam kasi ako ng awa. Hindi maaari 'to. Parang may tumusok naman sa puso ko. Naalala ko yung pambubugbog ko sa kaniya.

"I'm sorry." hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko iyan. Wala naman pagsisi ang puso ko sa sinabi ko pero kasalungat nito ang utak ko.

"Sige, aalis na ako." banggit niya. Tumayo na siya. Hinawaka ko ang kaniyang kamay. May sariling buhay na yata ito. Kaso totoo ang nararamdaman ko na ayaw ko siyang umalis, pero sa tuwing maaalala ko sa isip ko ang ginawa niya, gusto ko siyang paghigantihan, kaso hindi ko nga lang magawa.

"Stay here." sabi ko.

"Bakit?" tss. Tanga talaga. Hindi ba niya halata na gusto ko siyang makasama? Teka? Bakit ko naisip 'yun? Hindi pwede.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon