Chapter 5

6.8K 142 5
                                    

NANG magising si Feliza, umaga na at nandoon pa rin siya sa kwartong pinagdalhan sa kanya ng Parker na iyon. Agad siyang tumayo pero nanakit na naman ang leeg niya, kaya dahan dahan siyang gumalaw. Kahit paano nabawasan ang sakit sa leeg niya at sa mukha niya. Mabuti at hindi ganoon kalala ang dinanas niya sa pananakit sa kanya ng tauhan ng Parker na iyon.

Tumayo na siya at napansin niyang iba na ang suot niyang damit ngayon. Hindi niya maiwasang isipin na si Parker ang nagpalit sa kanya at nag-init ang mukha niya.

"Bakit ka pa nag-iisip ng kung ano? 'Di ba dapat ang iniisip mo ngayon ay kung paano ka tatakas sa lugar na ito. Delikado ang buhay mo hanggat malapit ka sa Parker na iyon!" Nanlaki ang mga mata niya sa isiping iyon at mabilis siyang nagpalinga-linga. Nakita niya ang shoulder bag niya sa sofa na nandoon at agad niya itong kinuha.

"Kailangan kong makaalis dito," sabi niya sa sarili. Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan ito paglabas niya sumilip muna siya. Isang mahabang pasilyo ang sumalubong sa kanya na ikinalaki rin ng mata niya. "Ang laki naman pala ng bahay na 'to," hindi napigilang bulalas niya.

Tuluyan na siyang lumabas at naglakad-lakad, paliko na sana siya nang makarinig siya ng pamilyar na boses.

"Just cancel all my meeting's today," sabi nito hawak ang cell phone,"tell them that I have something important to do." Binaba na nito ang cellphone.

Agad siyang nagpalinga-linga at isang pinto ang nakita niya kaya kaagad niya itong nilapitan at pinihit ang door knob. 

"Bukas! 

Agad niya itong binuksan at mabilis pumasok. Nakahinga siya ng maluwang nang makapasok at masara niya ang pinto. "Dapat mag-ingat ako. Hindi pwedeng makita niya ako."

Tumalikod siya sa pinto at sinandalan ito, subalit nang makita ang kabuuan ng kwartong kinaroroonan niya ay nanlaki na naman ang mga mata niya. Dahil ang kwartong kinaroroonan niya ay puno ng display na mga iba't-ibang armas. Mga baril, patalim at iba't-ibang pasabog na sa pelikula niya lang nakita.

"Anong klaseng kwarto ito?" bulalas na tanong niya sa sarili. Nilapitan niya ang hilera ng mga baril. Iba-ibang uri at iba-iba rin ang size. Hindi niya alam ang mga uri ng baril na ito kaya hindi niya alam kung alin ang pinakamagandang at pinakamalakas na uri sa mga baril doon. Nakuha rin ang pansin niya sa iba't-ibang espada na naka-display doon at kagaya ng mga baril may mga malalaki at maliliit at iba't-ibang uri  rin ng mga espada.

"Grabe! Sa pelikula ko lang nakikita ang mga ito, ah!"

Nakadama siya ng kilabot sa isiping nagamit na ito lahat ni Parker, sa walang awang pagpatay sa mga tao."Dapat makakuha rin ako ng magagamit dito para masigurado ko na maipagtatanggol ko ang sarili ko," sabi niya sa sarili. Inikot niya ang mga mata niya at naghanap siya ng sandata na magagamit niya. Nakakita siya ng baseball bat na nasa sahig lang kaya agad niya itong nilapitan. "Ito na lang siguro. Ayokong makapatay, kaya ito na lang gagamitin ko." Lumabas na siya ng kwarto at alertong nagpalinga-linga sa paligid. Kailangan niyang maging alerto upang maunahan niya ang kalaban pag nahuli siya.

Naglakad na siya sa mahabang pasilyo at hindi niya maiwasang humanga dahil sa iba't-ibang naggagandahang malalaking vase na naka-display sa dinadaanan niya at sa naglalakihang din paintings na nakasabit sa wall ng pasilyo.

"Mayaman pala talaga ang Parker na iyon, kaya siguro hindi mahuli-huli sa krimeng ginagawa niya."

"Where are you going?" Napaigtad siya sa malamig at maotoridad na boses na iyon sa likuran niya kaya mabilis siyang lumingon. Nakakunot ang gwapong mukha nito na nakatingin sa kanya.

"U-uuwi na ako," kinakabahan niyang tugon sa lalaki.

"Do you think I will let you to escape?" nang-uuyam na tanong nito sa kanya at may matalim na itong titig na nakakapagpalambot ng tuhod niya pero nagpakatatag siya. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa kalaban.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon