"ANO iyong sinabi ni Luna, na tumawag ka sa kanya at sabi mo, I'm horny?" tanong ni Feliza kay Damien. Tapos na ang handaan at sila na lang nasa bahay, sila Stephan at Luna ay kila Tatay Berto at Nanay Martha, na pinatulog para raw makapag-solo sila sa unang gabi ng kasal nila.
Nakadama pa nga siya ng hiya pero mapilit ang mga matatanda, dapat daw magsolo ang dalawang taong bagong kasal sa unang gabi nila. Hindi na sila nagprotesta pa ni Damien at baka makahalata pa ang mga iyon.
Nakita niya na umiwas ng tingin si Damien sa kanya. Nakaupo sila sa sofa na magkatabi. "Sinabi pala niya sayo. Ang daldal talaga ng babaeng iyon," sabi nito.
"Wala siyang sinabi sa akin. Iyong magkakasama tayo, iyon lang ang sinabi niya at hinuli lang kita ngayon." Napangiti siya. "Nagpahuli ka naman. Talagang nagsabi ka ng ganoon kay Luna? Bakit? Gusto mo bang may mangyari sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Damien.
Kanina pa gumugulo sa isip niya iyon at hindi maiwasang nakadama siya ng selos, nang mapagtanto ang sinabi ni Luna, na tinawagan ito ni Damien, para sabihin horny ito at naisip niya dahil iyon kay Luna.
"H-hindi, ano-
"Bakit parang kinakabahan ka?" Tinaasan niya ito ng kilay, "talaga pa lang tinawagan mo si Luna, para sabihin sa kanya iyon. Pati ba naman kaibigan mo, pinagnanasaan mo? Sinabi mo pa sa kanya," may halong inis na sita niya kay Damien.
Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Damien. "Mali ang iniisip mo!"
"Mali? Sinabi na nga ni Luna-
"She's not the reason, why I'm horny that time," putol ni Damien sa sasabihin pa sana niya.
"May iba pa?" nanlaki ang mata niyang sabi at pati butas ng ilong niya ay nanlaki. "Grabe ka! May iba pa pala? Eh, sino? Si Babylyn? Si-
"You," putol na naman nito sa sasabihin pa niya. Napanganga siya. "Naaalala mo noong iniiwasan kita at inakala mo, pinandidirihan kita?" Tumango siya, "iyon talaga ang nararamdaman ko sayo, hindi lang dahil gusto kitang angkinin kundi dahil I really like you. At natural lang sa lalaking nagkakagusto, na makaramdam ng ganoon sa babaeng gusto nila," mahabang paliwanag ni Damien. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito.
Natatandaan niya noon na sinabi nga ni Damien, na iyon ang dahilan nito kung bakit siya iniiwasan pero hindi niya ini-expect na matindi na pala pagnanasa nito at tinawagan pa talaga nito si Luna.
"Hindi naman kasi dapat si Luna, ang kakausapin ko noon. Kaso si Stephan, ayaw sagutin ang tawag ko kaya napilitan akong tawagan si Luna. That time, I really need to talk someone at malaki naman ang naitulong sa akin ni Luna. Doon ko na-realized, how much I like you."
"I-iyon pala," nasabi na lang niya.
Hinawakan ni Damien ang kamay niya. "Huwag ka na magalit sa akin. Sorry na, hindi ko naman talaga pinagnanasaan si Luna. I treat her like my younger sister, noon at ngayon at wala naman nabago sa nararamdaman kong iyon sa kanya."
"H-hindi ako galit," tugon niya.
"But you look mad and disapointed."
"Nainis lang ako kanina, pero hindi na ngayon. Akala ko kasi talaga dahil kay Luna, kaya mo siya tinawagan ng ganoon-
"You're jealous," nakangiting sabi ni Damien.
"Yes- No!" Lalong lumapad ang ngiti ni Damien. Nadama na niya ang pag-iinit ng mukha dahil sa hiyang nadarama.
"It's okay to feel jealous. I also feel that, when someone else near to you, or they get your attention. Most of all, if that someone, is men," sabi ni Damien na seryoso na ang mukha.
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
Aktuelle Literatur~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...