NANLAKI ang mata ni Feliza, nang makita na may hawak ng kutsilyo si Waldo pasugod kay Babylyn, kaya napasigaw na si Babylyn sa takot. Hindi iniiwanan ni Babylyn ang ina nitong walang malay. Mabilis siyang tumakbo at niyakap si Waldo, para pigilan ito.
"Bitawan mo ako! Papatayin ko sila!" nagwawalang sigaw ni Waldo.
"Mag-hunos dili ka!" awat niya dito. Lumapit na rin sa kanila si Myrna at humarang sa harap ni Waldo.
"Waldo, mahal. Bitawan mo ang kutsilyo, sige na," nakikiusap na utos ni Myrna kay Waldo.
"Umalis ka diyan!" sigaw nito at sinampal si Myrna.
"Ate!" sigaw ni Babylyn, dahil duguan ang ilong na napahigang si Myrna sa sahig.
Hinawakan ni Waldo ang mga braso niyang nakayakap sa bewang nito at hinarap siya. Pulang-pula ang mukha pati ang mga mata nito. Sa tingin niya hindi lang sa alak ito lango ngayon dahil tingin niya naka-droga rin ito.
"Ikaw uunahin ko!" nakangising sabi nito sa kanya.
Nakaamba na ang panaksak ni Waldo sa kanya pero bago pa nito iyon nagawa ay may humila na sa kanya sa likod. Mabilis na naagaw ng humila sa kanya ang patalim kay Waldo at sinuntok ito sa mukha. Nang mapahigang duguan si Waldo sa nguso sa lupa napasigaw ito nang saksakin ito sa paa at bunutin din para sa leeg naman ito saksakin.
"Damien!" sigaw niya sa lalaki. Matalim itong tumingin sa kanya, na ikinatakot niya pero kailangan niyang labanan iyon.
Nilapitan niya si Damien at hinawakan ang kamay nito na may hawak na kutsilyo. "May asawa siya at anak. Kailangan pa ng pamilya niya si Waldo," bulong niya dito, kahit takot na takot siya.
"Wala rin naman magandang kinabukasan sa lalaking ito ang asawa't anak niya," malamig na tugon nito.
"Pero hindi pa rin makatwirang patayin siya. At isa pa, wala tayo sa buhay na kinalakhan mo Damien, nandito tayo sa probinsiya at ang mga taong nasa paligid natin ay walang alam sa totoo mong buhay. Please, 'wag mo siyang patayin." Sinubukan niyang kunin ang kutsilyo sa kamay ni Damien at nakahinga siya ng maluwang nang hinayan nitong kunin ang patalim na hawak nito saka sila tumayo. Hinawakan niya sa kamay si Damien at inilayo kay Waldo, na ngayon ay bakas ang takot sa mga mata.
Tumakbo si Myrna, palapit sa asawa niya at inalalayan ito patayo. Ngayon niya napansin na marami ng mga taong nakikiusyoso sa nangyaring pagwawala ni Waldo, pero wala man lang naglakas ng loob na umawat sa pagwawala ng lalaki.
"Are you scared?" Napatingin siya kay Damien, makikita ang pag-aalala sa mukha nito. Nginitian niya ito.
"Hindi," tugon niya.
"You're trembling," pansin nito at hinigpitan ang pagkapit sa kamay niya.
"Natakot lang ako kanina. Akala ko masasaksak na ako ni Waldo," sabi niya dito. Tumitig sa kanya si Damien at mukhang inaarok nito kung nagsasabi siya ng totoo.
Hindi nagtagal dumating si Tatay Berto at Fredo, may nagbalita sa mga ito kung anong nangyari sa bahay nila kaya napauwi ang mga ito kaagad. Nahimasmasan na si Waldo, pero ang galit ni Tatay Berto at Fredo ay hindi humupa, kamuntikan pang bugbugin ng dalawa si Waldo, mabuti at naawat ng mga kapit-bahay nila.
Si Nanay Martha naman ay maayos na. Nawalan lang ito ng malay dahil napalakas ang pagkakasampal sa kanya ni Waldo at sa ngayon maayos na si Nanay Martha. Pina-baranggay si Waldo at diniretso na rin ito ng kulungan, nang malaman naka-droga ito. Wala naman magawa si Myrna at hindi na rin siya tumutol dahil alam naman nito na mali ang ginawa ng asawa. Si Damien naman ay nanatiling tahimik at nakamasid lang pero lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Nanay Martha dahil niligtas ni Damien, ang buhay ng mga ito at wala silang kahit anong reaksyon o salita na narinig kay Damien.
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
General Fiction~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...