Chapter 19

4.2K 90 14
                                    

SIMULA nang umamin si Damien, na gusto siya nito ay naging sweet ito bigla kay Feliza, laging nakadikit sa kanya at laging nakasunod. Malimit niya na ring nakikitang ngumingiti ito sa kanya pero sa pagkakataon naman na sila lang magkasama at nag-uusap.

Sa totoo lang kahit siya naman gusto niya si Damien, sino ba namang hindi eh, ang gwapo kaya ng binata pero hindi niya masyadong napapansin iyon kasi laging nasa kapahamakan ang buhay nila. Siyempre, uunahin pa ba niya ang landi kesa iligtas ang buhay niya?

Ngayon niya lang napapansin na nagugustuhan na niya si Damien, dahil mapayapa ang buhay nila sa kinaroroonan at masaya siya sa araw araw na kasama niya ito at lalo pa't naging sweet ito sa kanya. Napapangiti tuloy siya ngayon dahil kitang-kita niya ang kagustuhan ni Damien, na lapitan siya pero hindi nito magawa dahil tumutulong ito kila Tatay Berto, sa pagsisibak ng kahoy para gamitin sa pag-iihaw mamaya.

Kaarawan kasi ni Babylyn, kaya mula kaninang umaga abala na sila at hindi sila magkaroon ng oras ni Damien, na mag-usap. Panay lang ang tingin nito sa kanya kaya pag nahuhuli niya ito nginingitian niya lang ito, na isang beses lang ni Damien gantihan.

"Ate Feliza!" tawag sa kanya ni Babylyn, na ikinagulat niya. Katabi niya si Nanay Martha at tinutulungan niyang maglagay ng dahon ng saging sa lamesa na nilagay sa likod ng bahay.

"Ano ka ba, Baby! Bakit ka sumisigaw?" Kahit kasi si Nanay Martha, ay nagulat kaya ito ang kaagad ang sumita sa anak.

"Nay, isama ko lang po si ate Feliza, may bisita kasi na hinahanap siya," paalam na ni Babylyn sa ina na ikinataka niya naman.

Sino naman ang bisitang tinutukoy ni Babylyn? Wala naman siyang ibang kilala kundi ang pamilya lang nito.

Hinila na ni Babylyn ang kamay niya na ikinagulat niya at kinaladkad na siya nito palakad kaya wala na tuloy siyang magawa kundi sumama dito. Lumabas sila ng bahay at nanlaki ang mata niya, nang makita kong sino ang bisita. Nakangiti ito sa kanya nang makita siya.

"Slash, anong ginagawa mo rito?" kaagad niyang tanong nang makitang si Slash pala ang bisitang tinutukoy ni Babylyn. 

"I came here to say goodbye," tugon nito.

"Uuwi ka na sa Maynila?"

"Yes at pupunta rin ako sa States, to do some business."

"Ganoon ba? Ingat ka na lang," sabi niya.

"I will miss you,"sabi ni Slash. Napatitig siya sa mga mata nito at kita niya na sensiro si Slash, sa mga sinasabi nito. "Can I hug you," hiling nito.

Ngumiti siya at iniawang ang mga braso kaya napangiti si Slash at mabilis na yumakap. "Hindi ko alam kung anong meron sayo at kaagad kitang nagustuhan. I'm serious Feliza, I really like you, pero hanggang like na lang kasi may asawa ka na." Natawa siya sa sinabi ni Slash.

"Ganyan ba pag play boy?

"Oo play boy ako pero iba ka, eh. Siguro dahil may naaalala ako pag nakikita kita," nakangiti nitong sabi nang maghiwalay na sila ng yakap.

"Siguro special sayo ang taong iyon."

"Oo," tugon nito. Magsasalita pa sana siya, nang may malakas na kamay na humila sa kanya at yumakap sa bewang niya. Naramdaman din ni Feliza, ang matigas na dibdib na nasandalan niya at naamoy ang natural na bango nito.

"D-Damien!" bulalas niya.

"Don't touch my wife!" mapanganib na banta ni Damien, kaya napalingon siya sa lalaki at kita ang galit sa nagdidilim na mukha nito.

"Pumunta ako rito para magpaalam kay Feliza, dude. Wala akong planong agawin asawa mo," paliwanag kaagad ni Slash.

"Umalis ka na, kung ganoon! At hindi mo kailangan magpaalam sa asawa ko!"

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon