"YVONNE!" malakas na sigaw ni Feliza. Nakita niya, na napasilip sa salamin ang Driver kaya hininahon na niya ang sarili.
"Bakit ka sumisigaw?" mukhang nagulat na tanong sa kanya ni Yvonne. Gustong mapaiyak ni Feliza, sa tuwa na buhay pa pala ang kaibigan niya at ngayon tinawagan pa siya nito.
"Akala ko patay ka na," napasigok na sabi niya,"sobra akong natakot, kasi akala ko pinatay ka." Hindi na niya napigilan ang mga luha niya.
"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong nito.
"Nakita ko Yvonne, binaril ka niya nang ilang beses. Sinundan kasi kita, tapos narinig kong sumigaw ka," paliwanag niya sa kaibigan.
"Bakit mo ako sinundan? May nakakita ba sayo-
"Nakita niya ako. Dinukot ako-
"Shit! Nasaan ka ngayon? Ligtas ka ba?" nag-aalalang tanong na nito sa kanya.
"Oo, natakasan ko si Parker. Ngayon nasa taxi ako patungong Ospital."
"Parker? Hindi ko siya kilala. Ibig sabihin, ibang grupo ang nakakita sayo at hindi-
Sadyang pinutol ni Yvonne, ang sasabihin niya sana.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na niyang tanong sa kaibigan. Narinig niya na lang na bumuntong hininga ito.
"Dumiretso ka na sa probinsiya at 'wag ka nang mag-stay pa rito sa Maynila. Baka mapaano ka pa!" utos nito sa kanya.
"Ikaw, Yvonne? Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka nagparamdam sa akin simula nang huli tayong nagkita?" Hindi nagsalita si Yvonne. "Sobra mo akong tinakot, akala ko talaga patay ka na, nagsabi na ako sa mga Pulis at muntikan ko na rin sabihin kila Tita at Tito, na patay ka na," nag-aalala na niyang sabi dito.
"Huwag mong sabihin kila Inay at Itay, ayokong mag-alala sila," bilin nito sa kanya,"Feliz, makinig ka," seryoso na nitong sabi. Napatango siya, kahit hindi naman siya nito nakikita. "May nagawa ako at nasa kapahamakan ang buhay ko, kaya nagtatago ako."
"A-ano-
"Kaya hindi na ako nagpapakita sayo dahil ayokong madamay ka at pati ikaw mapahamak. Pero mukhang nadamay ka na nga, kaso hindi ko kilala si Parker. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan."
"Kung ganoon, hindi pa kayo nagkikita ni Parker?" tanong na niya rito.
"Hindi pa. Hindi ko siya kilala, iba ang tumutugis sa akin," tugon nito.
"Kung ganoon hindi ka niya papatayin?" Biglang kumabog ang puso niya sa isiping mukhang nagkamali siya ng bintang kay Parker.
"Paano niya ako papatayin? Hindi naman kami magkakilala," sabi nito.
"Buhay ka, ibig sabihin mali ang inakala ko sa kanya na pinatay ka niya! Nagkamali ako!" wala sa sariling bulalas niya.
"Pero mag-ingat ka pa rin. Baka konektado siya sa tumutugis sa akin," babala pa rin nito.
"Anong gagawin ko?" naguguluhang tanong niya kay Yvonne.
"Umalis ka na. Umuwi ka na sa probinsya at 'pag maayos na ang problema ko, saka na ako uuwi. Basta wala kang sasabihin kila Inay at Itay, sekreto lang natin ito," bilin sa kanya ni Yvonne.
"Sino ba ang tumutugis sayo? Bakit ka nila tinutugis?" nag-aalalang tanong niya ulit kay Yvonne.
"Hindi ko pa masasabi sayo ngayon Feliz, delikado lalo na sa cellphone tayo nag-uusap. Ang mahalaga sa ngayon, ay ligtas pa rin ako at ligtas ka rin. Sundin mo na lang ako, sa sinabi ko na umuwi ka na sa probinsya at pag may pagkakataon, tatawagan kita ulit."
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
General Fiction~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...