Chapter 25

3.8K 100 9
                                    

ANG iwan si Feliza, ang isa sa pinakamalungkot na naramdaman ni Damien. Purong lunkot lang, hindi tulad noong nawala ang Papa niya at si Yelena, ang babaeng nakasama niya nang ma-kidnap siya ay lungkot at galit ang naramdaman niya. Galit na naging dahilan ng pagbabago niya.

He really change a lot and that's the reason why he become savage. Yelena was a good person and she was not deserved to die of such cruel death. At pati na rin ang Papa niya, na trinaydor pa ng taong pinagkakatiwalaan nila. Ang yaya niya. Kaya nagalit siya at paghihiganti ang nasa isip niya. Nakapaghiganti naman siya subalit simula noon, hindi na nagbalik ang dating Damien at hindi na rin niya sinubukan pang ibalik pa iyon. Ayaw niyang maging mahina ulit at lokohin na naman ng mga taong pagkakatiwalaan niya kaya simula noon, umiwas na siya sa mga naging kaibigan niya. Sila Luna at Stephan, dahil ayaw niyang may mapahamak na naman dahil sa pagiging mahina niya.

Yelena is one of the important girl in his life. Pinasaya siya nito at laging nasa tabi niya ito. She has special place in his heart. She is his first love at pinangarap niyang makasama sa habang buhay pero hindi naman natupad ang pangarap niyang iyon at dahil sa kanya ay namatay ito.

Napapikit siya sa pagbabalik ng ala-ala nang panahon na iyon at muli ang sakit ay nagbalik sa puso niya.

"Jim," narinig niyang tinig. Wala siyang malay at iyon ang nagpagising sa kanya. Dama niya ang panghihina ng katawan at nahihilo siya. Marahil sa itinurok sa kanya at biglang nawalan na siya ng malay at hindi na alam ang nangyari. "Jim, gumising ka na," muling tawag sa kanya.

Nagmulat siya ng mga mata at mugtong mga mata ni Yelena, ang sumalubong sa kanya. May sugat ang labi nito at punit ang damit nito. Napabalikwas siya at nag-aalalang hinaplos ang mukha nito.

"What happened to you? B-bakit ganyan itsura mo?"

"G-ginahasa ako," umiiyak na bulalas ni Yelena. Parang pinilipit ang puso niya sa sinabi nito. Gusto niyang magwala, sumigaw at patayin ang gumawa ng ganoon kay Yelena. Galit na galit siya.

"S-sino? Sino ang hayop na gumawa sayo niyan!" gigil na sigaw niya. Niyakap siya ni Yelena, habang patuloy ang pag-iyak. "Yelana, sabihin mo! Sino gumawa sayo niyan?"

"Ikaw Jim." Parang gustong sumabog ngayon ng puso niya sa sinabi ni Yelena at narinig niya na napahagulgol ito. "I-iyong itinurok sayo ang naging dahilan ng pagbabago mo. Alam ko, hindi mo naman magagawa iyon, eh. Kasi alam ko kung gaano mo ako nirerespeto. Ibang tao ang gumahasa sa akin at alam ko dahil sa itinurok sayo iyon kaya naging iba ka."

Napaiyak na rin si Damien at niyakap ang dalaga. Siya ang lumapastangan kay Yelena, siya ang hayop na gumawa niyon sa dalaga. "Sorry, sorry Yelena," umiiyak na hingi niya ng tawad sa dalaga.

"Hindi. Wala kang ginawang masama. Hindi ikaw iyon. Alam ko, kasi hindi mo magagawa sa akin iyon."

"Sinaktan kita. Isa akong halimaw."

"Hindi! Humiwalay ito sa kanya at ikinulong ang mukha niya sa dalawang palad ng dalaga,"hindi ikaw ang halimaw Jim, ang mga dumukot sa atin at nagturok sayo ng kung ano na naging dahilan ng pagiging ganoon mo."

"Sorry. Sorry Yelena. Pangako, maliligtas tayo rito at pananagutan  kita. Pananagutan ko ang pangbababoy ko sayo."

"Jim, hindi iyan ang gusto kong ipangako mo sa akin." May kinuha ito sa bulsa ng jeans niya at inabot sa kanya. Isang litrato ng babae na marahil isa o dalawang taon ang tanda niya. "Kapatid ko siya. Please Jim, iligtas mo siya. Mangako ka sa akin."

"Oo, ililigtas ko siya. Pero uunahin kita-

"Jim, mas mahalaga siya kesa sa buhay ko. Baka mamatay na ako-

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon