Chapter 16

4.3K 92 4
                                    

NAGUGULUHAN na si Feliza, sa kakaibang kinikilos ni Damien. Parang ang ilap kasi nito sa kanya at sa tuwing mapapalapit ang katawan niya sa binata, ay bigla na lang itong lalayo na akala mo may sakit siya at aalis sa lugar kung nasaan siya. Dalawang-araw na itong ganoon sa kanya at naiirita na siya. Akala nga niya noong unang lumayo ito, nang magkadikit sila ay nabahuan ito sa kanya. Paano iba kasi ang nakita niyang emosyon sa mukha nito at kaagad lumayo sa kanya. Maaga pa kasi no'n at naghilamos lang muna siya saka nagluto kaya talagang naisip niya na nangangamoy na siya pero nang inamoy naman niya sarili niya wala namang hindi kaaya-aya ang amoy niya. Naligo tuloy siya kaagad at kinuskos niya ng sabon ang katawan niya na halos madurog pa dahil sa sobrang hiya niya.

Pero kahit nakaligo na siya at nag-toothbrush ay ganoon pa rin ito sa kanya at madalang din siyang kausapin nito at malayo pa ito pag kinakausap siya. Naguguluhan at naiinis na rin siya dahil sa kinikilos ng binata.

Nasa kusina si Feliza, nang umagang iyon at inihahanda na niya ang agahan sa lamesa. Nakaligo na siya at nakalugay ang mahabang basang buhok niya. Iyon ang naabutan ni Damien, na nagpupunas ng buhok.

Napalunok siya dahil kitang-kita niya ang magandang katawan nito sa suot nitong sandong itim at naka-short lang ito na hanggang tuhod. Kita sa sando ang dibdib na may mumunting balahibo at ang braso nito na naninigas ang muscles. Napatingin ito sa kanya matapos punasan ang buhok at hindi niya maiwasan mapahanga sa gwapo nitong mukha na kahit magulo pa ang basang buhok nito.

"Ang gwapo naman nito sa umaga. Kahit 'ata magsuot ito ng basahan eh, gwapo pa rin ito."

Tinignan siya ni Damien, mula ulo hanggang paa at kumunot ang noo nito saka umiwas ng tingin. Kumuha ito ng plato at nilagyan ng kanin at sunny side up na itlog saka umalis. Sinundan niya ito ng tingin at sa sala ito dumiretso, umupo ito sa single sofa na nakatalikod sa kinaroroonan niya.

Napasimangot siya. Ano na naman kaya ang nakita nito sa kanya, bakit iniiwasan na naman siya nito. Akala mo naman may sakit siya na nakakahawa!

Umupo siya sa upuan at mag-isang kumain sa dinning area. Itinaas pa niya ang paa niya sa upuan at walang tigil ang pagsubo ng pagkain.

"Bwesit! Ang aga aga iniinis ako!

Sumubo siya ng ulam at kanin na naging dahilan kung bakit siya nabulunan kaya mabilis siyang uminom ng tubig.

"Bwesit talaga! Kasalanan ng lalaking iyon pag namatay ako sa bulunan! Kainis!

Napalingon siya nang maramdaman niyang may dumaan sa likod niya at  nakita niya si Damien, na nilagay sa lababo ang pinagkainan. Kinuha nito ang baso sa lamesa na ginamit niya kanina at lalagyan sana ng tubig.

"Huwag mong gamitin iyan! Ginamit ko iyan, eh!" sita niya dito. Salubong ang kilay na tinignan siya nito. "Baka mahawa ka sa sakit ko, pag ininuman mo iyan!" Tumayo siya at padabog na inilagay sa lababo ang pinagkainan niya.

"Are you sick?" gulat na tanong sa kanya ni Damien.

"Oo! May sakit ako at baka mahawaan ka!" inis na tugon niya dito.

"Dapat magpa-check-up ka. Ano ba ang sakit mo?" Biglang may bumahid na pag-aalala sa mukha nito pero ayaw niyang paniwalaan iyon. Kung makaiwas nga ito sa kanya parang may sakit siya tapos nag-aalala ito sa kanya.

"Tanungin mo sarili mo, kung anong sakit ko!" Nagkaroon ng kalituhan ang emosyon sa mukha ni Damien.

"I don't understand you. What are-

"Hindi ba iniiwasan mo ako, na parang may nakakadiring sakit ako at nakakahawa. Akala ko noong una nababahuan ka sa akin eh, kaso naligo na ako lahat lahat at nagpabango pa ako pero ganoon ka pa rin. Tapos pag nakikipag-usap ka na, napakadalang na at ang layo layo mo pa! Prangkahin mo nga ako! Anong problema mo sa akin? Bakit parang pinandidirihan mo ako kung makaiwas ka? Umiwas ng tingin si Damien sa kanya at narinig niyang bumuga ito ng hangin.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon