HINDI naman nagmatigas si Damien, nang hindi pumayag si Feliza na umalis kaagad sila sa Ospital matapos ang dalawang araw. Pumayag din ito, na maglagi pa ng ilang araw sa Ospital kaya nakahinga si Feliza, nang maluwang at nawala kahit paano ang pag-aalala niya sa binata.
Matapos ang isang linggo dumalaw si Luna at ang tatlong mga anak nitong babae. Nagtataka pa rin siya paano nagkaanak ng tatlong babae si Luna, samantalang ayon sa kaalaman niya na sa mga bata mismo nanggaling, wala raw asawa o kahit karelasyon si Luna at sampung taon na ang isa at siyam naman ang dalawang bata. Pareho ang edad ng dalawamg bata at tingin niya kung maagang nagkaanak si Luna, sobrang bata pa nito para magbuntis dahil ang alam niya mas matanda siya kay Luna nang ilang taon.
Naguguluhan talaga siya, sabagay magulo naman talaga ang mga ito at saksing buhay siya sa gulo ng mga buhay nito, ganoon din si Damien.
"Ilalabas ka na namin sa Ospital at sa isang rest house kayo muna mag-stay. Pag-aari iyon ni Stephan, doon na muna kayo maglagi, hanggang sa gumaling ka ng tuluyan," sabi ni Luna kay Damien.
"Akala ko ba ipapakita niyo sa akin ang ebedensiya ng pagta-traydor sa akin ng Gang ko. Bakit hanggang ngayon wala pa?" malamig na tanong ni Damien kay Luna. Bumuntong hininga si Luna.
"Hindi pwede dito. Delikado, kaya doon na sa rest house," tugon ni Luna.
Hindi naman na nagsalita pa si Damien, pero kita sa mukha nito na wala pa rin siyang tiwala kay Luna.
Hindi nagtagal ay umalis na sila sa Ospital at dinala sila ni Luna, sa isang bahay na ang lalayo ng kapit-bahay. Napapalibutan iyon ng mga puno at mga halaman sa paligid at ang malaking bahay na iyon ang tanging nakatayo sa lugar na iyon.
Pagpasok nila sumalubong sa kanila ang magaan sa paningin na pintura at ang simpleng kagamitan sa buong bahay. Gawa kasi sa rattan ang mga sofa at center table na nasa sala. Nilagyan lang ng foam ang sofa para malambot itong uupuan. May swimming pool doon na kitang-kita kaagad at may kubo pa sa may mga katabing halaman.
"Oh, nandito na pala kayo," salubong sa kanila ni Stephan. Naka black T-shirt ito at cargo short. Mukhang magaling na ito sa tinamong sugat mula sa pagbaril sa kanya ni Damien. Napatitig siya kay Stephan, ngayon niya na-apreciate ang kagwapuhan nito at mukhang friendly ito, hindi tulad nitong si Damien.
"Hey! Why are you staring at him like that?" Nagulat na napatingin siya sa nagtanong na si Damien at salubong ang kilay nito na nakatingin sa kanya.
"Ha? H-hindi ah!" nahihiyang tanggi niya. Bakit ba kasi napansin ng Damien na ito na tumitig siya kay Stephan, tapos ang lakas pa ng boses nang tanungin siya. Nakakahiya tuloy.
"She just appreciated my handsomeness, Jim," tugon ni Stephan, na may naglalarong ngiti na ikinainit ng mukha niya.
Nakakahiya!
Matalim na tumingin si Damien kay Stephan.
"Don't look at me like that, Jim. Baka isipin ko na type mo ako," ngingisi-ngising pang-aasar ni Stephan kay Damien.
"Tama ng kagaguhang iyan, Stephan. May mga bata akong kasama, baka matuto ng kagaguhan mo ang mga anak ko!" sita na ni Luna.
"Mama, pwede po kami maligo sa pool?" tanong ni Arrow. Kilala na niya ang mga batang ito dahil nakasama na niya at nagpakilala na ang mga ito sa kanya.
"Sige, doon muna kayong tatlo sa pool at huwag niyo akong susundan ngayon kung saan kami pupunta. May mahalaga kaming kakausapin. Okay," tugon ni Luna.
"Gusto ko sumama sayo, Mama," naglalambing na sabi ni Blade. Ang alam niya siyam na taon na ito parehas ni Arrow at si Bullet ang sampung taon.
"Blade, sandali lang akong mawawala. Saka diyan lang kami sa basement, kaya mag-antay lang kayo sa pool."
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
Narrativa generale~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...