Chapter 28

3.3K 97 39
                                    

"GALIT na galit sa akin si Luna. Bakit ko raw pinayagan na lumuwas ka ng Maynila at harapin si Damien," nagrereklamong sabi ni Ion kay Feliza. Nagbabiyahe na sila patungong Subdivission, nang kinaroroonan ng bahay ni Damien. Nasa Maynila na sila at napapayag niya ngayon si Ion na lumuwas na sila sa Maynila at harapin niya si Damien, pero nagbanta ito na sa oras na magtangka si Damien, na saktan siya ay babarilin ito ni Ion at wala raw itong pakialam kahit mapatay pa ni Ion si Damien. 

Naniniwala si Feliza, na hindi aabot sa ganoong pangyayari, naniniwala siya na mahal siya ni Damien at hindi nito magagawang saktan siya, kaya malakas ang loob niyang harapin ito at kausapin, saka siya babalik sa probinsiya at hindi na magpapakita kay Damien. Iyon na lang ang magagawa niya dahil tingin niya mas tamang lumayo na siya nang tuluyan sa asawa, lalo pa't ang Ina niya ang may kagagawan ng masamang nakaraan nito. 

"Sana hindi ako patayin ni Luna. Nakakatakot pa naman iyon pag nagalit," reklamo pa rin ni Ion.

Ngumiti siyang humarap sa binata."Sa laki mong iyan at liit ni Luna, takot ka sa kanya. Ang hina mo pala," biro niya kay Ion.

Ngumuso ito pero ang gwapo pa rin nito kahit nakanguso."Hindi ako weak. Paggalang ang tawag doon dahil Alpha namin siya. Isa pa, 'wag mong maliitin si Luna, kaya niyang pumatay ng sampung lalaki, kahit sabay sabay pa silang sumugod na tanging katana lang ang hawak," tugon nito.  Nanlaki ang mata niya. Hindi niya akalain na malakas pa lang talaga si Luna, hindi halata sa itsura nito. "Hindi magiging Alpha si Luna basta-basta Feliza, kaya hindi na nakakagulat iyon," nakangiting dagdag ni Ion. Mukhang nahalata nito ang nasa isip niya base sa pagkakagulat niya

Magsasalita pa sana si ya nang huminto ang kotse nila at pagtingin niya nasa harap na sila ng bahay ni Damien, ang bahay kung saan dati siyang dinala ni Damien, noong niligtas siya nito sa tauhan nito na dumukot sa kanya. Napahawak siya sa tiyan niya na may maliit na umbok na. 

"Nandito na tayo, Feliza. Sure ka ba talaga, na haharapin mo siya?" naniniguradong tanong sa kanya ni Ion.

"Oo, gusto ko lang siyang makausap. Huli na ito at hindi ko na siya guguluhin pa," tugon niya dito. Tinitigan lang siya ni Ion at maya maya ay bumuntong hininga na ito saka lumabas ng kotse at nilapitan ang gate ng bahay ni Damien. Hindi naman nagtagal ay nagbukas na ang gate at pumasok muli si Ion sa loob ng kotse saka pinaandar ito at ipinasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Damien.

Mabilis ang pagkabog ng puso niya, kinakabahan siya sa reaksyon na isasalubong sa kanya ng asawa niya at kung kakausapin ba siya nito. Gusto niya lang talagang humingi ng tawad kay Damien, sa nagawa ng kanyang ina at linisin na rin ang pangalan niya. Hindi man siya pakinggan ni Damien, ang mahalaga sa kanya ay nakahingi siya ng tawad sa asawa at magpaalam na rin, dahil ayaw na rin naman niya ipilit ang sarili niya sa asawa. Kung talagang hindi na kaya pa ni Damien pakisamahan siya dahil anak siya ng trumaydor rito noon, hindi na niya pipilitin pa ito. Pero gusto niyang magpaalam ng maayos sa asawa at ipaalam na magkakaanak na sila, kahit ang anak lang nito ang tanggapin nito, ayos na sa kanya. Gusto niyang lumaki nang may kinikilalang ama ang anak niya, kahit hiwalay na sila ni Damien. Masakit iyon sa kanya pero wala siyang magagawa kundi palayain si Damien, kahit mahal na mahal niya ito. At isa pa, bumalik na si Yelena, ang tunay na mahal ni Damien, siguradong wala na siyang puwang sa puso ni Damien, dahil nandiyan na ang babaeng una nitong minahal. 

"What the fuck is she doing here, Ion!" Napapitlag si Feliza, sa galit na boses na iyon. Iyon kaagad ang sumalubong sa kanila ni Ion, nang makarating sila sa opisina ni Damien. Doon kasi sila dinala ng kasambahay ni Damien. 

Napatitig siya sa asawa at nakadama siya ng pangungulila at pagnanais na yakapin ito, subalit dahil sa poot na nakikita niya sa mga mata ng asawa ay nawala ang lahat ng pagnanais niyang iyon at hindi niya maiwasang makadama ng takot dahil sa nakikita niyang ibang Damien ngayon na nasa harapan niya.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon