Chapter 38

3.4K 100 16
                                    

"LUNA!" tawag muli nito. Mabilis na lumapit si Damien, kay Luna at halos sinalubong ang palapit.

"What are you doing here?" tanong ng tumawag kay Luna, na salubong ang kilay at nakatingin sa kanya. He saw the fear on Luna's face and Luna looked at him.

"Papa!" tuwang sabi ni Blade at Arrow saka sinalubong ng yakap ang tinawag na Papa. Niyakap din ng lalaking iyon, ang dalawang bata at ipunuwesto sa likod niya. Si Blade naman ay nananatiling nasa tabi ni Luna.

"Bullshit! What is he doing here? May alam na ba ito?" galit na sigaw niya sa isip.

"What? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko, Luna?" naiinip ng tanong nito kay Luna.

"Inihatid ko lang si-si Jim, pupunta na kasi sila sa France," tugon ni Luna, na hindi maaalis ang kaba sa mukha. Lalo siyang nakakadama ng galit sa lalaking kaharap niya, dahil sa nakikita niyang takot sa mukha ni Luna. Ito lang ang taong kinatatakutan ni Luna at wala naman siyang magawa, para ilayo ang kaibigan sa lalaking ito dahil mahal na mahal ito ni Luna at hindi ito kayang iwan ng kaibigan.

"Nagkikita pa pala kayo ng lalaking iyan? Akala ko ba-

"Kaibigan ko na si Luna, bata pa lang siya. At ang Papa ko at Papa niya, ay matalik na magkaibigan noong nabubuhay pa sila. Kaya walang masama na magkita kami!" gigil na sabat niya sa galit na nadarama.

"But I told you, Luna! Stay away with them!" galit na ring sabi nito, na si Luna ang kinakausap.

Napaatras si Luna sa takot. "R-roz, ngayon lang kami nagkita. K-kasi aalis na siya sa Pilipinas, kaya-

"Let's go!" putol na aya ni Roz kay Luna. Hindi nakakilos si Luna, kaya lumapit na ito kay Luna at marahas na hinila ang kamay ng kaibigan. Wala namang nagawa si Luna, kundi magpahila sa lalaking iyon at sumunod naman si Blade.

Napakuyom ang kamao niya pero tinapik siya ni Stephan. "Wala na tayong magagawa para diyan kay Luna. Kasi pag kumilos pa tayo baka malaman niya ang lihim ni Luna," paalala sa kanya ni Stephan.

Tama si Stephan, sa oras na kumilos sila baka lalong mapasama si Luna. Isa pa, alam niyang ayaw naman ni Luna, na galawin nila ang lalaking iyon kahit gigil na gigil na siyang tapusin ang buhay nito ay hindi niya pwedeng gawin dahil tiyak na makakalaban nila mismo si Luna.

"Mukhang may sinundong kaibigan ang Roz, na iyon. Tignan mo, may mga kasama at sa pagkakaalam ko mga kaibigan niya iyon," untag sa kanya ni Stephan, kaya napatingin siya sa kinaroroonan nito.

"Oo at pinsan ko iyong isa," tugon niya. "Pag bumalik ako, papakilala na ako sa pinsan kong iyon at kukunin ko ang share ng ari-arian na galing kay Mama. Matagal na nila akong kino-kontak para sa ari-arian na iyon."

"So, hindi ka niya kilala?" gulat na tanong nito sa kanya.

"Hindi. Hindi kasi talaga ako nakikipag-kita sa mga kamag-anak ko noon," tugon niya.

Lumakad na ulit sila para makasakay na ng eroplano. Muling lumingon siya sa likod niya, umaasam na may dumating pa para pigilan siya sa kanyang pag-alis. Pero walang dumating, nakadama siya ng lungkot. Wala naman din kasi siyang ibang inaasahan na pipigil sa kanya, kundi ang nag-iisang dahilan kung bakit siya lalayo at aalis sa bansang iyon. Pero mukhang malabo na iyon. Malabong pipigilan pa siya ng taong inaasahan niya at talagang dapat magkahiwalay na sila.

"Goodbye Feliza, my Angel, I love you so much."

"Goodbye my little boy. Please, love your Mama so much. I love you, my son."









One year later.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon