"KAILANGAN natin mamili ng mga damit natin. Konti lang ang damit natin na nadala at kulang iyon sa pamamalagi natin dito. Isa pa, mamili na rin tayo ng makakain natin," untag ni Feliza kay Damien. Nasa hapagkainan sila ng binata at nag-aagahan.
Silang dalawa na lang ni Damien, ang nasa bahay dahil umalis kahapon si Luna at ang mga bata kasama si Stephan. May tumawag kasi kay Luna at Papa raw ito ng mga bata, hinahanap sila kaya nagmamadaling umuwi si Luna. Dalawang araw pa lang silang naninirahan doon umalis kaagad sila Luna.
"Sige, pumunta tayo ngayn sa bayan para mamili," payag kaagad ni Damien.
"Siguro kahit ako na lang Damien, ang pupunta sa bayan. Magpapasama na lang ako kay Nanay Martha," sabi niya dito.
Matiim itong tumingin sa kanya na ikinataka niya. "Sasama ako," sabi nito.
"S-sige."
Matapos nilang kumain ni Damien, magkasama silang pumunta sa bahay nila Nanay Martha at Tatay Berto para magpasama papuntang bayan. Hindi naman kalayuan ang bahay ng dalawang matanda fifteen minutes lang ang lalakarin papunta sa mga ito. May iilan na kapit-bahay sila Namay Martha, hindi tulad ng bahay na tinitirhan nila na malayo pa ang ilang kapit-bahay.
Bago umalis si Luna ay naipasyal siya nito sa bahay ni Nanay Martha at nakilala niya ang tatlong anak ng matanda. Sila Myrna na panganay ni Nanay Martha, na may asawa at dalawang anak na. Si Fredo na pangalawang anak, may asawa na rin ito at isang anak at si Babylyn na pangatlo. Twenty years old pa lang si Babylyn at nag-aaral ng kolehiyo at dahil bakasyon naman ngayon kaya lagi itong nasa bahay.
Lahat ng mga anak ni Nanay Martha at Tatay Berto ay kasama nilang naninirahan sa bahay ng mga ito. Malaki naman kahit paano ang bahay nila at may taas pa kahit gawa ito sa kahoy. Simple pero maganda at matibay ang pagkakagawa.
Ganito naman talaga ang pamumuhay sa probinsiya at masasabing kahit simple, masaya naman at dama ang kakontentuhan sa buhay. Naaalala niya tuloy noong nasa Pampanga siya, kung gaano kasimple at kasaya ang buhay nila ni Yvonne noon. Ang laki kasi ngayon ng pagbabago at nasa kapahamakan pa sila ni Yvonne.
Si Yvonne, wala pa rin siyang balita pero pinahahanap na rin ito ni Damien kay Luna at nangako naman si Luna, na hahanapin ito at kung buhay pa si Yvonne, ay sisiguraduhin daw ni Luna na magiging ligtas ito.
"Oh, mabuti naman at napadalaw kayong mag-asawa rito," salubong ni Nanay Martha sa kanila. Napangiwi siya sa sinabi nito. Hindi pa rin talaga siya nasasanay na tawaging mag-asawa sila ni Damien, kaya naiilang siya pag naririnig niyang tinatawag sila n'on.
"Magpapasama lang po sana kaming mamili sa bayan ng damit at makapamalengke na rin," tugon niya dito.
"Ako na lang ang sasama sa kanila, Nay! Hindi ba bibili rin ako ng mga bago kong damit. Isasabay ko na sila," sabat ni Babylyn. Nginitian siya nito na ginantihan naman niya.
"Oo nga. Tamang-tama at mamimili rin itong si Baby."
"Sige Nay Martha, si Babylyn na lang po," ani niya. Pinapasok sila ng ginang at pinaupo muna sa sofa ng mga itong gawa sa kawayan na nilagyan ng foam. Aantayin pa kasi nilang makapag-bihis si Babylyn, bago sila makaalis.
"Si Tay Berto po pala nasaan?" untag na tanong niya sa ginang na kaharap lang ng upuan nila ni Damien.
"Namasada kasama si Fredo," tugon nito. Nakuha ang paningin nila sa pagpasok ni Myrna at kasama ang asawa nito na may hawak hawak na bote ng alak.
"Ano ba iyan Waldo, kaaga-aga alak ang inaatupag? Kung nagtrabaho ka sana ngayon may ipapakain ka sana sa mga anak mo!" mahinahong sita ni Nanay Martha sa asawa ni Myrna. Tinignan lang siya nito saka sinamaan ng tingin at dire-diretsong umakyat sa hagdan.
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
General Fiction~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...