EPILOGUE

6K 137 41
                                    

3 years later

"HINDI ba kayo nagsasawang magpakasal nang magpakasal? Pangatlo niyo na ito, una iyong sa Quezon province, kasalang bayan, sunod sa France, na talagang pinaghandaan at bawing-bawi sa nauna niyong kasal, ngayon naman magpapakasal kayo rito sa Pilipinas. Grabe!" Nanlalaki pa ang mata ni Yvonne, habang nagsasalita na ikinangiti ni Feliza, "naiintindihan ko, noong pangalawang beses kayong magpakasal eh, kasi pangbawi sa kasal niyo sa kasalang bayan, noong una pero itong pangatlo?" hindi makapaniwalang bulalas nito. "Wala na siguro kayong mapagkagastusan, ano? Kaya kasal kayo nang kasal!" mahabang litanya pa rin ni Yvonne, habang nasa sala sila, kasama si Damien, na namimili ng gown sa kasal na ipapagawa niya, sa brochure na binigay ng kilalang gumagawa ng gown. Mga mahal talaga ang presyo ng gown pero ang gaganda naman at talagang nakakahanga. Ang presyo ng gown na talagang mahal ay bawing-bawi naman sa ganda at sa mahal ding materyales na gagamiti para sa paggawa niyon.

"Sa France kasi kami kinasal, gusto ko rin naman pakasalan ang asawa ko rito Pilipinas. Para kapag maisip niyang makipag-hiwalay ay mahirapan pa siya at matagal ang annullment dito, kaya bago kami magkahiwalay eh, mapabago ko kaagad isip niya" tugon ni Damien kay Yvonne, na may ngiti pa ang asawa sa labi. 

Napairap naman si Yvonne. 

"Baka kamo, magpapakasal sila nang magpapakasal, sa tuwing nadadagdagan ang anak nila," natatawang sabat ni Stephan, na kalalapit lang galing sa kusina at karga karga si Damon, na dalawang taon na at pangalawang anak nila.

"Baka nga!" natatawang ayon ni Yvonne. "Pero tama na ang tatlo, may prinsesa na kayo, wala na kayong hahabulin na babae. Tama ng si Azaria,  ang babae niyo," dagdag ni Yvonne.

"Kung may darating pa, why not. Baby is a blessing," nakangiting sabi ni Damien.

Napatingin siya kay Damien at pinanlakihan ito ng mata. "Manahimik ka nga diyan!" sita na niya sa asawa. 

Sa tatlong taon kasi ay sunod-sunod ang naging anak nila tapos gusto pa nitong magkaanak pa. Anong akala nito madaling magbuntis at manganak?

Ngiti lang ang tugon sa kanya ni Damien at hinawakan nito ang kamay niya.

"Oo nga pala, tumawag si Luna. Iyong team daw niya ay darating, kaya huwag niyo raw kakalimutan. Interview iyon about sa Magazine, na gusto mong i-release this coming month sa Glamorous," paalala ni Stephan.

"What time?" tanong ni Damien kay Stephan.

"Four o'clock pm raw. Maging nice at behave raw kayo, sa team niya at hindi raw Luna, ang itatawag niyo sa kanya, kung mababanggit niyo pangalan niya-

"Oo na, alam na namin," putol niya sa sasabihin pa sana ni Stephan. "Two-thirty pm pa lang naman. Baka by Four pm gising na sila Lion at Angelie," dagdag niya.

"Oo kukuhanan din daw kayo ng Family picture," sabi nito.

Napatingin siya kay Damien at mukhang napansin naman siya ng asawa. "Why, my Angel?" tanong nito sa kanya.

"I'm just worried. Hindi ba delikado sa atin, lalo sa mga anak natin, na lumabas ang mga mukha natin sa Magazine. Paano kung malaman ng kalaban, na buhay ka pa pala dahil sa Magazine na iyan?"

"Don't worry Feliza, safe na tayo at nawala na ang lahat ng bakas ni Jim Damien Parker, sa bansang ito. At may lead naman na si Luna, kung sino talaga ang kalaban natin na organisasyon din, na gustong malaman kung sino ang Alpha. Kaya mababantayan na niya ang kilos ng mga ito, kung pagtatangkaan tayo. Isa pa, isa ring dahilan kaya gusto kong lumabas tayo, para mas maging safe tayo. Hangga't maraming nakakakilala sa atin, mas safe tayo dahil walang maghihinala na isa akong Omega at dating si Jim Damien Parker," sabi nito.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon