NAPAKURAP-KURAP si Damien, na napatitig sa babaeng nasa harap niya. "Bakit lumabas ka? Sana tumawag ka na lang sa telepono," sabi pa nito sa kanya.
"T-totoo ba itong nakikita ko ngayon?" tanong niya, na ikinakunot ng noo nito.
"Kadarating ko lang din kanina, kaya siguro hindi mo alam. Wala kasi ako, nang dumating ka, may inasikaso kami at ngayon lang din ako dumating. Naiwan kila Tita, si Lion," anito.
"F-Feliza!" bulalas niya,"b-buhay ka?" Lalong nangunot ang noo ni Feliza, na napatingin sa kanya.
"Hindi pa ba binawi nila Luna, ang sinabi nila sayo?" tanong nito sa kanya pero hindi na niya inintindi iyon at kahit may sugat pa siya sa paa at masakit pa rin ito ay pilit siyang tumayo para lapitan ito."Damien, ang sugat mo!" sita nito sa kanya.
Mabilis niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap. Unti-unti ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. "B-buhay ka, Feliza. Buhay ka," umiiyak na sabi niya.
"Damien, ang baby naiipit." Tinulak siya ni Feliza, palayo kaya napilitan siyang humilay sa pagkakayakap sa asawa.
Tinitigan niya ang baby na karga-karga ni Feliza at hinaplos ang pisngi ng bata, na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. "Siya na ba ang anak natin? B-buhay din siya kagaya mo?" puno ng emosyong tanong niya sa asawa.
"Mukha ngang wala ka pa talagang alam," tugon ni Feliza at nanlaki ang mga mata nito, nang mapatingin ito sa paa niya. "Dumudugo ang sugat mo sa paa!" bulalas nito. Pero hindi niya iyon nararamdaman dahil ang tanging laman ng isip niya, ay ang asawa at ang anak.
"Anong nangyayari rito?" narinig niyang tanong ng taong galing sa likod niya.
"Yvonne, kunin mo na nga muna si Lion, ikaw na muna bahala sa bata, tinimplahan ko na iyan ng gatas, pinapalamig ko na lang," kausap ni Feliza sa dumating.
Yvonne? Iyon ang pangalan nang sinasabi ni Feliza noon, na kaibigan niya na akala nito ay pinatay niya. Naramdam niya ang paglapit ni Yvonne at kinuha ang anak nila ni Feliza. Inalalayan naman siya ni Feliza, paupo sa wheel chair at itinulak ito ni Feliza.
"Sa kwarto ka na muna. Tatawagan ko si Griffin, para gamutin ka," ani ni Feliza. Hindi na siya nagsalita pa. Dinala siya ni Feliza, sa kwarto niya at iniwan muna, pagbalik nito kasama na nito si Liam, na may dalang medical kit.
"Huwag mong pwersahin maglakad kaagad Parker, baka lumala ang sugat mo at hindi ka na makalakad," bilin sa kanya ni Liam.
"Dapat ba, ikaw ang gumagamot sa akin? May alam ka ba diyan?" tanong niya.
"I'm a Doctor, for your information and you're lucky because I give my service to you for free," nagyayabang na tugon nito sa kanya.Hindi na siya nakipagtalo pa kay Liam, mas mahalaga pa na makausap niya ang asawa niya keysa makipagtalo sa lalaking kaharap.
"Feliza, we need to talk," untag niya sa asawa, habang seryosong pinagmamasdan nito ang paggagamot sa kanya ni Liam.
"Bukas na tayo mag-usap, pag nandito na sila Luna, pagod din ako ngayon dahil galing pa ako Maynila at patutulugin ko pa si Lion," tanggi nito sa kanya. Tumingin ito kay Liam. "Ikaw na muna bahala diyan, Griffin, kailangan ko ng asikasuhin si Lion," paalam ni Feliza kay Liam.
"Okay," tugon ni Liam, saka iniwan sila nito na hindi man lang nagpaalam sa kanya. "Mukhang kailangan mong mag-effort, para makuha mo siya ulit." Napatingin siya kay Liam. "Alam mo ba kung saan una kong nakilala si Feliza?
"S-saan?"
"Sa Ospital. Dinala siya doon nila Luna at Stephan doon dahil dinudugo siya, sugatan din noon si Ion kaya kinailangan din gamutin noon si Ion." Naalala niya iyong panahon na pinuntahan siya ni Feliza at binaril niya si Ion,"fifty-fifty na si Feliza, nang dinala siya sa Ospital, ganoon din ang nasa sinapupunan niya kaya lahat kami nataranta at ginawa ang lahat para iligtas sila. Pero isa lang sa anak mo ang nakaligtas at si Feliza."
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
Ficción General~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...