Chapter 30

3.5K 109 11
                                    

"NATAGPUAN ko na kung saan ang hide out ng mga sindikatong dumukot sa inyo noon, Jim. Ito ang mga files kung saan mo sila makikita," untag ni Stephan sa malalim na pag-iisip ni Damien. Stephan puts the files on his desk and he just looked at it, he didn't want to open these files."Jim? Ano nang plano natin?" tanong sa kanya ni Stephan.

"Susugurin natin sila and kill them all," tugon niya kay Stephan. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Stephan at napailing pa ito.

"Wala ka bang mas safe at sure na plano diyan. Baka hindi sila ang mamatay kundi tayo sa padalos-dalos na desisyon mo."

"I can't think straight right now," tugon niya kay Stephan at napahilamos ng mukha.

"Why? Ito ang gusto mo hindi ba? Ang mahanap kung saan ang lungga ng mga hayop na sindikatong iyan?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Stephan.

"Hindi ko alam! May gumugulo sa isip ko!"

"Ano? Oh no, let me change my question. Sino? Napatitig siya kay Stephan at seryoso na ito. "Kung si Feliza iyan, forget about her. She's dead," balewalang sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya at parang may gumuhong mundo sa harapan niya. "W-what are you talking about?"

"She's dead. She commit suicide, m-matapos siyang makunan at maiuwi sa probinsiya nila. Hindi iyon napigilan ni Luna, dahil akala niya maayos na ito at isa pa masyadong busy-

"That's not true!" He slapped his hand on his desk. His whole body was shaking and he couldn't believe what Stephan had told him.

"That's true Jim," seryosong tugon ni Stephan. Inaarok niya kung nagsasabi ito ng totoo pero kitang-kita niya sa mukha nito, na hindi ito nagsisinungaling. "Bakit parang apektado ka? Hindi ba gusto mo rin naman siyang patayin dahil kasabwat siya sa sindikatong dumukot sayo noon at kay Yelena?"

"H-hindi ko siya papatayin." Napaupo siya sa sobrang panghihina at parang dama niya na nadurog ng paulit-ulit ang puso niya sa sakit na nadarama. "Gusto ko lang siyang umamin. Umamin kung nasaan ang hide-out ng sindikatong kinabibilangan niya. P-pero hindi ko siya papatayin-

"You almost killed her, Jim. Iyon ang katunayan na papatayin mo siya talaga at binaril mo pa nga si Ion-

"I just threatened her. I know Ion will protect her, that's why I shoot Ion. Nakita ko na kumilos si Ion, kaya ginawa ko iyon kasi kung talagang gusto ko siyang patayin bakit hindi ko kaagad ginawa. Gusto ko lang siya mapaamin para iligtas ang anak ko, na hawak ng mga sindikatong iyon. Wala akong planong patayin siya!" diin niya at hindi niya napigilan ang mga luha sa mga mata niya.

Dama niya na parang pinipilipit ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. He still loved Feliza, and that didn't change even after Yelena returned to his life and even though he found out that his wife had betrayed him, he still hadn't diminished her feelings to her. Pero galit siya sa asawa niya dahil sa pagtatraydor nito sa kanya at lahat pala ng pagkakakilala nila ay nakaplano rito at sa sindikatong kinaaaniban nito.

Noong una, hindi siya naniniwala kay Yelena na magagawa iyon ni Feliza, pero nang ipakita nito ang litrato na kasama si Feliza at ang kaibigan nitong si Yvonne, kasama sa hide out ng sindikatong dumukot sa kanila noon, kasama si Yelena at ang anak niya ay hindi niya maiwasang maniwala. Pati na rin ang cctv footage na nakuha rin ni Yelena, sa hide out ng mga ito ay isang malaking ebedensiya na kabahagi talaga si Feliza sa sindikatong iyon. Lahat ng ebedensiya ay tinuturo na kasabwat si Feliza at nagalit talaga siya. Dumagdag pa na ginugulo na naman siya ng panaginip na paulit-ulit nang nakaraan niya na dinukot siya, ginagahasa niya si Yelena at ng pagkamatay ng Tatay niya, na nandoon at nakikita niya si Feliza, na tumatawa sa harap niya. Wala siyang matandaan kung paano niya noon ginahasa si Yelena, pero sa mga panaginip niya ipinapakita lahat ng iyon sa kanya at kung paano niya saktan ang babae at magmakaawa ito sa kanya. Paulit-ulit siyang ginugulo ng panaginip na iyon, na halos sumira ng isip niya at paulit-ulit din niyang nakikita kung paano siya pagtawanan ni Feliza sa panaginip niya kaya mas lumalim ang galit niya sa asawa. Pero kahit ganoon, mahal pa rin niya ito at hindi niya naisip na patayin ito ang tanging nais niya lang ay umamin ito sa kasalanan at sabihin kung nasaan ang hide out ng mga kasamahan nito, kaya niya pa itong patawarin kung babaliktad ito sa sindikatong kinaaniban nito at kaya niya pa itong tanggapin bilang asawa at bumuo sila ng pamilya lalo pa't magkakaanak sila. But she never imagined Feliza would end her life because of the loss of their child. He could not hold back the tears that flowed from his eyes and the agony of his heart.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon