Chapter 26

3.3K 94 12
                                    

ISANG linggo nang walang balita si Feliza kay Damien at hindi na rin ito tumatawag sa kanya. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan pero hindi na niya ito ma-contact pa, hindi tuloy niya maiwasang mag-aalala, lalo pa't alam niya na delikado ang buhay nito sa Maynila. Sinubukan na rin niyang tawagan si Luna, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Wala naman siyang contact number ni Stephan dahil pinagbawalan ito ni Damien, baka raw kasi landiin lang siya ni Stephan kaya ayaw ng asawa niya na may contact sila ni Stephan.

"Ano na bang nangyayari sayo Damien, sobra mo akong pinag-aalala," sabi ni Feliza sa sarili. Nakatayo siya sa sala at naglalakad-lakad. Nagulat pa siya nang may kumatok sa pinto ng bahay.

"Ate." Boses iyon ni Babylyn, kaagad siyang lumapit sa pinto at pinagbuksan ito.

"Babylyn, bakit?"

"Doon ka na raw maghapunan sa bahay at nag-ihaw po kami ng isda na dala nila Tatay," aya sa kanya ni Babylyn.

"S-sige," payag niya kaagad at lumabas na siya kasama si Babylyn ng bahay. "Babylyn, tumawag ba sa inyo si Luna? May balita ba kayo sa kanya?"

"Oo ate, tumawag siya kahapon at ibinilin ka niya sa amin." Biglang nakadama ng pag-asa si Feliza sa nalamang nakausap ng mga ito si Luna.

"May binalita ba sa inyo si Luna, tungkol kay Damien. Hindi ko kasi ma-contact asawa ko, nag-aalala na ako sa kanya."

"Nasa ibang bansa raw po si kuya Damien ate, pinapasabi nga pala sayo ni ate Luna, na biglaan daw ang alis ni kuya Damien, kaya hindi ka na nasabihan," tugon ni Babylyn.

Nagulat si Feliza at nakadama siya ng dissapointment. "Bakit hindi ako tinawagan ni Luna? Para sana nakausap ko siya at nakibalita kay Damien."

"Sinabi ko rin po sa kanya iyon pero sabi niya hindi ka raw niya ma-contact at gabing-gabi na raw baka tulog ka na. Saka sandali lang kami nag-usap, binilin ka lang sa amin at pinaalam na nasa ibang bansa si kuya Damien," tugon nito.

"Ganoon ba? Salamat Babylyn," sabi niya.

Hindi niya maiwasang maghinala pero inalis niya iyon sa isip niya. Sabi ni Damien, babalik ito at alam niyang tutuparin nito ang pangako. Siguro, mahalaga lang ang ipinunta nito sa ibang bansa, kaya biglaan at hindi na nakapagpaalam pa sa kanya.

"Tama. Mahalaga iyon at biglaan, kaya hindi na ako nasabihan ni Damien. Ang mahalaga, ligtas siya at babalikan niya  ako. Mag-aantay ako sa pagbabalik ng asawa ko. Mag-aantay ako."


Pero umabot na ng isang buwan ay hindi pa rin siya binabalikan ni Damien, hindi pa rin niya ito ma-contact at kahit si Luna, ay hindi na rin niya ma-contact. Hindi na rin tumawag pa ulit si Luna, kaya lalo siyang nag-alala sa asawa at kung anu-ano na ang iniisip niya. Hindi na siya nakakatulog ng maayos sa gabi at iniiyakan na rin niya gabi-gabi ang asawa, kaya tuloy bumabagsak na ang katawan niya sa sobrang pag-iisip sa asawa at nagsimula na rin siyang magduduwal tuwing umaga. Naisip niya na marahil nai-stress na siya sa sobrang pag-aalala sa niya.

"Nahuhulog na ang katawan mo Feliza, buntis ka ba?" pansing tanong sa kanya ni Myrna, nang minsang sa bahay sila nila Nanay Martha tumambay ng buong maghapon. Naisip niyang mas mabuting doon muna siya para hindi niya masyadong maisip si Damien.

"Buntis?" wala sa sariling sabi niya. Saka nanlaki ang mata niya, nang mapagtanto ang sinabi ni Myrna. "Ako, buntis?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Maaari at may asawa ka naman. Saka nangangayayat ka, noong unang nagbuntis ako ganyan ako eh," tugon ni Myrna.

"Buntis ka, ate Feliza? Magkaka-baby ka na?" masayang tanong ni Babylyn, na biglang sumulpot sa likod nila. Nasa labas kasi sila ng bahay at sa gilid sila pumuwesto.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon