Chapter 31

3.4K 100 9
                                    

"WHAT do you mean? H-hindi ikaw si Yelena?" hindi makapaniwalang tanong ni Damien kay Yelena.

"No! I'm Yelena's sister!" puno ng galit na sabi nito. "Nangako ka na ililigtas mo ako kay Yelena, pero naging mahina ka! Inuna mo pang magpunta sa ibang bansa kesa hanapin ako at iligtas!" sumbat nito sa kanya.

"I-ikaw ang kapatid ni Yelena, na gusto niyang iligtas ko?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo! Pareho kaming dinukot noon ni ate Yelena at sabi ni ate sa akin noon, ililigtas mo raw ako dahil nangako ka sa kanya noon. Pero hindi ka dumating, hindi mo ako iniligtas at kahit ang ate ko ay namatay ng dahil sayo! Nawalan ako ng pamilya at halos masira ang buhay ko dahil sayo!" galit na sigaw sa kanya ng kapatid ni Yelena.

"I tried my best to saved you but-

"Pero naduwag ka at umalis ka, para pagalingin iyang sarili mo!" putol nito sa sasabihin sana niya. "Hindi mo tinupad ang pangako mo kaya heto ako nasadlak sa masamang gawain dahil wala na akong choice!"

"I-I'm sorry-

"No! I will never accept your sorry! Kamatayan mo lang ang magpapasaya sa akin!" puno ng poot na sabi nito.

"Tama na ang kadramahan na iyan!" Napatingin siya sa nagsalitang iyon na palapit na rin sa kanila. Matandang lalaki iyon na nakatungkod pa, na hindi niya kilala kung sino. "Good to see you again, Mr. Parker," nakangiting bati nito sa kanya.

"Who the hell are you?" matapang na tanong niya sa bagong dating.

"I'm Castor Geronimo. Magkaibigan kami ng Papa mo, noong nabubuhay pa siya."

"You're a liar!" sigaw niya rito.

"No, I'm telling the truth. Pero masyadong mabait ang Papa mo at gusto na niyang tigilin ang itinayo naming organisasyon dahil may mga inosenenteng tao raw ang mapapahamak. Masyado siyang naging malambot dahil sa pamilya niya at dahil sayo kaya minabuti niyang itigil ang organisasyon, na hindi man lang kami iniisip na kasama niya. Paano naman kami? Eh, gusto pa naming mas yumaman pa at lumawak ang organisasyon namin. Dahil lang sa pagiging mahina niya madadamay kami?" Naglakad ito palapit sa kanya. "Kinausap namin ang Papa mo at pinakiusapan, na kung maaari umalis na lang siya sa grupo. Pero itutuloy pa rin namin ang organisasyon kaso hindi siya pumayag, ipapaalam daw niya sa alagad ng batas pag hindi kami tumigil at ipapahuli kami kaya wala kaming choice, kundi pumayag at manahimik. Pero ang Papa mo, kahit maliit na negosyo ko na bumubuhay sa pamilya ko ay hindi pa pinalampas. Pinahuli ako ng Tatay mo dahil ilegal ang Casino na pinatayo ko, kaya nakulong ako at dahil doon iniwan ako ng asawa at anak ko! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang pamilya ko dahil diyan sa ginawa sa akin ng ama mo!" Puno ng poot ang mga mata ni Castor habang nakatitig sa kanya.

"Kung legal sana ang negosyo mo, hindi ka ipapahuli ni Papa!"

"Nakakatawang narinig ko pa mismo sa bibig mo iyan, samantalang may ilegal ka rin namang negosyo."

"But my father is not like me! He's one of a good man, kaya kung may ginawa man siya sayo, tama lang iyon!"

"Yes, you're right at ang tulad ng Papa mo ay maagang nawawala sa mundo. Inuna mong maghiganti sa mga taong kumidnap sayo noon pero hindi mo nagawang alamin na isa ako sa mga gumawa noon niyon sayo." Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa matandang lalaki sa harap niya. "Yes, I'm the mastermind and I killed your father."

"Fuck you!" galit na sigaw niya at susugurin sana ito pero nahila siya ng dalawang lalaki sa likod niya at sinipa siya sa paa kaya napaupo siya sa sahig. Hinampas pa siya ng isa sa ulo ng baril kaya napahiga siya sa sahig at duguan.

"Chill ka lang kasi, man, para hindi ka nasasaktan,"nakangising sabi ni Liam sa kanya.

"Sa totoo lang, hindi na sana kita guguluhin pa kaya lang sagabal ka rin sa organisasyon namin. Masyado kang nagiging makapangyarihan, na kinatatakutan at magiging threat ka rin kagaya ng Papa mo kaya mabuting tapusin din kita. Nakatulong na rin na kamukha ni Clarity ang kapatid niyang si Yelena, para magawa namin ang plano at kaagad ka naman nahulog sa patibong namin."Ngumisi ito."Ngayon nasa harap ka na namin ay sisiguraduhin namin mamamatay ka. But before that, we need to know some information and you will give it to us, before we kill you."

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon