Chapter 35

3.7K 94 9
                                    

HINDI makapaniwalang napatitig siya kay Liam, hindi niya akalain na gugustuhing patayin ni Clarity ang sarili nitong kapatid. At si Yelena, piniling iligtas si Feliza at Papa nito kesa kay Clarity?

Lalo tuloy siyang naguguluhan.

"Ayon sa pag-iimbestiga namin Damien, kasabwat talaga si Yelena, sa naganap na pangdudukot sayo. Iyon din ang sinabi ni Clarity." Lalo siyang nagulat sa sinabing iyon ni Luna. "Napilitang pumasok sa sindikatong iyon si Yelena, para sa kapatid niyang  si Clarity, na noon ay na-Ospital dahil sa malalang sakit. At sa nakikita rin namin, noong panahong na-kidnap ka, ay nagbago ang isip ni Yelena, ililigtas ka sana niya pero nahuli siya, kaya noong magkasama kayo ikaw ang ginamit ng mga kumidnap sa inyo na na magparusa kay Yelena."

"P-pero ang Nanay ni Feliza? Hindi siya kasama sa-

"Hindi, Damien," putol ni Luna,"nalaman niya na napasok doon si Yelena at bilang pangalawang ina ni Yelena, napilitan siyang umayon sa anak. Mabait ang Nanay ni Feliza, siya rin ang tumulong sa Tatay mo, na iligtas kayo, pero inako niya ang kasalanan ni Yelena at kahit si Clarity, iyon din ang alam," tugon ni Luna. "Pinalabas niya na kasabwat siya at nagtago pero nahanap pa rin siya at napatay." Nanghihinang napaupo si Damien, sa sahig at gusto na naman niyang bumulalas ng iyak dahil sa nalaman. "Iniligtas ni Yelena ang Papa niya at si Feliza, dahil binigyan niya ng pera ang ama at pinalayo. Pero nang malaman ng Papa ni Feliza, kung anong nangyari sa mga anak at asawa, nawala ito sa sarili at hindi naglaon ay nagpakamatay." dagdag ni Luna.

"Bakit hindi kilala ni Feliza, ang mga kapatid niya? Bakit hindi niya alam na may mga kapatid siya?" naguguluhang tanong niya.

"Naghiwalay ang Papa at Nanay nila Yelena at Clarity. At base sa aming nakuhang impormasyon, hindi kasal ang Nanay at Tatay ni Feliza. Kabit ang Nanay ni Feliza at iniwan ng Tatay ni Feliza, ang pamilya para sa Nanay ni Feliza. Kaya nagtago sila sa probinsiya. Muli lang nagkatagpo ang landas ng Nanay ni Feliza at si Yelena, nang lumuwas siya sa Maynila at pareho sila Yelena at Mama ni Feliza, na nagtrabaho sa inyo noon, Damien at patay na ang Nanay ni Yelena noon," tugon ni Luna.

"Nasa folder lahat ng impormasyon ng pamilya ni Feliza, na nakalap namin sa isang buwan mong pamamalagi rito. Kahit ako, noong una ay mali ang impormasyon na nakuha ko at inakala ko rin na kasabwat talaga ang Nanay ni Feliza, sa sindikatong pumatay sa Papa mo at sa magulang ko. Pero nang si Luna na ang kumilos, saka lumabas lahat ng tamang impormasyon," ani ni Stephan.

"Masyadong mahirap alamin ang katotohanan, dahil sa totoo lang parang may malaki pang organisasyon na nasa likod ng lahat ng iyon. Iyong nakalaban mo na kasama si Liam, galamay pa lang iyon ng organisasyon nang may hawak sa kumidnap sayo at may pinaka-mastermind pa sila. Kaya delikado pa rin ang buhay niyo Damien, kaya kinailangan kong baguhin ang pangalan mo at kailangan niyo munang umalis dito ni Feliza," sabi ni Luna.

"Hindi na kami magkakasama pa ni Feliza, lalo na ngayon. Pinapatay ko ang Mama ni Feliza, na wala naman pala itong kasalanan," puno ng lungkot na sabi niya.

Hindi na nagawa pang magsalita ni Luna, isa man sa mga ito ay hindi nakaimik sa sinabi niya.



KARGA-karga ni Feliza ang anak niya nang gabing iyon. Tulog na ang lahat dahil gabing-gabi na talaga, pero siya nasa sala at dinuduyan sa braso ang anak habang kinakantahan dahil hindi pa rin ito makatulog.

"Mukhang pinupuyat ka ng anak natin." Napalingon siya sa nagsalita at si Damien, ang nandoon. Lumapit ito at kinuha ang anak saka dinuyan sa braso niya. Napansin niya na puno ng emosyon ang mga mata nito at hindi niya maiwasang makadama ng awa sa asawa.

"G-ganyan iyan kapag gabi, palaging namumuyat," sabi niya sa asawa, upang hindi madala sa awa rito.

"Anak, be a good boy ha, love your Mama no matter what and don't give her heartache, like what Papa did to her," kausap ni Damien, sa anak at hinalikan ito sa noo. Parang hinati ang puso niya sa nasaksihan ngayon mula sa asawa at anak. "I love you so much, anak. Hindi ko man makikita ang paglaki mo, pero pangako ko sayo at sa Mama mo, na hindi mawawala ang pagmamahal ko sa inyo," sabi nito at tumulo ang mga luha sa mga mata. Nakadama siya ng habag at hindi na rin niya napigilan na maluha sa sakit na nakikita sa asawa. Tumingin sa kanya si Damien at niyakap na rin siya. I'm sorry for hurting you so much, Feliza. I'm letting you go now," sabi nito at hinalikan siya sa labi, na ginantihan din naman niya. "I love you so much and I will never forget you," bulong nito, nang matapos maglapat ang mga labi nila.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon