Chapter 29

3.3K 112 15
                                    

NARINIG ni Feliza ang pagbagsak ng katawan sa sahig at nasasaktang ungol. Napamulat siya ng mata at tumabad sa kanya ang duguang katawan ni Damien, na nakahandusay sa sahig. Dalawang putok ng baril ang narinig niya kanina at napansin niyang hindi lang katawan ni Damien ang may dugo, kundi pati ang mukha nito. Bigla siyang nakadama ng pag-aalala sa asawa at lalapitan sana ito, nang may humawak sa balikat niya. Paglingon niya si Stephan.

"You need to get out in this place, Feliza," seryosong sabi nito. Hindi niya na nagawang magsalita pa dahil lumapit sa kanila si Luna, na may hawak na baril at madilim ang mukha. Lumagpas ito sa kanila at nilapitan ang nakahandusay na katawan ni Damien. Pumutok na naman ang baril at napaungol sa sakit na naramdaman si Damien.

"Tama na!" sigaw niyang pigil kay Luna. Binaril na naman kasi nito si Damien sa paa.

Ngumisi si Luna nang tumingin sa kanya. "He tried to kill you, Feliza at nagagawa mo pa siyang iligtas nang ganyan? Ni hindi niya naisip ang anak niyo." Galit si Luna, kitang-kita sa mga mata nito.

Nasaktan na naman siya nang maalala ang plano sana na pagpatay sa kanila ng anak niya ni Damien at hindi na naman niya napigilan ang mga luha niya.

"Umalis na tayo rito, Feliza. Damien doesn't deserve your tears, hindi na magbabago pa ang lalaking iyan. Malupit pa rin siya at kahit kayo ng anak niya, hindi makakalampas sa kalupitan niya kaya lumayo na kayo sa kanya," may pag-aalala na sa mukha na sabi ni Luna.

"Halika na, dadalhin pa natin sa Ospital si Ion," aya na rin ni Stephan sa kanya.

"Oo nga pala! Si Ion, niligtas niya ako sa kamatayan!" bulalas niya at kaagad nilapitan ang nakahandusay na lalaki. Buhay pa ito at pilit pa itong ngumiti sa kanya.

"Mabuti na lang dumating sila Luna. Pagsisisihan ko talaga pag napahamak kayo ng anak mo, Feliza," sabi nito. Hinaplos niya ang mukha nito.

"Salamat Ion, sorry dahil nasaktan ka pa," may lungkot na sabi niya.

"Don't worry. Malayo ito sa bituka," sabi nito.

"Umalis na tayo!" utos ni Luna at naglakad na ito paalis. Inalalayan ni Stephan si Ion, patayo at naglakad na rin palabas ng opisinang iyon.

Nilingon pa niya ang nakahandusay na si Damien at nakita niyang tumingin ito sa kanya na puno ng emosyon ang mga mata. Muli ang sakit na tumutusok sa damdamin niya at ang pagtulo ng mga luha niya sa mga mata. "I love you Damien, and goodbye," sabi niya sa asawa saka iniwan ito.

Hindi na naman napigilan ni Feliza, ang mga luha niya sa walang tigil na pagtulo. Panay ang pahid niya sa mga luha pero panay pa rin ang pag-agos nito sa mga mata niya.

Sa pagbaba  nila sa hagdan ay sumalubong sa paningin niya ang mga nakahandusay na lalaki sa lahat ng bahagi ng sala. Sugatan ang ilan sa mga iyon pero mukhang hindi naman patay ang mga ito at ang ilan naman ay mga walang malay. Mga tauhan ito  ni Damien, marahil nakalaban ang mga iyon nila Luna at Stephan at mukhang walang naging laban ang mga tauhan ni Damien sa dalawa.

"Alpha," narinig niyang tawag ni Stephan kay Luna. Lumingon si Luna kay Stephan, pero malamig ang emosyon sa mukha nito na nakakapagtaka. "I'm sorry for being late," sabi ni Stephan at puno ng pagsisisi sa mukha nito.

"Damien almost killed Feliza, kung hindi ako dumating sa tamang oras napatay na sana siya. Dumagdag pa ang mga pesteng tauhan ni Damien, na humarang sa akin!" May panunumbat sa boses ni Luna.

Nagulat siya sa nalaman. Ibig sabihin si Luna lang ang kumalaban sa lahat ng ito? Napatitig siya kay Luna, tama si Ion, na nakakatakot at malakas pala talaga si Luna.

"Hindi kasi ako makapag-desisyon. Pareho ko kayong kaibigan-

"I command you as Alpha! And you need to follow my command as one of my Omega!" maotoridad na sabi ni Luna. Kitang-kita sa mukha ni Stephan ang pagkasuko na hindi niya maintindihan.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon