HINDI na nga talaga napilit pa si Feliza ni Luna, na umalis sa probinsiyang iyon kaya umalis na si Luna, na hindi siya kasama pero kagaya ng sinabi nito may tagabantay siyang kasama sa bahay. Si Ion na isa sa Omega ni Luna at wala naman naging reklamo ang binata sa inutos ni Luna rito at nagpaiwan nga talaga ito para may magbantay sa kanya.
"Miss Feliza, what do you want to eat. I will cook for you," untag ni Ion sa kanya. Nasa gilid siya ng bahay at nakaupo sa upuan na malapit sa puno, pahapon na iyon kaya medyo malamig na. Naramdaman din niya na may inilagay ito sa balikat niya, isang itim na leather jacket. "Malamig na, baka makasama sa baby mo," sabi nito.
"Salamat." Nginitian niya ito. "Feliza na lang, huwag mo na akong i-Miss pa. At may ulam sa ref, kung magluluto ka, bahala ka ng mamimili ng lulutuin doon."
"Sige, pumasok ka na rin sa bahay baka maaswang ka pa rito. Hindi ba uso ang aswang pag may buntis, kaya kitang protektahan sa tao pero ibang usapan na ang aswang. Nakakatakot kaya iyon." Natawa siya sa sinabi ni Ion, sa laking tao nito naniniwala ito sa aswang at kinatatakutan pa nito.
"Ayan, tumawa ka rin. Ang ganda mo lalo pag tumatawa." Natigil siya sa pagtawa at napatitig kay Ion, "sa ngayon, ang dapat mong isipin ang anak mo sa sinapupunan kaya dapat hindi ka malungkot diyan. Huwag mo munang isipin ang Parker na iyon. Magsisisi rin iyon sa katangahan niya."
Ngumiti siya sa binata. "Babalik si Damien, alam ko kasi nangako siya at mahal na mahal namin isa't-isa."
"Oo na. Pumasok ka na at ipagluluto kita. Alam mo bang magaling akong magluto, chief ako at marami akong restaurant na pag-aari. Minsan dadalhin kita doon para mapatikim ng specialty ko."
Tumayo na siya. "Sabi mo iyan, ha. Dapat libre lang," tugon niya.
"Oo naman. Ikaw lang lilibrehin ko, hindi ko ililibre doon ang Parker na iyon, kahit pa magkaayos na kayo," anito. Natawa na naman siya at sabay na silang naglakad papasok sa bahay.
Tatlong buwan na ang nakakalipas at hindi pa rin bumabalik si Damien, lalong nakakadama ng lungkot si Feliza, pero pinapalis niya iyon sa sarili, lalo pa't hindi na lang siya nag-iisa sa katawan niya. Dalawa na sila at kailangan niyang mag-ingat para sa baby niya.
Nagising siya sa umagang iyon na masama ang pakiramdam, marahil dahil pa rin sa pagbubuntis niya pero tumayo pa rin siya at lumabas ng kwarto. Plano niyang uminom ng gatas kaya sa kusina siya nagtungo, wala doon si Ion, pero may nakahandang pagkain na agahan nila sa lamesa. Nagtimpla siya ng gatas at ininom ito, nakarinig siya ng nagsasalita sa labas ng bahay kaya lumakad siya para silipin kung sino iyon.
"Sumugod siya doon para maghiganti dahil sa babaeng iyan?" galit na sabi ni Ion sa kausap nito sa cellphone. "Tanga talaga niyan ni Parker! Sana namatay na lang siya at doon niya sa empyernong kahahantungan niya siya magyabang! Doon marami siyang makakalaban at unlimited pa!" dugtong nito. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi ni Ion. Si Damien ang topic nito at ng kung sino man kausap nito sa cellphone at mukhang nasa kapahamakan si Damien. "Luna, sumugod siya sa lugar na siya lang mag-isa, syempre mapapahamak talaga siya! Sana nagdala siya ng tauhan para hindi siya masyadong napuruhan. Ang tanga-tanga!"
Kumabog nang mabilis ang dibdib niya sa sobrang pag-aalala at mabilis na nilapitan si Ion. "Anong nangyari kay Damien?" kaagad niyang tanong kay Ion, nang makaharap ito. Kita ang gulat kay Ion.
"Luna, mamaya na tayo mag-usap," sabi nito sa kausap at ibanaba ang cellphone. "Okay na siya ngayon. Nailigtas naman kaagad siya ng mga tauhan ni Stephan," tugon nito sa tanong niya.
"A-anong nangyari sa kanya? B-bakit ba siya nasaktan nang ganoon?" nag-aalalang tanong pa rin niya.
"Sinugod niya kasi ang headquarters ng sendikatong nagtago kay Yelena at ang sendikatong dumukot sa kanila noon, nang nag-iisa. Marami pala ang mga tauhan ng kalaban niya at napuruhan siya pero ayos na siya kaya 'wag ka ng mag-alala pa."
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
General Fiction~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...