PAGMULAT ng mga mata ni Damien, si Stephan ang kaagad sumalubong sa kanya, nagbabalat pa ito ng apple. Nagulat pa si Stephan, nang makita siyang nakadilat ang mga mata at napatayo ito sa kinauupuan. Dama niya ang pangmamanhid ng katawan niya at medyo umiikot pa ang paningin niya, marahil sa gamot na inilagay sa katawan niya.
"Jim, how are you? What do you feel? Do you want to drink water-
"Don't worry, I'm okay," putol na niya sa sasabihin pa sana nito.
"Good." Napuupo na ito ulit sa upuan,"pinag-alala mo kami," sabi nito.
"What happened and how did you know where I am?"
"Si Luna, ang unang nakaalam. Alam mo naman iyon, maraming connection."
"Bakit niligtas ako ni Luna, akala ko ba-
"Parang hindi mo naman kilala si Luna, hindi naman tayo matitiis n'on eh," nakangiting sabi na ni Stephan.
Tama si Stephan, ilang beses na ba niyang tinaboy noon si Luna at Stephan, at kung ano-anu pang sinabi niyang masasakit na salita sa dalaga pero sa tuwing nangangailangan siya, nandoon ito at tinutulungan siya.
"Iyong mga nakalaban ko? Anong nangyari sa kanila?" tanong niya nang maalala ang mga nangyari sa kanya bago siya napunta rito at nakahiga sa kama.
"Hawak ni Luna si Clarity, siya na muna bahala sa babaeng iyon. Sila Castor at mga tauhan niya at tauhan mo, na nag-traydor sayo namatay sa enkwentro."
"Oo nga pala, hindi ba ikaw ang kumuha ng mga tauhan ko? Bakit hindi mo sinigurado, na hindi ako tatraydurin ng mga kinuha mo?" takang tanong niya kay Stephan. Nakakapagtakang naging palpak si Stephan sa binigay niyang trabaho sa kaibigan, na pagkuha nga ng magiging tauhan niya.
"Iniisip mo ba, na may kinalaman ako sa pagta-traydor ng mga tauhan mo-
"No! I'm just asking you about the people you hired," putol niya sa sasabibin sana nito.
"Well, actually, nagulat din ako, na nagawa nila sayo iyon. Pero tingin ko, malaki ang inalok na pera sa kanila. Isa pa, malaki rin ang naging bahagi ni Clarity, sa pagbabaliktad ng mga tauhan mo sayo," paliwanag ni Stephan. "Next time, si Luna na raw kukuha ng mga tauhan mo. Mas magaling kasi iyon kumuha ng tao kesa sa akin. Isa pa, siguro isa rin kaya pumalpak ako dahil sa nawala rin ako sa sarili noong panahon na nalaman ko na kasabwat si Feliza sa kalaban, na hindi naman pala totoo," dagdag ni Stephan.Napabuntong hininga. Naalala na naman niya ang lahat ng inamin sa kanya ni Clarity, na hindi naman pala talaga kasabwat si Feliza at muli parang may pumipiga sa puso niya. "Doon nga pala sa mga kasama ni Castor, sa organisasyon, tiyak kasi hindi ka ng mga iyon titigilan kaya may plinano kami ni Luna at kailangan mong pumayag sa planong iyon para sa kaligtasan mo." Nakuha muli ni Stephan ang atensiyon niya sa sinabi nito.
"What plan?"
"Magpahinga ka na muna, pag umayos na ang kalagayan mo, ililipat ka namin sa isang bahay para doon na magpahinga at itatago ka na muna namin. Doon na rin natin pag-uusapan ang naisip naming plano," tugon nito sa kanya.
"Sige," payag niya.
Tatlong-araw lang si Damien, sa Ospital at dinis-charge na kaagad siya para ilipat sa bahay, na tutuluyan niya. Nagulat na lang siya nang sinundo na rin siya ni Luna.
"L-Luna," mahinang bulalas niya.
"What? Nagulat ka dahil kahit ang dami mong kasalanan sa akin, niligtas pa rin kita?" Inirapan siya nito."Malaki na utang na loob mo sa akin, kaya maniningil ako sayo!"
BINABASA MO ANG
Savage Temptation [R18]
Ficción General~Warning: This story contains strong language, graphic sex scenes, violence, and situation intended for mature readers only and not suitable for minor or very young age~ -UNEDITED. So, expect TYPOS and GRAMMATICAL ERROR- [Read at your own risk.] Be...