Chapter 36

3.5K 90 12
                                    

"SINUNGALING!" galit na tugon ni Clarity at bumalik ang galit sa mga mata nito. "Masaya ka siguro dahil nakulong ako rito at ikaw, buhay na buhay at masayang namumuhay! Samantalang ako, simula noog sinira ng Nanay mo ang pamilya namin, naging miserable na ang buhay namin ni ate Yelena, habang kayo nila Papa, ay masaya!" galit na sumbat ni Clarity.  Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito na dulot ng mga kabiguang nangyari sa buhay nito. "Bakit ka ba kasi nabuhay ka pa! Sabi patay ka na, tapos makikita kita noong hinuli ako, na buhay ka pa pala!"

"Sorry sa nagawa ni Mama-

"Walang kapatawaran ang ginawa ng malandi mong Nanay, Feliza! Dahil sa kanya nasira ang pamilya ko! At dahil sa kanya nawala si ate at naging miserable ang buhay ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata nito, pero nandoon pa rin ang galit sa mga mata. "Miserable ang naging buhay ko, habang ikaw lumaking normal ang buhay kahit wala na ang parents mo!"

Napaiyak na rin siya. Nasasaktan siya sa sakit na nakikita sa mga mata ng kapatid. "Sorry Clarity, kung may magagawa lang ako para mawala ang sakit na nararamdaman mo-

"Wala! At tanging kamatayan mo lang ang magpapasaya sa akin! Kamatayan niyong dalawa ni Damien!" puno ng poot na sabi ni Clarity.

"Clarity-

"Umalis na kayo! Alis na!" gigil na taboy sa kanila ni Clarity. Lalapitan sana niya ito pero itinulak siya ng kapatid, mabuti at nasalo kaagad siya ni Luna at naalalayan na hindi matumba. "Umalis ka na! Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo, kailan man!" galit na sigaw ni Clarity.

Umiyak lang siya at wala na siyang masabi pa. Naramdaman naman niya na hinila siya ni Luna at nagpapaubaya siyang lumabas ng kwarto ni Clarity."Dito ka na muna, Feliza, let me talk to her," sabi ni Luna.

"Luna, 'wag mo siyang sasaktan. Galit lang siya talaga sa akin dahil nangyari sa kanya, nang mawala si Yelena," aniya.

"Hindi ko sasaktan si Clarity, may sasabihin lang ako sa kanya," tugon ni Luna, saka pumasok sa loob ng kwarto. Nakasara ang pinto kaya wala siyang naririnig sa loob.

Kalahating-oras din na nandoon si Luna at nang bumukas ang pinto, narinig niya ang humahagulgol na si Clarity. Gusto niya sana itong pasukin pero pinigilan na siya ni Luna at hindi na hinayaan pang makapasok sa loob ng kwarto.

"Gusto mo bang kumain? Tara doon tayo sa suit ko," aya ni Luna. Lumabas sila sa gusaling kinaroroonan ni Clarity at doon sa mga bahay na nakita niya sa helipad kanina ay doon sila pumunta at isang bahay doon ang pinuntahan nila. 

Habang pinipindot pa ni Luna, ang passcode ng suit nito ay napatingin siya sa paligid. Malaking gusali talaga ang unang kinaroonan nila at sa paligid nito, ay mga puno at halaman na na may malaki at mataas na pader, na nakaharang sa buong paligid. Nasa sampu lang ang bahay na nandoon, maliban sa malaking gusali at sa kabilang bahagi ay mga mga helicopter na may tatak na A and O na pabilog, yate at mga sasakyan. Halatang hindi mga bastang tao ang nagmamay-ari ng lugar na ito. 

"Pasok na," aya ni Luna.

Napahanga siya sa kabuuan ng suit ni Luna, dahil kahit ito ay maganda rin. Kulay peach ang kulay ng pader na malamig sa mga mata, kompleto ang appliances sa sala at may veranda pa na may salaming pinto, na kita ang mga puno at halaman sa labas.

"Sino ba ang may-ari nito, grabe! Bilyonaryo siguro ang may-ari nito!" bulalas niya.

"Akin ang lahat ng ito," tugon ni Luna, na ikinalaki ng mga mata niya. "Isa ito sa mga minana ko kay Papa at Mama, bilang isang Alpha," dagdag nito.

"Ang yaman mo naman pala!" bulalas niya.

"Oo, pero delikado ang buhay ko lalo na kapag may nakaalam na ako ang Alpha. Kaya nga secret lang natin ito ha," nakangiting sabi ni Luna.

Savage Temptation [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon