PATRICK'S POV
"Miss na kita. Sana andito ka ngayon, para makita mo yung naging success ng efforts natin. Ng efforts mo. Mahal na mahal kita, sana alam mo yan." nakangiti niyang sinabi yan, pero mamaya-maya, umiyak na rin sya."Oo naman. Alam na alam ko yun. Syempre, mahal din kita e. Kaya nga ginawa ko tong lahat para maging masaya ka. Wag ka na umiyak ha?" sabi ko sa kanya. "Pano ba yan, kailangan ko munang umalis. Babalik nalang ulit ako dito ha. I love you, Patrick." "Bye, Ella. I love you too."At tuluyan na siyang umalis, at iniwan ako. Bakit ganun? Kausap nya ako, pero parang hindi nya ako nakikita? Katabi ko sya pero parang ang layo layo nya? Ella? Bakit? Lakad lang ako ng lakad, hanggang sa may makakasalubong akong lalake. Balak pa yata akong banggain nito e. Ayaw ba namang tumabi. Ay nako, bahala sya. Basta ako, hindi ako tatabi. Mapride na kung mapride. Palapit na kami ng palapit, pero dinaanan nya lang ako. AS IN PARANG HANGIN LANG AKO SA HARAP NYA. LITERALLY. MULTO BA TONG LALAKING TO? O, baka naman. . . Tumingin ako sa paligid ko, at dito ko narealize na nasa sementeryo pala ako. Maraming tao, pero hindi nila ako nakikita. Dinadaan-daanan lang nila ako na parang hangin lang ako sa harap nila. Parang si Ella lang kanina. Kausap nya ko, pero hindi naman nya ko tinitingnan. That was when it hit me... I'm a ghost.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanficThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.