PATRICK'S POV
Nililibot ko ngayon si Ric sa campus. New student palang kasi to e kaya hindi pa nya alam ang pasikot sikot dito. "Ah. Tol. Bakit ka nga pala lumipat dito, e patapos na ang school year ah." tanong ko kay Ric. "Gusto ko na kasi syang makasama e." sagot nya sakin. "Sino naman? Girlfriend mo?" "Parang ganun. I mean, hindi naman talaga kami pero mahal ko sya at mahal nya ko." sagot ni Ric. Hahahaha. Corny talaga ng mga in love. Parang ako lang. Hahaha. Hay. Naalala ko na naman. Tsss. "Ah, so dito sya nag-aaral?" "Yup." "Anong pangalan nya?" tanong ko sa kanya. "Kath, pare." sagot nya. Nagulat ako. Kapangalan ni Kath. Pero pssh. Big deal? Para kapangalan lang e. Besides, Ella na ako ngayon. Sabihin na nya ang lahat ng pangalan sa mundo, wag lang Ella. "Kabatch natin? Wala naman akong kilalang Kath e." sabi ko sa kanya. "Ganun? Baka naman hindi mo lang kilala talaga lahat ng mga kabatch natin. Hahaha." "Kung sa bagay. Hahaha." Naglalakad lang kami ng may tumawag samin. "PATRICK!!" barkada pala. Lumapit sila samin at nakatingin ang lahat kay Ric. "Guys. Si Ric nga pala. Napulot ko sa tabi tabi. Haha. Joke lang. New student. Kaya nilibot ko muna dito." Explanation ko sa barkada. "Hello Cutie! I'm Kiray." sabay kuha ni Kiray sa kamay ni Ric at nakipagshake hands. Ang tagal na ng oras na lumipas pero d pa rin binibitiwan ni Kiray si Ric. Hahahaha. "AHEM." sabay kuha ng kamay ni Kiray. "EJ pare. Boyfriend ni Kiray" yan na nga ba sinasabi ko. Selos na. Hahaha. "Julia nga pala." sabi ni Julia habang nakasmile. Titig na titig kay Ric. "Julia! Matunaw! DIEGO nga pala tol." Isa pa tong selos. "Hi I'm Yen and this is my boyfriend." sabay tingin kay Neil. Baaa. Galing ah. Di umipekto ang charms ni Ric kay Ate Yen. Hahaha. "Hello! Ako nga pala si Neil." "Hello. Nice to meet all of you." sabi ni Ric. "Wala ka pa bang friends? Gusto mo bang sumama nalang sa barkada namin?" alok ni Neil. "Uhm. Okay lang ba sa inyo? Wala pa din akong kakilala dito e." tanong nya sa barkada. "Oo naman!! The more the merrier!" Sagot nila. "Hahaha. Wow. Thanks." sabi ni Ric. "So, sama ka samin bukas? Gala tayo sa mall? Wala namang pasok tomorrow e. In preparation for the February fair." sabi ni DIEGO. "Sure. Sige. Payag ako dyan" sabi ni Ric. "Okay. Uhm. 3pm bukas, magkita nalang tayo sa Mcdo. Okay ba guys?" tanong ni DIEGO "Sure!" sabi namin. "Si Ella nga pala.... sama ba natin?" sabi ni EJ. Lahat sila nakatingin sakin. "Ang barkada ay barkada kahit anong mangyari. Yun ang ultimate rule natin diba? Sama dapat sya. Ako nalang ang magtetext." Sabi ni Julia. "O sya sige na. Maggagabi na oh. Uwi na tayo." sabi ni Yen. Naghiwa hiwalay na kami. Pero pinasabay ko na si Ric sakin dahil pareho din naman kami ng dadaanan. May sakit daw kasi ang driver nila kaya hindi sya masusundo. "Ah. tol. Matanong ko lang. Anong meron kay Ella?" nakaramdam din pala to. "Wag na natin pagusapan pare." sabi ko. Masakit pa e. "Alam mo pare. Kailangan mo yan ilabas e." oo nga tama sya. "Kung sa bagay. Kaso ang sakit pa talaga e. Kanina lang kasi nangyari e. Bukas ko nalang kekwento. Ikaw nalang magkwento kay Kath" sabi ko sa kanya. "Wag na. Baka mainlove ka pa sa kanya. Hahaha. Joke lang. Bukas nalang din ako magkekwento. Alam mo tol. Para makalimot ka dyan sa heartbreak mong yan, isasama kita bukas." sabi nya sakin. "Possessive lang dre? Hahaha. O sige. San naman?" "Basta. Magkita nalang tayo ng mas maaga tapos tsaka tayo pumunta dun sa gala ng barkada. Mga 10am?" sabi nya sakin. "Okay sure. O ayan na pala ang subdivision nyo. Dito ka na?" Bawal kasi kami pumasok sa subdivision nila dahil wala kaming sticker. "Oo. Salamat pre. Bukas nalang Geh." at bumaba na sya sa sasakyan. Ilang minuto lang, nakarating na kami sa bahay. Sinalubong agad ako ni Mama. "Pat! How's the competition?" tanong ni mama. "Panalo kami." Tipid kong sagot. Yoko na magkwento. "Ahh. Parang malungkot ka yata ah? Hmm. Sige hindi na muna kita guguluhin. Sige na. Kain ka na and then tulog ka na rin." sabi sakin ni Mama. Kaya love ko yan e. Alam nya kung kelan sya dapat mangulit at kelan naman hindi. Pagkatapos kong kumain, humiga na ko. Hindi pa ko makatulog kaya chineck ko nalang yung messages. Meron akong 14 messages. 10 galing sa barkada. 3 galing sa mga classmates ko. Tapos, 1 galing kay Ella. From : Ella <3 Patrick. :( Sorry na. Susunod nalang ako sa gala ng barkada tomorrow. Pero sana pag nandun ako, papansinin mo ko ha? Sorry Patrick. :( Goodnight. ----End of Message---- Hay. Pano ba ko aaktong normal bukas e nadurog tong puso ko? Bahala na nga. Hindi nalang ako magrereply. Naggoodnight na rin naman e. Makatulog na nga. KINABUKASAN. Waa. Anong oras na. Ang taas na ng sikat ng araw! *check ng phone* 9:14 am. Yes. Maaga pa. Kasi naman tong si Ric, ang aga ng call time. Nag-ayos na ko at umalis na rin ng bahay. Pumunta ko dun sa meeting place namin ni Ric. At boom. Ayun na sya. "Pare. *apir* Ano bang gagawin natin?" tanong ko. "Wag ka na matanong. May pupuntahan tayo." sabi nya at sumakay na kami sa sasakyan nya. Ilang minuto lang andito na kami sa tindahan ng mga motor. "Hoy. Ano bang gagawin natin dito? Bibili ka ng motor?" pagtataka ko lang. "Hahaha. Pare. Bibili tayo ng motor." ah ok--- teka! Tayo???? Ako rin???? "Tayo? Ha? E hindi naman ako marunong nyan e." sabi ko sa kanya. Hindi naman talaga ako marunong e. "E di tuturuan kita. Believe me bro. Stress reliever pag nakasakay ka dyan." paliwanag nya sakin habang naglalakad kami papasok sa tindahan ng motor "E diba delikado to?" tanong ko. "Delikado kung dka mag-iingat. E mag-iingat ka naman e. Sus." sabi nya. Well, tama nga naman. "Pero teka. Wala akong dalang ganun kalaking pera. Malay ko ba namang bibili tayo ng motor! Kala ko naman dadalhin mo ko sa bar para makakilala ng chix! Naman kasi!" "Hahahaha. Sorry, hindi ako pumupunta sa ganung lugar. Loyal to tol! Hahaha" "Oo na. Hahaha" yan nalang ang nasagot ko. Nagtitingin tingin lang kami ng motor ng may lumapit saming lalaki. "Hello Sir Ric! Nakapili na po ba kayo?" tanong nung lalaki kay Ric. "Hello John. Eto nalang dalawang to. *sabay turo dun sa dalawang astig na motor* Ito yung pinakabago nyong model diba? I'll take these two." "Yes sir. Ilalagay po ba namin sa pangalan nyo?" "Yup." "Okay, sir. Itatry nyo na po ba ngayon din?" "Yes we will." "Okay po. Mauna nalang po kayo dun sa practice area. Ipapadala ko nalang po ang mga motor nyo" "Thanks" At umalis na kami at pumunta sa likod ng store na to. Wow. Open space. Ang laki lang. "Oysst. Kayo ba may ari nito?" Tanong ko sa kanya. "Hahaha. Oo. Libre ko na yung motor mo." Yaman talaga. "Yown naman. Sige tol." Dumating na yung mga motor namin. Mga tatlong oras din kaming nandito. At sa tatlong oras na yun, tinuruan lang ako ni Ric magmotor. Dahil magaling ako, natuto ako agad. Pssh. Chicken. "Galing ah! Bilis matuto!" Sabi ni Ric "Hahaha. Ako pa." yabang ko lang. Haha. "Gutom na ko pre. Tara na sa mall. 1:30 na pala oh." sabi ni Ric "1:30 na?! E kaya pala nagwawala na tong mga alaga ko sa tyan e. Tara na nga!" At pumunta na kami ng mall. Dun pa rin kami sumakay sa sasakyan nya. Ipapadeliver nalang daw nya yung motor sa bahay namin. Finally after 10 years, nakarating na kami sa mall. Grabe gutom na talaga ako. Pumasok kami sa Mcdo at dun kami kumain. Yun na kasi ang pinakaunang nakita naming kainan. Sorry, gutom lang talaga. Hahaha. At tsaka dito rin magmemeet ang barkada e. Pagkatapos naming kumain. Naalala ko si Kath, yung kay Ric ha. Hindi yung first love ko. "Uhh. Pare. Matanong ko lang. Sino ba talaga si Kath?" ayan na. Tinanong ko na sya. "Si Kath? Sya ang unang babaeng minahal ko. Bata palang kami nung una kaming nagkita. Sa states ko sya nakilala. Tanda ko pa nun, naglalakad-lakad lang ako nang may makita akong babaeng nakaupo at nakatulala dun sa may fish pond sa lugar namin. Nilapitan ko sya at tinawag. Unang kita ko palang sa mukha nya parang tumigil na ang mundo ko. Ang amo ng mukha nya. Ang ganda ganda. Nalove at first sight ako sa kanya. Simula nun lagi na akong nakikipaglaro sa kanya. Hanggang sa nagdalaga at nagbinata na kami at kinailangan na nilang pumunta dito sa Pilipinas. Bago sya umalis, inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko, at nagulat akong yun din pala ang nararamdaman nya. Ang sarap lang na mahal ka din ng taong mahal mo." kwento nya sakin. Hay. Kelan ko kaya mararamdaman yun? Yung mahal din ako ng mahal ko? Hayyy. "Alam mo, ganyan din ako sa first love ko e. Bata pa rin kami nun. Unang kita ko palang din sa kanya hindi ko na maalis ang mukha nya sa isipan ko. Ang ganda ganda din nya. Actually, Kath din pangalan nya. Pero dito naman kami nagkakilala sa Pilipinas. Hahaha." kwento ko kay Ric. "O? E lahat naman yata ng Kath maganda! Hahahaha. E nasan na yung Kath mo? Bakit wala sya sa barkada kahapon?" "Patay na sya. Namatay sya dahil sa isang aksidente nung mga bata pa kami. Savior ko nga sya e. Kung di dahil sa kanya baka patay na rin ako ngayon." eto na naman, binabalikan ko na naman ang nakaraan. "Ay. Sorry pare." sabi ni Ric "Okay lang. Matagal na naman yun e." "Hayy. Ang sarap mainlove. Hahaha." "Hindi rin... Sakit e." Ako na bitter. Hahaha. "Ay oo nga pala. Sino si Ella?" tanong ni Ric. Ayan nabuksan pa tuloy ang topic. "Si Ella, yun yung babaeng mahal ko. These past few days, naging close talaga kami. Kaya naman umamin na ko sa kanya na mahal ko sya. Sa harap pa talaga yun ng buong campus ha. Nung ginawa ko yun, niyakap lang nya ako. Ako naman, tuwang tuwa kasi feeling ko may chance. Pero nung nagkasarili na kami, sinabi nya sakin na mahalaga ako sa kanya, pero may iba syang mahal. Lintik na mahalaga yan." okay, sorry sa mura. dko lang talaga mapigilan. "Wow. Sakit nun tol. Yun paparamdam sayong may chance pero wala naman. Ayos lang yan tol. Makakahanap ka rin ng iba. Ano, tara sa bar mamaya hahaha?" loko din to e. Hahaha. "Hahaha. Tsaka na." at ayun kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Mamaya-maya dumating na ang barkada. Kumain rin muna sila tapos nakwento ko na inilibre ako ni Ric ng motor. E dahil mga inggitero tong mga to, ayun niyaya si Ric na ilibre sila. Hahahaha. Umoo naman tong si Ric. Ako, humiwalay muna ako. Magpapakaemo lang. Haha. Magkita nalang daw kami mamaya sa may Timezone. Naglalakad lang ako dito sa mall. Nagulat nalang ako ng biglang may tumawag sakin. "Patrick!" Napalingon nalang ako sa may tumawag sakin. Si Ella pala. "Kumusta ka na?" tanong nya sakin. Pero bago pa ako makasagot, may biglang nagsalita sa likod ko. "Ella!!!!!!!!" Si Ric sabay yakap kay Ella. Yumakap naman pabalik si Ella at parang gulat na gulat. "Magkakilala kayo?????" Barkada. Bumitaw na silang dalawa sa yakap.. "Oo! Sobra. Magkababata kasi kami e. Teka, magkakakilala din kayo?" Sagot ni Ric habang nakangiti ng abot langit. "Oo! Sya yung sinasabi namin kahapon na part ng barkada no matter what." sagot ni EJ. "Ah ganun ba, ibig sabihin..." Sabi ni Ric at napatingin sakin. Gulat na gulat nga yung expression ng muka nya e. Anong problema nito? "Teka nga Quen! Pano mo ba sila nakilala?" tanong ni Ella. Quen? "Quen? Sinong Quen? Si Ric? Bakit Quen?" Tanong ni Julia. "Dami mo namang tanong bes! Haha. Enrique totoong pangalan nyan. Ric yung madalas na tawag sa kanya ng friends namin sa states, pero Quen yung tawag sa kanya nung mga kaclose nya." sabi ni Ella. "Ahhh. E BAKIT RIC ANG PINATAWAG MO SAMIN SAYO. KALA KO BA BARKADA TAYO HA!" sabi ni Kiray. OA din to noh ? Hahaha. "Hahaha. Chill Kiray! Kakakilala lang naman natin kahapon e. Dko naman akalaing magiging close kayo sakin agad. O sige, you guys can call me Quen from now on." sabi ni Ri-- I mean, Quen. "D naman kaya lumabas tayong feeling close neto? Hahaha" Sabi ni Neil. "Hindi yan, diba nga sabi, "Strangers can be best friends just as easy as best friends can be strangers" O, ansabe ng quotable quote ko. Hahahaha." Sabi ni Ate Yen. "Hahaha. O sya, tara na sa Timezone!" sigaw ni Kiray. Naglalakad na kami nung lumapit sakin si Ric. "Pare..." sabi nya sakin. "Ano yun tol? Magkakilala pala kayo ni Ella ah." sabi ko. Makapagpalakad nga. Magkababata pala sila e. "Pare, sorry. Si Kath at El----" "Hoy bilisan nyo nga! Bagal bagal!" Sigaw ni Neil at sabay hila samin. Kahit kelan talaga tong si Neil, panggulo. Hindi natatapos yung mga sinasabi sakin dahil lagi nalang sya sumisingit. Haha.
Ayun, naglaro lang kami ng naglaro. Pagkalaan ng ilang oras, nag-uwian na rin kami. Pagdating ko sa bahay, nagcheck ako ng Facebook ko, at maraming friend requests. Puro mga fangirls ko. Hahaha. Joke. Isa lang kilala ko dito e. Si Quen. Kaya yun, sya lang inaccept ko. Chineck ko naman twitter ko, ayun, may bagong follower. Si Quen din. Finollow ko na din sya.
Bumalik ako sa fb at pagtingin ko sa wall nya nakita ko yung status nya. Enrique Gi
l
I missed you so much Ella Katherina Dimalanta! <3 Like - Comment- 25 minutes ago
Ella Katherina Dimalanta and 10 others like this. Erine Pierce Nice to know you're together again. We miss you already! 20 minutes ago - Like
Angelo Swift Lovebirds! Hahaha. Go back here in States this instant! 17 minutes ago - Like Sarah Michaels You guys are so sweet! Miss you both already! Hey Ric! Say hi to Kath for us. Love you both Kath and Ric! 15 minutes ago - Like
Ella Katherina Dimalanta Guyss! Miss you so much! You know I can't come back. Visit us here, okay? Love you all. 5 minutes ago - Like
Teka. Wait. You guys are so sweet! Miss you both already! Hey Ric! Say hi to Kath for us. Love you both Kath and Ric! Kausap nitong nagpost nito si Quen at si Kath. E si Ella naman yung nakatag, bakit hin---- This can't be.
------FLASHBACK---- ( Chapter 3 )
"Ella. May tanong ako." seryoso ang mukha ko. "Ha? Ano yun?" sagot nya na parang kinabahan. "Kasi, nung nagkabungguan tayo, tinawag kitang Kath. Sabi mo, oo, Kath ang pangalan mo. Pero bakit Ella ang pakilala mo? Ano ba talagang pangalan mo?" tanong ko. "Hahahaha. Kala ko naman kung ano na. Uhh. Katherina ang middle name ko. Ella K. Dimalanta. Ella Katherina Dimalanta. Noong bata ako, akala nila Kath ang name ko. Kaya madalas nila akong tinatawag na Kath. Nung una, cinocorrect ko pa sila e. Pero habang nagtatagal, nakakatamad na. Hahaha. Kaya pinabayaan ko na. Yung mga kakilala ko sa States, Kath ang tawag sakin. Pero Ella naman talaga ang name ko. Nagtataka nga ako kung bakit Kath ang tinawag mo sakin e. Pero Ella nalang. Haha." paliwanag nya. ----- END OF FLASHBACK ------
Kath nga pala ang tawag kay Ella ng mga friends niya States. Magkababata sila ni Quen, kaya ibig sabihin Kath din ang tawag nya sa kanya. Kung Kath ang tawag ni Quen kay Ella, ibig sabihin... Si Ella at si Kath na first love nya at pinuntahan nya dito ay iisa???? Kaya ba nagsosorry si Quen sakin kanina? Kasi sya yung mahal ni Ella? Nakatitig lang ako sa kawalan ng bigla akong may nakita sa timeline ko sa Twitter.
Enrique Gil @itsmeQuen Goodnight, my princess @DimalantaElla Ella Dimalanta @DimalantaElla First love never dies. :) Goodnight @itsmeQuen! In reply to @itsmeQuen First love never dies First love never dies First love never dies First love never dies So it's confirmed. Si Quen ang first love ni Ella. Ang inakala kong kaibigan ko ay ang taong halos isumpa ko na dahil sya ang nagmamay-ari ng puso ni Ella. Pano na ko nito? May pag-asa pa ba ako?
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.