PATRICK'S POV
Sa wakas nakarating na rin ako dito sa abandonadong warehouse na malapit sa may school. Pesteng mga kriminal yun. Sana lang wala silang ginawang masama kay Ella. Kung hindi, patawarin ako ng Diyos pero baka makapatay ako. Nung malapit na ko sa may pintuan, bigla itong bumukas at lumabas ang dalawang malalaking lalake. "Ikaw ba si Patrick Rivero?" tanong nung mas matangkad. "Oo. Ako nga. Nasan si Ella?" sabi ko. "Sumama ka samin at makikita mo." sabi nung mas maliit. "Teka lang. Sigurado ka bang wala kang kasama?" tanong ni tangkad. "Sigurado. Kahit icheck nyo pa ang buong vicinity." sagot ko. "Siguraduhin mo lang. Kung nagsisinungaling ka, alam mo kung ano ang kapalit." sabi nung mas maliit. "Ang kulit. SINABI KO NANG WALA DIBA! PWEDE BA, DALHIN NYO NALANG AKO KAY ELLA!" pagkasabi ko nyan, nagtinginan yung dalawang lalake sa isa't-isa. Hinawakan ako ng mahigpit nung mas maliit. Sinubukan kong magpipiglas, pero hindi ako makawala. Mamaya-maya lamang ay nakatanggap ako ng malalakas na suntok mula dun kay tangkad. Ang bigat sa pakiramdam. Gustong-gusto kong gumanti at makawala pero ang lakas ng pwersang nakahawak sakin. Nararamdaman kong unti-unti na kong tinatraydor ng katawan ko. Dahan dahan na itong bumibigay. Hinang-hina na ako. "E-Ella . . . ." I said, then everything went black. --------
MIN'S POV
"Manuel. Ang sama talaga ng kutob ko. Tawagan mo na nga si Ella!" utos ko sa asawa ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa umuuwi si Ella. Alas-otso na ng gabi. "Wala e. Cannot be reached. Kanina pa nakapatay ang phone nya." sabi ni Manuel. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako e. "May alam ka ba kung san sya huling pumunta?" tanong ko. "Wala akong alam e. Pero baka naman magkasama sila ni Patrick! Teka, tatawagan ko lang." Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sakin kung bakit nasabi ni Patrick yung sinabi nya kanina. Poprotektahan daw nya si Ella? Para saan? At tsaka bakit kakaiba ang mukha nya kanina? Parang namumutla na kinakabahan na natatakot? May nangyari bang masama kay Ella?! Naku. Wag naman po sana. "Min! Hindi pa rin daw umuuwi si Patrick sa kanila. Nag-aalala na rin daw ang mga magulang niya. Patay din daw kasi ang phone ni Patrick." Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig yun. Alam kong may kahulugan ang sinabi ni Patrick na poprotektahan niya si Ella. "Manuel, magbihis ka. Pupunta tayo ngayon sa mga Rivero." Pagkasabi ko nyan, umakyat na sa taas si Manuel at nagbihis. Ako naman, hinanda ko na ang kotse. Pagkasakay ni Manuel, agad agad ko itong pinaandar. Ilang minuto lang at nakarating na kami kayna Patrick. Pinatuloy kami ng kasambahay nila sa loob at halata ang pagkagulat sa mukha nina Karla. "MIN?!" Karla. "Magkakilala kayo?" Manuel / Rommel "Ah. Oo. Si Min ang mommy ni Kath. Yung kababata ni Patrick na inakala nating namatay noon tapos bigla nalang sumulpot nung birthday ni Patrick." sabi ni Karla. "Ahhh... Anong maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong ni Rommel "Teka. Teka. Anong namatay noon? At biglang sumulpot? Sa pagkakaalam ko, imbitado talaga ni Patrick si Ella e." sabi nitong asawa ko. Marami pa rin pala tong hindi alam sa mga pangyayari. "Teka nga, Ella? Diba si Kath ang anak nyo?" tanong ni Karla. "Si Ella at Kath ay iisa." sagot ko. Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko. "Maupo muna tayo! Tara dun sa sala." sabi ni Rommel sabay upo. Umupo na rin kaming lahat. "Panong si Kath at Ella ay iisa? Kitang-kita ng mata namin. Magkaibang tao sila. Actually, magkamukha sila e. Akala namin kambal sila. Bigla nalang kasing sumulpot itong si Kath noong birthday party ni Patrick tapos sinasabi nya na sya yung kababata ni Patrick noon." Kwento ni Karla. Pano naman nangyari yun? E si Ella lang naman yung nag-iisang kababata ni Patrick? Maliban nalang kung may nanggaya ng mukha at pagkatao ng anak ko. "Imposible... Si Ella ay si Kath na kababata ni Patrick. Wala nang iba." sabi ko. "Sandali. Naguguluhan ako. Anong kababata? Magkakilala na si Ella at Patrick dati pa?" tanong ni Manuel. "Noong panahong wala ka sa tabi namin.. Nagkaron ng kaibigan tong si Ella. Naging close talaga silang dalawa. Halos hindi na sila mapaghiwalay, hanggang sa dumating nga yung insidenteng yun. Yung muntik na mamatay si Ella. Hindi ko na nakwento sayo yung ibang detalye noon dahil ayoko nang balikan pa ang nakaraan. Gusto ko tulad ni Ella ay makalimot na rin ako sa mga pangyayari. At mas madali kay Ella na ipagpatuloy ang buhay nya kung hindi nya maaalala ang masasakit na nangyari sa kanya. Yung kaibigan nyang yun ay si Patrick." kwento ko. Gulat na gulat ang asawa ko nung marinig nya yun. "Kaya pala iba ang nararamdaman ko kay Patrick. Pakiramdam ko, may koneksyon na sila ni Ella matagal na. Akala ko nagiging corny lang ako, pero totoo pala. Matagal na silang magkakilala. Pero kung si Ella at ang kababata ni Patrick ay iisa, sino yung sinasabi nyong Kath?" tanong ni Manuel kayna Karla "Yun nga ang hindi namin alam e. Ano sya impostorang desperada kay Patrick at pati nakaraan ng mga anak natin alam nya? Pero teka, bakit Ella ang pangalan ni Ella? I mean, Kath sya dati diba?" tanong ni Karla. "Ganto kasi yun..." At ikinwento ko sa kanila ang ikinwento ko kay Patrick. ( Chapter 25 ) "Aaahhh. Kaya pala!! Ibig sabihin, may impostora nga talaga?" sabi ni Karla. "Pero bakit naman sya magpapanggap? Anong mapapala nya?" tanong ni Rommel. "Hindi ko rin alam e. Basta ang alam ko lang, masama ang kutob ko..." sabi ko. "Ha? Bakit nam---" naputol ang pagsasalita ni Karla dahil may biglang tumawag sa telepono nila. "Hello?........ Yes, Rivero nga po ito....... A-ANO?! BAKIT? ANONG KAILANGAN NYO SA KANYA?!............PAKAWALAN NYO ANG ANAK KO!!!!!!..............H-HA?! ANO?! MGA WALANGHIYA KAYO! MGA DEMONYO! PAKAWALAN NYO SILA!!!!! HELLO?! HELLO!!!" Kulang nalang ay ibato no Karla ang telepono sa galit. "Sinong tumawag?" tanong ni Rommel. Biglang napatingin sakin si Karla. Teary eyed. "Mga kidnappers. Nasa kanila daw si Patrick.......................... at Ella." Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ni Ella. Bakit nadamay na naman dito si Ella?! Wala syang kasalanan dito! "ANO?! AKIN NA ANG TELEPONO! TATAWAG NA KO SA MGA PULIS!" Rommel, sabay kuha ng telepono at lumayo muna samin para makipag-usap sa mga otoridad. "Nasan daw sila?" Malamig kong tanong kay Karla. "Wala silang sinabi. Pinaalam lang nilang nasa kanila ang dalawang bata. Pagkatapos nun, binaba na ang telepono." Karla. Hindi ko na kinaya kaya nagbreakdown na ko. "Sssshh. Min... magiging okay din ang lahat" sabi ni Manuel "Hindi, Manuel. Hangga't konektado tayo sa mga Rivero, hindi mawawalan ng panganib sa buhay natin! Alam mo bang si Patrick ang dahilan kung bakit muntik nang mamatay si Kath noon? Hindi ako galit. Wala akong sinisisi, pero bilang isang ina gusto kong malayo sa kapahamakan ang anak natin. Sa oras na maibalik satin si Ella, ilalayo ko na sya dito!" sabi ko habang umiiyak. "Min! Wag kang magsalita ng ganyan! Baka nabibigla ka lang. Hindi ginusto ng mga Rivero to lalo na ni Patrick. Wag mong pahirapan ang anak natin. Masasaktan mo lang sya kung ilalayo mo sya sa kanila." paliwanag ni Manuel. "Pero Manuel... Lagi nalang napapahamak ang anak natin dahil sa kanila..." ako. "Wag mo silang sisihin. Hindi lang sila ang may kasalanan dito." napatingin kami dun sa nagsalita. "VANGIE?!" sigaw ni Karla, Rommel at ng asawa ko. "Magkakilala kayo?" tanong ko. "Business partner namin sila before. Pero nagkaron ng konting di pagkakaintindihan kaya naman naghiwalay na kami ng landas." sagot ni Rommel. "E ikaw? Bakit mo sya kilala?" tanong ko sa asawa kong kanina pa nakatitig kay Vangie. "M-min..." Bakit naman to nauutal? "Ako ang kabit ng asawa mo noon." Vangie. Lahat kami natigilan sa sinabi nya. "I-ikaw?" tanong ko. "Oo. Pero wag kang mag-alala. Wala nang namamagitan samin ngayon. Pero gusto ko pa ring humingi ng tawad dahil kung hindi dahil sa affair namin dati, siguro hindi mapapahamak ngayon ang anak nyo." sabi ni Vangie ng nakatungo. "What do you mean?!" sabi ko. "My husband is trying to hit two birds in one stone. Bukod sa gusto nyang mapabagsak ang mga Rivero, gusto rin nyang maghiganti sa lalaking naging kabit ko dati. Laking tuwa nalang nya nung nalaman nyang konektado pala ang buhay ng anak ng kabit ko at anak ng mortal nyang kaaway." mas lalo kaming natigilan sa sinabi ni Vangie. "M-mapabagsak? Kami?" sabi ni Karla. "Yes, Karla. And I think panahon na rin para malaman nyo ang katotohanan. Kami ang responsable for the fire which almost killed your son 8 years ago... My husband wants to get rid of you para samin nalang mapunta ang lahat." Pagkasabi nya nun. Bigla siyang sinugod ni Karla at sinabunutan. Pinigilan naman siya ni Rommel at ng isang teenager na lalaking kasama ni Vangie. "MGA SINUNGALING! WALANG HIYA! WALANG UTANG NA LOOB! WALA KAYONG KWENTANG KAIBIGAN!" "Tita, please stop. Wala pong kasalanan dito si Mommy." "WAG KANG MAKIALAM DITO QUEN!" Teka, Quen? "Quen?" sabi ko, at lahat sila napatingin sakin. "Ikaw ba ang kaibigan ni Ella sa States? Yung madalas nya kalaro?" tanong ko. "Yes tita. It's me." "Ang liit nga naman ng mundo. . . . . ." napabuntong- hininga nalang ako. "Wag nyo po sana kaming pag-isipan ng masama ni mommy. Andito kami to help. I know my father's plan and I assure you, malaki ang maitutulong ko to save Ella and Patrick." napatingin kaming lahat kay Quen. "So, what's your plan?" sabay sabay naming tanong. -------------------------

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.