2.1 I Still Remember Part 2

10 1 0
                                    


CONTINUATION OF FLASHBACK. 


PATRICK'S POV 

Ang saya-saya ko ngayon. Kasi magkaibigan na kami. Wala akong pakialam kung sya lang ang kaibigan ko dito sa subdivision namin, ang mahalaga... "Magkaibigan na kami!!!!!!!!" oops, napalakas yata ang sabi ko nyan. Hahaha. "Patrick! Anong sinisigaw-sigaw mo dyang bata ka ha? Sinong kaibigan mo na?" tanong sakin ni Yaya. "Yaya! Yung batang maganda na kasubdivision natin! Kaibigan ko na! Yayaaaaaaaaaaaa. Ang saya ko!" sabi ko, sabay takbo at yakap kay Yaya. "Naku talaga tong batang to oh. Crush mo yun noh!" tanong sakin ni Yaya. Pakiramdam ko, nag-init ang mukha ko. Huh? Bakit? Wala namang araw? Bakit naiinitan ako? "Awwwwwwww. Ang alaga ko, binata na. Nagkakacrush na. Namumula na nga oh. Yieeee. Gusto mo, ipagbake natin sya ng cake, tapos ibigay mo sa kanya bukas?" sabi sakin ni yaya. "Ano ba yung crush yaya? Tsaka bakit natin sya ipagbebake ng cake? Birthday ba nya?" tanong ko. "Pat, yung crush, yun yung nagagandahan ka sa isang tao. Hinahangaan mo sya. Ganun. At kaya mo sya ipagbebake ng cake kasi gusto mong iparamdam sa kanya na gusto mo syang maging matalik na kaibigan." pag-explain naman sakin ni yaya. "Ah. Ganun ba, yaya? O sya sige. Tara na. Turuan mo na ko magbake para mas maging close na kami ni Kath!" excited ko sabi at sabay takbo sa kusina. Buti nalang talaga nandito si Yaya. Lagi rin kasing wala sina mom and dad dahil sa trabaho. Si yaya nalang madalas ang nakakausap ko. Nagbake na kami ni yaya ng cake. Ang hirap pala. Ang hirap pigilan yung sarili mong kainin yung mga ingredients. Puro chocolate e. Bat ba? Favorite ko yun. Lagi tuloy akong napapalo ni yaya. Huhuhu. At pagkatapos ng ilang milyong pagtitiis. Haha. Natapos na kami magbake. Sabi ni yaya. Matulog na daw muna ako. Irerefrigerate muna daw nya yung cake para pag dala ko bukas kay Kath, malamig at masarap. Dahil napagod ako.... sa pagtitiis. De joke. Napagod ako magbake, nakatulog ako agad. Mamaya-maya. "Patrick, gising na." "Yoko. Umalis ka dyan." sabay taklob ng unan "Patrick, alaga. Gising na. Malamig na yung cake." "Edi kainin mo." sabay taklob ng kumot. "O? Edi wala ka nang bibigay kay Kath? Okay. Sabi mo e. Kainin ko na ha" Wait. Loading. . . . "Yaya! Wag! Kay Kath yan! Wag mong kakainin!" bigla naman akong napabangon at muntik nang mahulog sa kama ko sa pagpapanic. "Hahaha. Ang alaga ko talaga. Sya, maligo ka na. Pupuntahan natin si Kath pagkatapos mo." sabi sakin ni yaya. Agad ko namang sinunod ang utos nya. Syempre excited akong makita si Kath e. Ilang minuto lang, tapos na ko maligo at magbihis. Nagpabango pa nga ako gamit yung pabango ni dad e. "Naku naman! Ang alaga ko! Pumoporma na! Huhuhu. May binata na kami" pagdadrama ni yaya. "Yaya, drama mo. Halika na nga." hila ko kay yaya papunta sa labas. Kapitbahay lang pala namin si Kath. Eto na, andito na kami sa harap ng bahay nila. -ding dong- Mamaya-maya, may nagbukas ng gate. Kamukha ni Kath, pero syempre mas matanda sa kanya. Mommy nya siguro to. "Hello little boy. Anong kailangan mo?" bati nya sakin. Ang bait naman nya. "Uhm. Hello po. Ako po si Patrick. Bibisitahin ko lang po sana si Kath." "Ah! Ikaw pala si Patrick! Nakwento ka nya sakin kahapon. Halika, tuloy ka." Iniwan na ko ni yaya nung papasok na ko sa gate. Sabi nya, kaya ko na daw to, binata na ko. Ano ba yan. Ang gulo talaga ni yaya kahit kelan. Habang papasok ako sa bahay nila Kath, inakbayan ako ng mommy nya. "Patrick, Tita Min nalang ang tawag mo sakin ha? Ako nga pala ang mommy ni Kath." Ang bait talaga nya. Sana sya nalang mommy ko. Kaso, may mommy na ko e. Pakasalan ko nalang kaya si Kath para maging mommy ko na rin ang mommy nya? Huh? Ano ba yan! Ano ba tong iniisip ko. Hahaha. "Okay po, Tita." "Upo ka muna dyan, tawagin ko lang si Kath" Mamaya-maya, may narinig akong bumababa ng hagdan. Si Kath siguro to. "Patttttttttttrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiickkkkkkkkkk!" sigaw nya habang tumatakbo papunta sakin. Ang ikinagulat ko lang. . . Niyakap nya ako. dubdubdubdub. Ang puso ko. Huhuhu. Yayaaaaaaaa. Mamamatay na ba ako? "Patrick! Bakit ka nandito?" sabi nya, sabay kalas sa pagkakayakap nya sakin. "Uhh, wala lang. Gusto ko lang ibigay sayo to." At iniabot ko yung cake. "Wooowww. Cake! Ikaw nagbake? Wowwwwwwww. Mommyyyy! May cake tayo oh. Binake ni Pat for me!" pagmamalaki nya sa mommy nya. "Wow naman Patrick! Ang sweet mo naman. Ipakasal ko na kaya kayo ng anak ko? Hahaha. Joke lang." To namang si Tita oh. Nagjoke pa. Pero, pwede. Hahaha. "Mommy! Kakahiya. Alis muna kami ha. Laro lang kami dyan sa park" paalam ni Kath sa mommy nya. "Okay, wag kayong papadilim ha. Patrick ikaw na bahala kay Kath. Lampa yan e. Hahahaha. Joke lang baby. Sige na. Balik kayo mamaya, kainin natin tong cake ni Patrick." sabi ng mommy ni Kath. Umalis na kami ni Kath, at nagpunta dun sa park ng subdivision namin. Buong maghapon kaming naglaro. Nagkwentuhan. Naghabulan. Andami kong nalaman tungkol sa kanya. At sya rin tungkol sa akin. "Kaya pala hindi kita nakikita dito madalas e. Alam mo, madalas akong mag-isa dito. Wala kasing gustong makipaglaro sakin e. Ewan ko kung bakit." kwento ni Kath sakin. "Siguro, inggit sila sayo." sabi ko sa kanya. "Huh? Bakit naman sila maiinggit? Sabihin man nating mayaman kami, pero diba lahat naman tayo mayayaman dito? Ako na nga ang lumalapit, pero ayaw pa rin nila akong kausapin. Pinagtatabuyan pa nga nila ako e." malungkot na sinabi ni Kath. "Naiinggit sila sayo, kasi kahit na mayaman ka, mabait ka. Hindi katulad nila na wala nalang ibang inisip kundi pera nila. Gusto nila sila lagi yung bida. They see you as a threat Kath, kasi kakaiba ka. At tsaka..." "At tsaka ano?" "At tsaka..." tiningnan ko sya sa mata. "Ang ganda ganda mo, Kath." Pagkatapos kong sabihin nya, nakita ko syang namula. At umiwas ng tingin sakin. "Hahaha. Bolero ka Patrick! Halika na nga. Uwi na tayo." yaya nya sakin at naglakad na palayo. Tumayo naman ako, at sumunod sa kanya. Akala ko mauuna na sya sakin, pero bigla syang bumalik at tinitigan ako. "Patrick, hold my hand."nagulat ako sa sinabi nya. "Huh? bakit?" buong pagtataka ko. "Simula ngayon, bestfriend na kita. Kung magkaron ulit ng threat ang pamilya mo. Hindi mo na mararamdamang nag-iisa ka. Oo, alam kong marami kang body guards, pero alam ko rin na pakiramdam mo, wala ka pa ring kasama. Kaya eto ako oh. Sasamahan kita. Pakiramdam ko rin noon, mag-isa lang ako. Pero dumating ka, kaya ngayon, ikaw naman ang sasamahan ko." paliwanag ni Kath. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi natulala nalang ako sa mga pinagsasabi nya. "Again, Patrick. Hold my hand." at inoffer naman nya ang kamay nya sakin. Hindi na ko nagdalawang isip na hawakan ito. "No matter what happens, walang bibitaw sating dalawa, okay?" "I won't let go, Kath. I won't" finally, nagawa ko nang makapagsalita. Nagsmile lang sya sakin at naglakad na kami pabalik. Ang saya ng araw na to. Sana ganto nalang lagi. Pero kahit may dumating na namang problema sa buhay ko, ngayon alam kong, hindi na ko nag-iisa. Kasi ngayon, kasama ko na si Kath.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now