PATRICK'S POV
Hanggang ngayon, lutang pa rin ang isip ko. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Kailangan kong makausap si Kath. Palakad na ko papuntang classroom nang may makita akong babae sa may pinto ng room ko. Tuwid at itim ang buhok nya. Morena. Tama lang ang height. Payat, pero hindi buto-buto. Nakatalikod sya, pero alam na alam ko kung sino ang babaeng to. Ilang taon man kaming hindi nagkita. Inakala ko mang patay na sya. Wala man akong litrato nya. Pero alang-alala ko pa sya. Alalang-alala pa sya ng puso at isipan ko. Si Kath. Ang unang babaeng minahal ko. Ang babaeng nagligtas sa buhay ko. Pagkakataon nga naman oh. Magkaklase pa kami. YES LORD. WOOO. THANK YOU. Lumapit ako sa may pintuan, at nalaman kong late pala sya kaya hindi sya papasukin ni Ms. Favorite student naman ako ni Ms. Kaya konting killer smile lang, taob na sya. Hahaha. Yabang lang. "It's my fault Ma'am, don't punish her"sabi ko kay Ms. Napatingin sakin lahat ng mga kaklase ko. Pati na rin si Kath. Nagkatitigan kami, nang biglang magsalita si Ma'am. "Mr. Rivero. How come?"tanong sakin ni Ms. "Ma'am, nabangga ko po sya kanina. Kaya po natagalan po sya bago makapunta dito. Sorry po Ma'am."Paliwanag ko kay Ma'am. "Alright fine. You two may come in. And you Ms ----"tanong ni Ma'am kay Kath. "Ella po." Sagot ni Kath. Ella? Bakit Ella? Ang alam ko, Kath ang pangalan nya. Teka... Ella? Yung nasa panaginip ko? Pero pssh. Tsaka ko na poproblemahin yung panaginip kong yun. "Okay. Ms. Ella, stay here in front and introduce yourself. You Mr. Rivero, you may take your seat." sabi ni Ms. Umupo na ako, at nagpakilala na si Kat-- Ay Ella pala. Hindi. Kath. Mali, Ella. Ayssh! Ella na nga lang, sabi nya e. "Hello classmates. I'm Ella K. Dimalanta. I hope we can be good friends *Smile* " Ugh. Smile na naman. Kung pwede lang makapatay ang smile, patay na ko. Pero namiss ko yung smile na yun. "Okay class. I expect that you will help Ella to cope with our curriculum here. She's fresh from US, so she's just in her adjustment period. I give all my trust to you, okay? Ms. Ella, you may take your seat beside... ....Mr Rivero" PAG SINESWERTE KA NGA NAMAN OH. I love you Lord talaga. Papunta na si Ella dito sa tabi ko. Pero bago sya umupo, nginitian nya muna ako. Nginitian ko rin sya syempre. Gustong-gusto ko na talaga kausapin si Ella. Kaso ang bagal talaga ng oras. blah blah blah blah blah Riiiiiiiiiinngggg... Yesssss. Time na! Woooo. Kakausapin ko na si Kath. Ah este, Ella pala. This is it. Inhale. Exhale. Nakaupo lang si Ella sa upuan nya, nag-aayos ng gamit. "Ella, Hello." ako. "Hi. *smile" Eto na naman po. Ang pamatay na ngiti. "Uhh. Ella. Kasi ano eeh. Pano ba to. Uhhh...... Hindi pa kasi tayo naglulunch e. Baka. Uhhh....." Sht Patrick! Ba't ka nagkakaganyan! Man up dude! "Baka? Gusto ko magmerienda? Hahaha. Nakakatuwa ka naman. Kala ko maangas ka e. Shy type ka pala? Hahaha." tawa lang sya ng tawa. Ang sarap pakinggan ng boses nya. "Ahh. Haha. Ahh. So, okay lang?" tanong ko. "Oo naman. Wala pa naman akong kakilala dito e. Pero ano nga ulit pangalan mo?" Ouch. Hindi mo ko kilala? Huhuhu. OA ko lang. Pero tsaka ko na poproblemahin yun. Ang mahalaga, makausap ko si Ella. "Patrick. *killer smile* So, tara na? May alam akong masarap na kainan" At ayun. Magkasama na kami ni Ella. Yessss. Pumunta na kami sa favorite restaurant ko. Pinaupo ko muna si Ella habang nag-oorder ako. Nung tapos na ko mag-order, umupo na ako sa harap nya. "Ella. May tanong ako." seryoso ang mukha ko. "Ha? Ano yun?" sagot nya na parang kinabahan. "Kasi, nung nagkabungguan tayo, tinawag kitang Kath. Sabi mo, oo, Kath ang pangalan mo. Pero bakit Ella ang pakilala mo? Ano ba talagang pangalan mo?" tanong ko. "Hahahaha. Kala ko naman kung ano na. Uhh. Kath ang middle name ko. Ella K. Dimalanta. Ella Katherina Dimalanta. Noong bata ako, akala nila Kath ang name ko. Kaya madalas nila akong tinatawag na Kath. Nung una, cinocorrect ko pa sila e. Pero habang nagtatagal, nakakatamad na. Hahaha. Kaya pinabayaan ko na. Yung mga kakilala ko sa States, Kath ang tawag sakin. Pero Ella naman talaga ang name ko. Nagtataka nga ako kung bakit Kath ang tinawag mo sakin e. Pero Ella nalang. Haha." paliwanag nya. Bakit ganun? Wala naman akong natatandaang ganun ang pangalan ni Kath. Kath Bernardo ang pangalan nya e. Walang Ella. Hay. Sya ba talaga tong bestfriend ko? Only one way to find out. Ask more questions. "Uh, Ella. Pwede pa ba ako magtanong ng tungkol sayo?" sabi ko sa kanya. "Sure. Pero hindi ko masasagot lahat ah?" "Okay. So, gwapo ba ako?" "Ahhhhh... Ha-ha. Ehhhhhh....." "Hahaha. O bakit parang naputulan ka yata ng dila dyan? Haha De joke lang. Seryoso na. Ella, gaano kayo katagal nanirahan sa US?" tanong ko. "Uhm. Dun na talaga kami nakatira ever since. We just visit our relatives here from time to time kaya nakakapunta ako dito sa Philippines. Minsan matagal, minsan mabilis." Kwento nya. "So, you mean, never pa kayo tumira dito? As in puro bakasyon lang?" "Yup. Always just a vacation. Pero this time, I think we'll stay here for good. Naassign kasi dito si dad e. Kaya I don't think aalis pa kami. " Bakit ganun? Sa pagkakaalam ko, matagal na naming kapitbahay sina Kath noon. Pero bakit sabi ni Ella, hindi naman sila tumira dito? Siguro, hindi sya ang bestfriend ko. Siguro mashado lang akong umasa. Siguro magkamukha lang sila. Siguro napapraning lang ako. Pero pano kung kakambal pala sya ni Kath? Pero wala namang kakambal si Kath e. Ang gulo gulo na ng isip ko. Pero hahanap at hahanap pa rin ako ng isang bagay na makakapagpatunay na sya si Kath. "E nung 8 years old ka, anong naaalala mo?" "Uhh. 8 years old? Hahaha. Why so specific, Patrick? Anyway. Nung 8 years old ako? Nameet ko ang first love ko." Kath. dub. dub. dub. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 8 years old kami nung una kaming magkakilala ni Kath. Tandang-tanda ko noon. Bago kami magkahiwalay ni Kath, sinabihan nya ako ng I love you. Tanda nyo yun diba? Kinwento ko yun e. Hindi kaya ako ang first love nya? Kung ako, ibig sabihn sya nga talaga si Kath. Pero bakit taliwas lahat ng kwento nya sa mga nangyari talaga noon? Well, baka nagkaamnesia lang sya. Diba ganun ang nangyayari sa mga teleserye? Baka nawalan sya ng ala-ala dahil sa mga nangyari noon? Oo, alam kong mukha na akong praning sa mga pinag-i-i-isip ko. Pero diba sabi ko, hindi ko bibitawan si Kath. Pangako ko yun sa kanya e. Kaya kahit ang ewan na ng reasoning ko, okay lang. Kasi yung mga kaewanan na yun ang pinanghahawakan ko. Ang pinanghahawakan ko para masabi na buhay talaga si Kath, at hindi nya ako iniwan talaga. Oo, walong taon na ang lumipas. Pero hindi lumipas ang isang araw na hindi ko naiisip si Kath. Hindi nagdaan ang isang araw na hindi ako umaasang buhay pa sya, na sana may nagligtas sa kanya. Kaya sana, Lord. Please. Ako po sana ang sabihin nyang first love nya. Kung hindi man ako, E ako nalang po Lord, please? Pero kailangan kong maging matatag. Handa dapat ako sa kahit anong isagot nya. Be strong Pat. This is it. "Anong pangalan nya? Ng first love mo?" kinakabahan kong tanong. Tiningnan nya ako. Nagkatitigan kami. Ngumiti sya, at hinawakan ang kamay ko. "Ang pangalan nya ay . . . . .
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.