24. My Heart will Always Know the Truth

4 0 0
                                    


PATRICK'S POV 

Biglang nahimatay si Ella. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa naulanan sya o dahil sa biglang pagsakit ng ulo nya kanina. Kinarga ko sya at nagmadaling maglakad papunta sa kanila. Argh. Bakit ba kasi kung kelan ko kailangan ng kotse tsaka hindi ko nadala. Dahil na rin sa adrenaline rush, madali akong nakarating sa kanila. Sinalubong agad ako ng daddy nya. "Patrick! Anong nangyari sa kanya?!" sabi nya at sabay kuha kay Ella. "Bigla po syang nahimatay Tito!" sabi ko. Pumasok na kami sa bahay nila. As usual, wala na naman ang mommy ni Ella. Sa mga gantong panahon, nanay ang usually nakikitang nag-aalaga sa anak, pero ngayon, daddy ni Ella ang nag-aalaga sa kanya. "Maupo ka muna Patrick." sabi ni Tito habang paakyat sa hagdanan para dalhin si Ella sa kwarto nya. Ginawa ko ang sinabi nya at naghintay lang ako dito. Mamaya-maya lang, bumaba na si tito ng may dalang mga damit. "Iho, magpalit ka muna baka pati ikaw magkasakit na rin. Pagkapalit mo, dumiretso ka sa kusina. Ipaggagawa kita ng hot chocolate para hindi ka na lamigin. Nanginginig ka na oh. Sige na. Andun yung CR." sinunod ko ulit ang sinabi nya dahil sobrang nanginginig na rin ako sa lamig. Pagkapalit ko ng damit, pumunta ako sa kusina at nakita ko si tito na nakaupo. "Halika na dito, lalamig tong chocolate mo." lumapit ako at umupo sa tabi nya. "Dito ka na magpalipas ng gabi Patrick. Baka mapahamak ka pa pag lumabas ka." napatango nalang ako sa kanya at tinext ko na si Mama. Pumayag naman si mama at sinabing alagaan ko daw ng mabuti si Ella. "Okay po, pumayag na po si Mama. Ah Tito... pwede po ba magtanong? Bakit po laging kayo ang nakikita kong kasama ni Ella. Nasan po ang mommy nya?" tanong ko. "Ah. Si Hon ba? Wala e. Busy sya sa trabaho. Umuuwi naman sya, yun nga lang hindi kayo lagi nagpapang-abot. Ewan ko ba, tuwing aalis ka, darating sya. Hahaha. Ayaw yata sa inyo ng tadhana?" sabi ni Tito. "Hahaha. Mukha nga po e. Never ko pa po nameet yun." sabi ko. "Wag ka mag-alala, pag namanhinkan kayo, sisiguraduhin kong nandito sya. Hahahaha." muntik naman akong mapabuga dun. Kinilig kasi ako. Hehe. "Tito naman! Advance lang mashado? Hahahaha." at nagtawanan lang kami. "Kumusta nga pala kayo ni Ella? Kumusta ang birthday party?" napatigil naman ako dun. "Ah.. Tito, may kekwento po sana ako sa inyo. Wag po kayong magagalit ha. Nag-away po kasi kami ni Ella. Well, not really nag-away. Nagkasakitan lang siguro kami. Akala kasi nya minahal ko lang sya dahil hindi ako makamove on dun sa first love ko. Pero yung totoo tito, mahal na mahal ko ang anak nyo. Kaya nga hindi ko kaya kung lalayo o mawawala sya sakin e." kwento ko kay tito. "Naku naman. Problema nyo yang dalawa, kaya I think kayo din ang makakasolve nyan. All I can do is support you and let you know na as Ella's dad, wala na kong gustong mahalin at mapang-asawa ng anak ko kung hindi ikaw. I know it's a bit fast forward, pero sa nakikita ko, you are the perfect two... parang... pieces of puzzle made perfectly for each other." Pieces of puzzle made perfectly for each other.... Pieces of puzzle made perfectly for each other.... Pieces of puzzle made perfectly for each other.... Naalala ko naman yung necklace... Yung bigay sakin ni Kath nung mga bata pa kami... Puzzle kasi yung pinakapendant nun e. "Are you okay? Tulala ka yata.." sabi ni tito. "Natatakot lang po siguro ako na baka tuluyan akong iwan ni Ella. Sabi po kasi nya lalayo daw muna sya e. Pano kung sa paglayo nya, marealize nyang mas masaya pala ang buhay nya kung wala ako?" malungkot kong sabi. "I don't think so. I've never seen her so happy. Nagkaganyan lang sya when she met you. Or I don't know, may mga panahon kasi sa buhay nya that I wasn't around to be her father. Well wag mo nalang yun intindihin. Haha. Just remember, mahal ka ni Ella and just trust her." sabi ni Tito. "I know Tito. Pero sana makalimutan nalang nyang sinabi nya yun sakin. Sana makalimutan nalang nya that she wants to stay away from me for a while... I really hope she forgets..." sabi ko. "Masyado nang maraming nakalimutan si Ella, Patrick... Wag mo na sanang dagdagan pa ang mga bagay na hindi na nya maalala. Let her remember this time." oo nga pala, nagkaamnesia nga pala si Ella. "Sorry po. I'm just too afraid na mawala sya sakin." I said. "Don't be. It won't happen. Sya, maiwan muna kita dito. I'll just check on Ella. Sunod ka na rin dun kapag natapos ka na dyan. Sa room nya nga pala ikaw matutulog para maalagaan mo na rin sya. Magpractice ka na, para pag mag-asawa kayo at magkasakit sya, hindi ka mahihirapan. Hahahaha." sabi ni tito at umalis na habang tumatawa. May saltik din yun sa ulo noh? Hahaha. Pero hindi rin, baka mashado lang boto sakin? Gwapo ko ba naman. Hahaha. Umiinom lang ako dito ng bigla ko na namang naalala yung necklace. Tanda nyo pa ba yun? Yung sabi sakin ni Kath dati na she doesn't know the reason why she gave that necklace to me, pero in time, malalaman rin namin. E bakit sa mga nangyayari ngayon, lalo na dun sa sinabi ni Tito, parang kay Ella connected ang necklace at hindi kay Kath? Tapos kanina, tinitigan lang ni Ella yung necklace, sumakit ang ulo nya at nahimatay. Pero bago sya nahimatay, may sinabi pa sya e. Ano nga ba yun? Ah! Alam ko na. Hold my hand, Patrick. Don't ever let go... Yan. Yang mga salitang yan. Bakit ba ang hilig yang sabihin sakin ng mga tao? Nung una, si Kath.. Ngayon, si Ella naman.......................... Teka. Bakit parang lahat ng naaalala ko tungkol kay Kath noon, kay Ella ko nakikita ngayon? Di kaya si Ella si.... NO WAY. Ano ka ba Patrick! Bumalik na nga si Kath e. Buhay ang bestfriend mo! Imposible na ngayong si Ella at Kath ay iisa. Hinampas hampas ko nalang ang ulo ko para matauhan ako. Kung ano ano na kasi ang naiisip ko dahil lang sa necklace na yan e. Basta one thing is clear... My heart beats for Ella. I finished drinking this hot choco, then I went upstairs para matulog na. Pagkapasok ko ng room, I saw Ella sleeping. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Hinaplos ko nalang ang buhok nya. "When you wake up... sana marealize mo nang ikaw talaga ang mahal ko and there's no need for you to stay away. Kasi umalis ka man o hindi, ikaw pa rin ang pipiliin at pipiliin nitong puso ko... Goodnight, my love. I hope you dream of me. I love you." and then I kissed her on her lips. Humiga na rin ako sa tabi nya at niyakap sya ng napakahigpit. Mamaya-maya lang, biglang sumigaw si Ella. "Yaya! No! Si Patrick! Yaya. Please let me go back. Nandun pa sa loob si Patrick! Yaya! I can't let him die! Let me go!" sigaw ni Ella habang umiiyak. Ang likot likot rin nya. "Ella! Ella! Gising! I'm here. Ssshhh." sabi ko as I hugged her. Binabangungot yata tong si Ella e. Sabi ko pa naman dream of me hindi nightmare. "Patrick! Patrick! Nasan ka?" patuloy pa ring sumisigaw si Ella ng nakapikit. Pero kahit ganun, tumutulo pa rin ang luha sa mga mata nya. "Ella. Andito lang ako, hindi kita iiwan." I held her hand tightly. "Don't let go, Patrick...." and then she stopped crying. Normal na ulit. Tulog na ulit sya. Niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Anong meron? Bakit parang alalang-alala naman yata sya sa sakin sa panaginip nya? Sabi pa nya na nandun pa ko sa loob and she can't let me die. Ano yun, may nasusunog tapos nandun ak---------- Nasusunog. "Nandun pa sa loob si Patrick!" "Yaya! I can't let him die!" Napatitig ako kay Ella ng wala sa oras. Bakit? Bakit ganun ang mga katagang sinabi nya? Bakit lahat ng sinasabi nya may connect kay Kath? Hinaplos ko ang mukha nya. "Ella... sabihin mo nga, ikaw ba si Kath? Kung oo, sino yung babaeng nagpakita satin? At bakit nasa kanya ang necklace na kapareho nung necklace ko?" I am not expecting for an answer dahil tulog nga itong si Ella. Pinagpatuloy ko lang ang paghaplos sa maganda nyang mukha. Hanggang sa umabot na ko sa leeg nya. Hinawi ko ang buhok nya at hahalikan sana sya... pero natigilan ako nung may nakita akong malaking ba-lat na hugis puso sa batok nya.


-- FLASHBACK --

( 8 years old si Patrick ) 

"Kath! Bilisan mo nga! Ang bagal bagal mo! Mauubusan na tayo ni ice cream!" sigaw ko. Kasi naman ang bagal tumakbo nitong besprend ko e. "E teka nga lang muna kasi! Pahinga naman muna tayo! Kakapagod, kanina ka pa tumatakbo!" sabi nya, at sabay lakad papunta dun sa upuan sa may d kalayuan. Nauna syang maglakad kaya sinundan ko nalang sya. Habang naglalakad sya, nagpoponytail sya ng buhok. May napansin akong kakaiba sa may batok nya. "Ano to!" sabi ko, sabay hawak dun sa heart shaped something sa may batok nya. "Ah. Yan ba? Haha. Birthmark ko yan. Cute noh? Heart-shaped." sabi nya. Ang cute nga naman. "Yan, may palatandaan na ko sayo pag nawala ka. Hahaha." pang-aasar ko. "Bakit naman ako mawawala? Haha." tanong nya. "Wala lang. Just in case." sabi ko. "Pssh! Tara na nga!" at nagsimula na ulit kaming maglakad.


--- End of Flashback. -- 

Ang tanga ko lang. Bakit ba nakalimutan ko yung birthmark na yun! Pero, waaaa. Ibig sabihin si Ella at Kath ay iisa? Totoo ba to? Hindi ba ko nananaginip? Ibig sabihin, all along... isang babae lang pala ang minahal ko? Minsan kailangan rin pala natin maniwala sa puso natin noh? Kasi kahit anong ka-ewanan ang sinisigaw nyan, hinding hindi yan nagsisinungaling. Napatunayan ko yan ngayon. I kissed her on her forehead. Naramdaman kong tumutulo na pala ang luha ko. Tears of joy lang siguro. "Ang saya-saya ko Ella. Mahal na pala kita, noon palang. Kahit na hindi ka agad narecognize ng isip ko, nagawa ka pa ring makilala ng puso ko.... Sana ganun rin ang puso mo sakin." I kissed her on her cheeks this time and then I closed my eyes. Enjoying this blissful moment while I can. Kung sino ka mang nagpapanggap ka... Thank you for ruining the supposed to be best day of my life. Well, don't worry...


I'll deal with you tomorrow.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now