26. Biggest Revelations

2 0 0
                                    

ALBERT'S POV 

You all know me, right? I am Quen and Aria's father. Ako lang naman ang nag-iisang
nightmare ng magagaling na Rivero.
Alam kong alam nyo rin na may masama akong balak sa kanila. Well, actually, hindi na lang
yun balak ngayon dahil naisagawa ko na.
Andito ako ngayon sa isang abandonadong warehouse. Nasa Pilipinas na nga pala ako
ngayon dahil kailangang ako mismo ang maging saksi sa pagbagsak ng lintek na mga
Rivero na yan.
"Sir. Dumating na po sila." sabi ng isa kong tauhan.
"Good. Sabihin mo dumiretso na sila dito." utos ko.
Mamaya-maya lamang ay dumating na ang iba kong mga goons. Dala-dala nila ang isang
babaeng magiging susi ng pagbaksak ng karibal ko.
"BITAWAN NYO KO! WAAAAAAA. BITAW------"
"TAHIMIK!!!!!!!!!!" sigaw ko. Pano, wala nang ginawa etong babaeng to kung hindi
sumigaw at humingi ng tulong. Nakakarindi na, wala namang nakakarinig sa kanya.
"Igapos nyo na yan." sabi ko sa tauhan ko.
Lumapit ako sa babae. Umiiyak sya. Halatang takot na takot.
"Wag ka nang umiyak. Hindi PA naman kita sasaktan e. Hihintayin natin ang
magiging kasama mo." sabi ko na may tonong nang-aasar.
"SINO KA BA HA. BAKIT MO BA KO DINALA DITO. ANONG KAILANGAN MO
SAKIN?!"


*SLAP*


Sinampal ko yung babae.
"ANG INGAY MONG BABAE KA. Pwede ba, wag mo kong sinisigaw-sigawan!!"
Mas lalo pa syang umiyak.
"Shh. I said don't cry... Ella."
Tiningnan nya ako ng may halong gulat at galit.
"Pano mo ko nakilala?"
"Hindi mo ba ko nakikilala, Ella? Wala ka bang napapansing kahawig ko?" sabi ko
sa kanya.
Tinitigan nya ako at nanlaki ang mata nya nung tila nagkakaron na sya ng ideya kung sino
ako.
"Hindi ba.... nakakahawig ko si Quen?" sabi ko at tumawa pagkatapos.
"i-ikaw? D-daddy ka ni Q-quen? P-pero bakit? Bakit?" tanong nya ng nauutal.
"Simple, my dear Ella. Ikaw ang paraan para mapabagsak ko ang mga
Rivero." pagkasabi ko nun, akma syang magwawala pero hindi nya magawa dahil
nakagapos sya sa upuan.
"Sina Patrick?! Bakit?! Anong ginawa nya sayo?!"
"Mang-aagaw sila. Ang dapat sakin ay sa kanila napupunta. Hindi naman sila
makakarating sa lugar nila ngayon kung di dahil sakin e. Panahon na para kunin
ko kung alin ang sakin!"
"Tama nga si Quen! GAHAMAN KA! GAHAMA---"
*SLAP*
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan! Buong buhay ko inalay ko sa
pamilya ko! Lahat ginawa ko para sa kanila, pero alam mo, nagawa pa rin nila
akong pagtaksilan. Ang asawa ko, nagkaron ng kabit. At kilala mo ba kung sinong
naging kabit ng asawa ko? HAH. I bet, hindi mo alam dahil masyado ka pang bata
noon para sabihin sayo ng mommy mo. At yung anak kong lalaki? Yang si Quen?
Mas nagawa pa nyang kampihan ang mga Riverong yun kesa sakin sa sarili nyang
ama! Kaya ayun, naiwan sya ngayon sa States para pagbayaran ang kataksilang
ginawa nya sakin."


---- FLASHBACK-----------


Pagkatapos malaman ni Quen ang tungkol kay Aria, hindi na sya nagsasalita. Laging
nagkukulong sa kwarto.
"Dad, when will you go back to the Philippines?" tanong ni Aria.
"ASAP. You'll come with me, right?" sabi ko.
"Yes dad." sagot ni Aria. Sa pamilya kong to, mukhang sya nalang ang kakampi ko.
"I need you to do something, Aria. I need you to distract Patrick and the others."
"What for, dad? But no worries. I'll do it. I'm even planning of doing a little more
than just a distraction." at nagevil smile.
"Well, that's good. But I need you to leave Ella alone. Do whatever you want with
Patrick and make sure na mapapaghiwalay mo silang dalawa ni Ella... or should I
say Kath. Hindi ako pumayag na iparetoke yang mukha mo for no reason, Aria. Do
what you have to do with that face." I ordered her.
"Yes dad." sabi nya at umalis na.
I know may rason kung bakit hindi lang si Aria ang nailigtas ni Henry noon sa sunog 8 years
ago. Nung una, wala akong pakialam. Who cares kung may nailigtas pa syang isang bata. I
was too frustrated noon that I failed to see the goodness of that incident.
Who would have thought na ang batang nailigtas ni Henry noon ay ang batang magiging
pinakamatindi kong alas against the Rivero's.
I can't help but smile with that thought.
"LET ME IN ARIA!" sigaw ni Quen at bigla nalang nabuksan ang pinto.
I faced him, kitang kita ko ang galit sa mukha nya.
"Dad please. I'm begging you. Don't do this! Wag kang maging gahaman, dad.
Please. Leave them alone." pakikiusap sakin ni Quen.
"You have to understand that whatever I'm doing is for your own good."
"Own good?! Anong good sa pinaggagagawa mo dad?! Yan ba ang pagiging
mabuting ama? Hindi nasusukat ang pagiging huwaran sa pamamagitan ng pera,
dad! Sa tingin mo ba lalaki kami ng tama kung puro kasamaan ang pinapakita
mong halimbawa?"
"HOW DARE YOU!" at sinuntok ko sya. napahiga tuloy sya sa sahig.
"Wala kang karapatang husgahan ako Enrique! Ngayon, mamili ka, ang mga
kaibigan mo, o ang pamilya mo?!" sigaw ko sa kanya.
Unti unti syang tumayo.
"Any of the choices would make me a bad person. Kaya in the end it will just come
down to choosing what is right. So, I'm choosing them, dad. Hindi dahil isa akong
suwail na anak, pero dahil isa akong mabuting tao. I will do everything para hindi
ka magtagumpay sa binabalak mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nyang yun. Nag-init ang dugo ko kaya sinuntok ko sya.
Paulit-ulit, pero hindi sya lumalaban.
Nung naglupasay na sya sa sahig at halos hindi na masyadong makagalaw.. hinila ko sya
papunta sa bodega.
"ALBERT! ANONG GAGAWIN MO KAY QUEN! BITAWAN MO SYA" sabi sakin ni Vangie.
Itinulak ko lang sya palayo at patuloy na hinila si Quen.
Pagdating namin sa bodega, itinulak ko sya ng malakas papasok at ikinandado ko ang
pinto.
"Sorry Quen. Pero yan ang nararapat sayo. Pagsisihan mo sana ang maling pagpili
mo." sabi ko at umalis na.

SO CLOSE YET SO FARWhere stories live. Discover now