PATRICK'S POV
"Ang pangalan nya ay . . . . ." Sht. Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na ko sa sasagot ni Ella. "Anong pangalan nya Ella?" tanong ko. "Si ----" "PATRICK BRO! ANDITO KA PA--- UYY CHICKS! HELLO MS. BEAUTIFUL! I'M NEIL!" sabay offer ng kamay nya para makipagshake hands kay Ella. Ugh. Kahit kelan ka talaga Neil! Pang-abala ka! Kutusan kita e. Konti nalang e. Yun na yun e! Hay! Pero may iba pa namang time. Basta ang alam ko lang, may chance na si Ella talaga si Kath. Panghahawakan ko yung maliit na chance na yun. Tsaka ang gaan rin ng loob ko sa kanya e. Siguro I'll just spend most of my time with her para mas makilala ko sya. "---kilala Patrick?" Ha? Ano daw? Ba't narinig ko pangalan ko? "Ha? Ano? Tawag mo ko Neil?" tanong ko sa kanya. "Ayysh. Kung bakit ba naman ang lalim ng iniisip mo. Nakakunot pa yang noo mo. Sabi ko kung kelan pa kayo magkakilala Patrick?" sabay tingin kay Ella. "Ahh. Ni Ella? Uhh. Kanina lang. Classmates kasi kami. Tapos nabunggo ko pa sya kaya nalate sya kanina. Kaya yun, sinave ko sya from Ms. Gonzales." paliwanag ko. "Weh? Kanina lang? Tapos nagdedate na kayo ngayon? Bilis mo bro! Idol!" sabay suntok sa braso ko. "Loko ka 'tol. Hindi to date! Tinetreat ko lang sya kasi... Uhh... Kasi yun nga nalate sya dahil sakin. Tsaka wala pa rin syang mashadong kakilala dito. Oo, tama ganun na nga yun. Dumi lang ng isip mo bro." Palusot dot com. Ang totoo nyan, gusto ko lang talaga malaman kung sya at ang bestfriend ko ay iisa. E kaso nga naudlot pa, dahil nga dito sa kaibigan kong pang-abala. Hahaha. "Sus. Oo nalang. Hahaha. So Ella, wala ka pang mashadong kakilala? Gusto mo, sama ka nalang sa barkada namin? Mga magaganda at gwapo naman kami, bagay ka dun. Hahaha" pagyaya ni Neil kay Ella. "Hahaha. Nakaktuwa talaga kayo. Sure! Sige." sabi ni Ella habang tumatawa. "Kung ganon, tara na. Sama ka samin sa bahay nina Patrick. Tatambay barkada dun ngayon e." "Oo nga sam--- Ha? Ano? Sa bahay namin? Kelan pa? Ba't dko alam?" gulat kong tanong kay Neil. "Nagulat ka pa bro. Kaya nga kung san-san kita hinahalughog kanina para magpaalam e. Balak ko na ngang maggive up na at isurprise ka nalang namin. Pasalamat ka, nagutom ako kaya napadaan ako dito." Neil. "Kahit kelan talaga kayo. Tara na nga." at tumayo na kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero bigla ko nalang nahawakan ang kamay ni Ella. Hindi naman nya tinanggal. Siguro nagulat rin kaya hindi agad sya nakapagreact. Please, wag mo nalang tanggalin. Please. Please. "E kala ko ba kanina lang kayo nagkakilala, bakit holding hands na kayo? yiiiieeeeee." pang-aasar ni Neil Napabitaw tuloy kami ni Ella sa isa't-isa. Hay nako Neil. Konti nalang ililibing na kita ng buhay. Hahaha. Joke lang. Mamaya-maya, nakarating na kami sa bahay. Andun yung barkada, iba-iba ng ginagawa. Si Julia at Diego, nagsasoundtrip. Share pa ng earphones. Si Kiray at EJ, naglalaro ng temple run. Hahaha. Eto namang si Neil tumabi na kay Yen na naglalaptop. Nung makita nila kami, nagsitigilan sila sa mga pinaggagagawa nila. Nakatingin lang sila kay Ella. Kaya naman I decided to break the stares. Haha. May ganun ba? Pero basta, nagsalita na ko. "Uhm. Guys. Si Ella---" "OMG. Binata na ang baby boy natin! Huhuhu" Julia. "May girlfriend na sya! Naiiyak ako. Sa tuwa." Yen. "Alam kong darating ang araw na to. Ang ipapakilala mo samin ang babeng magpapatibok ng puso mong bato!" Kiray. "Bro! Congrats! We're happy for you" Sabi ni EJ at Diego habang niyayakap ako. Si Neil, ayun, tawa ng tawa sa may sofa. Grabe talaga tong mga to! Nakakahiya kay Ella! Pagtingin ko sa kanya, ayun, nakasmile lang sya. Hayyy. Ganda talaga. "Mga loko talaga tong mga to! Hindi ko girlfriend si Ella noh! Ano. Classmate ko sya. New friend. Kilala na rin sya ni Neil, and kung okay lang, pwede sumali sya sa barkada natin? Wala pa kasi syang mashadong friends e." sabi ko. "Hay nako Patrick! Tutulo na luha ko e. Eto na e. Eto na. Hmf. Pero Ella, Bes! You're very much welcome sa barkada namin! Huggggg! Bestfriends na tayo okay? Julia nga pala!" Julia. "Girl! You're so pretty like me! Kaya naman, welcome to the barkada! I'm Kiray btw." At yumakap na rin si Kiray. "Sis. Call me ate Yen. Ako bahala sayo pag pinaiyak ka nitong si Patrick! Hihi." Yen. At ayun, nagyakapan na silang lahat. Mga babae talagang to oh. "Oyyyy, sali naman kami dyan! EJ nga pala, this is Diego and I guess magkakilala na kayo ni Neil?" sabi ni EJ. "Yup! Met him already kanina. So nice to meet all of you guys. Feel ko welcome talaga ako sa group nyo. Thank you!" masaya si Ella, pero bigla nalang tumulo ang luha nya. "Ella! Bakit ka umiiyak?!!?" nagpapanic kong tanong. Kaya naman hinawi ko ang barkada na nakapalibot sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang balikat nya. "Haha. Wala lang. Naalala ko lang ang friends ko sa states. Miss ko na sila e." sagot nya, at napakalma naman ako. "OA ka Patrick!!!! Hahahahaha. Napapaghalata ka men!" Sabi ni Kiray. Tawa naman ng tawa ang barkada. Pati si Ella, tumawa na rin. Buong hapon kami magkakasama. Hindi namin namalayan, gabi na pala. "Oy. Guys! Uwi na tayo. Gabi na! Hatid ko pa tong si Yen." Sabi ni Neil. "E bakit parang napipilitan ka lang yata? Alam mo. Wag mo na ko ihatid. Pabayaan mo nalang ako marape. Hmp." paalis na sana si Yen, pero hinabol sya ni Neil at niyakap sa likod. "Sorry na sweetie. Joke lang naman e. Alam mo namang hindi ako magsasawang ihatid ka kahit sa Mars o sa Jupiter ka pa nakatira." pagkasabi ni Neil yan, bumitaw sya sa yakap nya kay Yen at iniharap ito sa kanya. "Love kita e." Neil talaga oh. Hands down pare! Hahaha. "YUN NAMAN!!!" sabi ni EJ. Tawa naman ang barkada. Kakainggit naman talaga yung dalawa e. Hahaha. "Hahaha. Tama na nga yan. Tara na. Julia, hatid na kita. Kiray at EJ sabay na kayo samin?" magkakapitbahay lang naman kasi silang 4. "Sure. Sabay na kami. Ikaw Ella, san ka nakatira?" EJ. "Sunville Subdivision" Ella. "Dyan lang yun sa kabilang subdivision ah. Sabay ka na samin palabas." Julia. "Wag na. Ako na maghahatid sa kanya. Sige na umalis na kayo" sabi ko bago pa makapagsalita si Ella. "Wooo. Go bro! Dumadamoves! Hahahaha. O sya tara na. Yaan na natin magmoment ang dalawa! Haha-- ARAY HA!" sabi ni Diego. Sinuntok ko kasi braso nya. "Ako nga tigilan nyo. D na kayo nahiya kay Ella." sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanila. "Hahaha. Okay lang Patrick. Nakakatuwa nga sila e. Hahahaha." sabi ni Ella habang tawa ng tawa. "O tamo, Patrick. Okay lang naman kay Ella e. Ikaw lang dyan ang OA. Palibhasa..." sabi ni Julia. "Palibhasa ano?!" ako. "CRUSH MO! AAAAHH TAKBOOOOOO. HAHAHA. BYE ELLA, BYE PATRICK! SEE YOU TOMORROW!" sigaw ni Julia at nagtakbuhan na silang lahat palabas. Mga yun talaga. Naiwan nalang kaming dalawa dito ni Ella. Wala pa kasi si Mommy e. Umalis sila ni Yaya para maggrocery. Grabe, tagal naman nila. Gusto ko pa naman makita nila si Ella. "Hahahaha. Nakakatuwa talaga sila ano?" Ella, tumatawa pa rin. "Wagas ka naman tumawa. Haha. Kanina ka pa tawa ng tawa ah. Alam mo, halika ka na. Hatid na kita" sabi ko sa kanya at kinuha ko gamit nya. "Wag na Patrick, ako nalang. Magaan lang naman e." sabi nya sakin. "Kaya nga. Magaan lang naman e. Ako nalang. Tara na." at lumabas na kami sa bahay. Naglakad lang kami papunta sa kanila. Sa gantong paraan, mas matagal ko syang makakasama. Nandito kami ngayon sa tapat ng park ng subdivision nila. Napansin kong nakatingin doon si Ella. "Patrick. Daan muna tayo dito sa park, please?" makakatanggi pa ba ako? "Sure. Tara." Pagpasok namin sa park. Pumunta agad si Ella sa may swing. Sinundan ko naman sya. Narealize kong, parang nangyari na to dati. Kaming dalawa ni Kath sa park, masayang naglalaro, nagkukulitan, nag-aasaran. Masaya na kahit kami lang dalawa ang magkaibigan noon, kuntento na kami. "Parang ang lalim yata ng iniisip mo? " pagtataka ni Ella. "Hindi naman. May naalala lang ako." sabi ko. "Sino?" tanong nya. "Yung kababata ko." sagot ko. "Talaga? Anong pangalan?" tanong nya ulit. Tiningnan ko sya. "Kath." Umiwas ako ng tingin. " Kath ang pangalan nya." "Ohhhhhh. Kapangalan ko? Kaya mo ba ako tinawag na Kath? Kamukha ko ba sya?" tanong nya. Oo, Ella. Kamukhang kamukha. I'm even hoping na sana ikaw nalang sya. "Medyo." "Nasan na sya? Bakit wala sya sa barkada nyo kanina?" "Patay na sya, Ella." sagot ko. Ramdam kong kumirot ang puso ko. "Sorry." "Okay lang. It's been a long time. Namatay sya nung 9 years old ako. Nung mismong araw ng birthday ko. Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na buhay pa sya. Hindi ko sya nakitang ilibing e. Hahaha." kunwaring tawa ko to lighten up the mood. "Malay mo, buhay pa talaga sya. Hindi lang sya nagpapakita o nagpaparamdam sayo, kasi yun yung mas dapat gawin. Pero minsan, sarili nalang natin yung nag-iisip ng mga reasons e. Ayaw pa natin i-let go ang mga bagay bagay kasi akala natin may hope pa talaga. Pero ang totoo, pinapaniwala nalang natin ang mga sarili natin na pwede pang mangyari ang mga bagay na gusto nating mangyari kahit alam nating imposible naman ito. " sabi ni Ella. Tinamaan naman ako dun. Pano kung pinapaniwala ko nalang talaga ang sarili ko na buhay pa talaga si Kath? Na kahit ang simple simpleng bagay na pinagkapareho nila ni Ella, binibigyan ko ng meaning. Pano kung coincidence lang yun? Pero hindi. Kahit magmukha pa akong tanga sa ka-a-asa, handa ko yung tiisin. A promise is a promise, hindi ko bibitiwan si Kath kasama na rin dito ang pag-asang buhay pa sya at kaharap ko sya ngayon. "Bakit parang may pinaghugutan ka yata nyan?" tanong ko kay Ella. "Wala lang. Hahaha. Ganto lang talaga ako e. Mature mag-isip for my age. Di nga sila makapaniwalang 16 years old lang ako e hahaha." First love noong 8 years old - check Mature mag-isip - check Ellaaaaaa! Mukhang ikaw na talaga si Kath! Pero hindi ako dapat magpadalos-dalos. "Ah. Hahahaha. Ganun ba. Hindi nga halata. Hahaha. Mukha kang bata e. Haha." sabi ko habang tumatawa. "Sige tawa lang. Haha. Pero Uhm. Patrick. Thank you ha. Kasi naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kala ko magiging loner ako dito e. Thank you talaga!" sabay yakap sakin. Dub dub dub dub dub. Ito na naman po ang puso ko. "Sus. Wala yun. Kaibigan ka e." ako. Kumalas na sya sa yakap. "Ang sabihin mo, crush mo ko. Hahaha. De joke lang. Tara na Patrick! Gabi na oh." at tumayo na sya at naglakad. Natural, susunod ako. Haha. Mamaya-maya lang, nakarating na kami sa bahay nila. "Thanks again, Patrick! See you tomorrow!" "Sure. Ay, Ella. May I have your number?" Sabay abot ng phone ko. d ko pa nga pala nakukuha number nya. "Sure. Here na oh. Text mo nalang ako. Add mo na rin ako sa FB and follow sa Twitter. Hahaha." masayahin talaga tong si Ella. Tawa ng tawa o. Haha. "Sure. Sige, una na ko. Bye, Ella." at tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalayo. Pero nagulat nalang ako ng bigla nya kong pinigilan. Humarap ako sa kanya at... *Tsup* Hinalikan nya ko! Sa cheeks. Hehe. OA lang. "Thanks again! Ingat ka pauwi!" at tumakbo na sya papasok sa bahay nila. Nakatayo lang ako ngayon, hawak ang pisngi kong hinalikan nya. Nagpapalpitate na ang puso ko. Mahal ko na ata si Ella. Pero alam kong mahal ko sya dahil iniisip kong sya si Kath. Kaya sana lang Ella, ikaw na talaga si Kath. Hindi ko kakayanin pag nalaman kong hindi.
YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.