PATRICK'S POV
Bigla kaming napatigil ni Ella sa pagkukulitan namin nung marinig naming may tumawag sa pangalan ko. Bakit sya nandito?
"Patrick." sabi nya at palapit samin ni Ella.
"What are you doing here dad?" Oo, si dad ang tumawag sakin. Usually, gantong oras nasa company sya. Ewan ko ba kung bakit sya nandito. "I just want to visit you my son. See if you're okay. I guess okay na okay ka na ngayon." sabi nya sakin.
"Why won't I be?" sagot ko. "Well, we all know how you've been since that incident. I never saw you smile that way again. Your mom's telling me lots of changes that are happening to you lately. And I guess this young lady right here is the reason." sabi nya at sabay tingin kay Ella. "Uhh. Hello po" bati ni Ella kay dad. "Hello. What's your name?" tanong nya kay Ella. "Ella po." sagot ni Ella. "Oh. Hello Ella. Buti naman at nagkaron ulit ng kaibigang katulad mo ang anak ko. The last time I saw him treat a girl that way was 8 years ago. He has this friend named..." "DAD!" sigaw ko. Ayoko lang na inoopen up na naman yung topic na yun. "Kath po ba?" sagot ni Ella. "Yes. It was Kath. She was Patrick's first friend, I guess first love too. Unfortunately, she died in an accident. Ni hindi ko man lang sya nakilala. Sabi ko sa sarili ko, if ever my son will find or treat someone like Kath, I should see her myself." explanation ni dad. "Dad. Tama na." sumabat na ko. ramdam kong hindi na makapagsalita si Ella. "Hahaha. Mukhang hindi na kaya ng anak ko ang presence ko ah. Sige na I'll go already. Bye son, bye Ella. It's nice to meet you." paalam ni dad samin ni Ella. Pagkaalis ni dad alam kong medyo tulala pa din si Ella. Kaya naman nagsalita na ako. "Psst. Ella. Pasensha ka na kay dad ha."
"Sus. Okay lang yun." matipid nyang sagot. Nakarating na kami sa may cafeteria. Ako na ang umorder ng pagkain namin ni Ella. Pagkaupo ko, pansin kong may bumabagabag pa rin sa isipan nya. "Ella, may problema ba?" tanong ko.
"Wala naman. Uhh, Patrick, tanong ko lang. Sobra mo ba talagang special friend si Kath? Bakit parang ang laki ng impact nya sayo?" Nagulat nalang ako sa tanong ni Ella. Tinitingnan nya ako ngayon sa mga mata ko at alam kong hindi ako pwedeng magchange topic nalang basta. "Si Kath. Sya ang pinakaunang kaibigan ko. 8 years old palang kami noon nung nangako kami na hindi namin bibitawan ang isa't-isa. Masaya kami noon. Hanggang sa dumating yung araw na kailangan nyang sirain ang pangako nya sakin para maligtas ang buhay ko. Namatay si Kath dahil sakin. Nawalan ako ng kaibigan mas pinili nyang iligtas ako kesa sa sarili nya." Hindi ko alam, tumutulo na pala ang luha ko habang kinkwento yan. Tumabi sakin si Ella at yinakap ako. Nakasandal ang ulo ko sa balikat nya ngayon. "Patrick. Matagal na panahon na yan okay? Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Maging masaya ka nalang na buhay ka. Live your life for Kath. Wag mong sayangin ang pagsakripisyo nya sa buhay nya para sayo. Sa tingin mo ba magiging masaya sya na iniligtas ka nya tapos sisihin mo lang ang sarili mo at magpakamukmok? Naman Patrick. Kung ako si Kath, babangon ako sa libingan ko at pupukpukin kita hanggang sa matauhan ka. Hahaha" payo sakin ni Ella. Umupo na ko ng maayos at pinahiran ang mga luha ko. Gumaan ang loob ko nung marinig ko yun. Tama nga naman sya. Bakit ba ako nagpapakamukmok hanggang ngayon e walong taon na ang lumipas. Gugustuhin din naman siguro ni Kath na maging masaya ako e. Sign na rin siguro ang pagdating ni Ella para tuluyan ko nang hayaan ang sarili kong magmahal ng iba. Pero pano kung hindi ko na naman pala kailangan magmahal ng iba kasi si Ella at si Kath ay iisa? Pero, paano kung hindi? Kaya ko bang mahalin ng buong puso si Ella kung si Kath lang naman ang nakikita ko sa kanya? Hayy. Pag-ibig nga naman oh! Well, speaking of pag-ibig. Posted na pala yung chosen pictures namin. "Bessie! Patrick! Posted na yung pictures! Daliiiiii." makasigaw tong si Julia. "Tara Patrick! Wag ka na umiyak dyan. Sayang angas mo. Hahaha." pang-aasar ni Ella. "Kaw talaga! Tara na nga!" at naglakad na kami papunta sa may bulletin board. Grabe. Para namang may dumating na artista dito at dinumog talaga ng mga tao. Since hindi rin naman namin makita yung mga pictures na nakapost, pinakinggan nalang muna namin yung mga comments nila. "Look at Julia and DIEGO! They're like newly weds! Haha. So cute!" "Agree girl, cute nga. Lalo na si DIEGO cutiepie talaga. Hahaha." "Hoy mga malalandi. Tigilan nyo nga si DIEGO. Mahiya naman kayo sa balat nyo. Wala tayong laban kay Julia mga mare. Hahahaha." Wow. Ganda lang ng comments kayna Julia at DIEGO. Samin kaya? Teka, konting chismis pa.

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.