THE FLASHBACK CONTINUES
PATRICK'S POV
Lumipas ang mga araw, at buwan. Lagi kaming magkalaro, magkausap at magkasama ni Kath. Kilala na rin sya nina mom and dad. Pati nga mga parents namin, magkasundo na rin e. "Kath! Malapit na ang birthday ko. Punta ka ha?"pag-aaya ko sa kanya. "Oo naman! Anong gusto mong regalo?"tanong nya sakin. "Yung makita kita dun."sabi ko sa kanya. sabay ngiti. "Patrick naman eh. Hahaha. Joker ka talaga." "Totoo naman e. Diba ikaw lang naman dito ang totoo kong kaibigan. Kaya kahit wala akong matanggap na regalo galing sayo, okay lang. Ang mahalaga, kasama kita sa araw ng birthday ko. Siguro nga, ito na ang pinakabest birthday party na mararanasan ko e. Kasi ito yung unang beses na magbibirthday ako na kasama ko ang bestfriend ko." Pagkasabi ko nun sa kanya, niyakap nya ako. "Ikaw talaga Pat. Drama-drama mo. Hahaha. Basta, bibili kita ng regalo, okay?" sabi nya sakin at bumitaw na sya sa yakap. "Bahala ka. Basta pupunta ka ha." "Syempre."sabi nya ng nakangiti. Ang bilis ng araw, birthday ko na pala. Ang daming tao dito sa bahay. Mga hindi ko naman kilala. Maraming bata ang lumalapit sakin at nakikipagkaibigan. Yung iba ngang babae may pagyakap pa, mga hindi ko naman kilala. Nilalayuan ko lang sila kasi naiirita talaga ako. Kala ba nila hindi ko alam na inaaway nila si Kath dati? Pero meron talagang makukulit e. "Hello Patrick! I'm Aria!"sabi nung babaeng hindi ko naman kilala. Maganda din to. Pero, mas maganda bestfriend ko. "Hello."malamig kong sabi. "Crush kita."nahihiya nyang sabi. "Oh."sagot ko. Hindi naman ako bastos. Pero ewan ko. Ayaw ko lang talaga syang kausap. Lingon ako ng lingon kung saan saan. Hinahanap ko si Kath. Pero dko sya makita. "Patrick. Can we be friends? Please?"pacute na sinasabi nitong si Aria. "Ugh. Alam mo layuan mo nga a-----" "I see you've already met each other"sabi nung matandang kasama ng mommy ko. "Baby, this is Tita Vangie. Aria's mom. Family nila ang kapartner natin sating business. Friends na pala kayo ni Aria. O sha, you play na muna ha. Asikasuhin ko muna bisita natin. Take care of her, okay?" explanation ni mom. At umalis na sila. Naiwan na naman kami ditong dalawa. "Patrick! Tara sa labas."yaya ni Aria. Pero hindi talaga ako mapakali dito. Hinahanap ko si Kath. "Uhh. Aria. Tsaka na tayo mag-usap ha. May hahanapin lang ako." "But, Patrick. Please?*beautiful eyes*" Ugh. Babaeng to talaga. "Okay. Wait for me sa may TV room. Maglaro ka muna dun mag-isa, susunod nalang ako. Okay?"sabi ko sa kanya at tumakbo na sya paakyat. "I'll wait for you, no matter what!"sigaw sakin habang paakyat ng stairs. Kanina pa ko paikot-ikot dito sa bahay, pero hindi ko talaga makita si Kath, pati si Tita. "Patrick!" May tumawag sakin. Paglingon ko, ayun. Andito na yung hinahanap ko. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Patay na ba ako? May anghel kasi sa harapan ko e. Hahaha. Patrick. Corny mo ha. Pero totoo, ang ganda ni Kath. Parang lalo syang paganda ng paganda! "Patrick! Huy. Tulala ka na naman!"sigaw nya sakin. "Sorry na.Ganda mo e." bulong ko "Ha? Ano ba yan. Kausap mo na naman sarili mo. Tara nga, dun tayo sa labas. Ingay dito e."sabay hila nya sakin palabas. "O, regalo ko sayo. Lagi mo yang susuot ha. Happy Birthday bestfriend"pagkabigay nya sakin ng regalo, niyakap nya ulit ako. Pero kumawala din sya agad. Binuksan ko yung regalo nya, at nakita kong ang laman nun ay necklace na may pendant na parang puzzle piece. Tapos yung puzzle piece na yun, may stick figure na babae. Kapartner ng suot nya. "Yan ang symbol ng friendship natin, okay? Eto yung sakin, yan yung sayo. Wag mo iwawala yan ha. Tatadjakan kita." banta nya sakin. "Syempre noh. Hindi naman ako burara e. Pero bakit puzzle? Pwede namang heart, o kaya star, o kaya... basta! E bakit puzzle?"tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam e. Ang cute kasi kaya binili ko. Hahaha. Pero everything happens for a reason, Pat. Darating nalang siguro yung araw na malalaman natin ang ibig sabihin kung bakit ko nabili yang necklace na yan."paliwanag nya sakin. "Alam mo Kath. Duda na kong 8 years old ka lang e. Ba't ganyan ka mag-isip?"biro ko sa kanya. Ang lalim naman kasi nito mag-isip e. Parang matured na. "Hahaha. Ewan ko sayo. Tara na nga sa loob. Baka hinahanap ka na ng mga bisita mo." Sumunod na ko sa kanya sa loob. Mamaya-maya, nagsialisan na ang mga bisita. Pero andito pa rin si Kath. Sasamahan daw muna nya ako. "Bakit ang lungkot mo? Dka ba masaya na birthday mo?"tanong nya sakin. "Masaya. Kaso, wala naman si Papa."malungkot kong sabi. "Okay lang yan. Dadating din sya. Hintayin lang natin. Dito lang ako, sasamahan kita." "Salamat Kath." "Patrick, baby!" tawag ni Mommy. "O, Kath! Andito ka pa pala. Hali na kayo. Kath, dito ka na rin magdinner, okay? Intayin mo na ang daddy ni Patrick para makita ka nya. Gusto ka daw nya mameet in person e. Puro kwento lang daw kasi ang naririnig nya sayo."sabi ni mom kay Kath. "Okay po, Tita."sagot ni Kath. Nagdidinner na kami, pero wala pa rin si Daddy. Birthday na birthday ko, d man lang sya umuwi ng maaga. Maaga ngang umaalis, pero gabi naman umuuwi. Halos hindi na kami nagkikita. Mamaya-maya, nagring ang phone. "Hello? Saglit lang po."sinagot ni Yaya. Lumapit si yaya kay mom and binigay ang phone. "Hello?......... O Rommel! Umuwi ka na nga dito! Birthday na birthday ng anak natin pe---- Ha?! Ano?! Rommel?! Hello! Hello! Rommel!!!"sigaw ni mommy. Nagpapanic na sya. "Ma! What happened?"ako. "I don't know baby. Hindi ko maintindihan ang daddy mo. Putol putol ang linya e. At tsaka ang ingay ingay dun. Narinig ko lang. 'Sunog. Galit. Papatayin. Umalis'. Natatakot ako, baby. Baka bumalik na naman yung threat satin."nanginginig na sabi ni mommy. "Yaya. Nasan ang mga guards natin?"tanong ni mommy kay yaya. "Andun po sa labas, mam. Tawagin ko po?"yaya. "Sige. Pakitawag naman. Salamat." Hindi na mapakali si mommy. Palakad-lakad sya dito sa dining area. Si Kath naman tahimik lang. Hindi kumakain, hindi nagsasalita. "Kath. Okay ka lang? Gusto mo, uwi ka na? Hatid na kita."sabi ko sa kanya. "No, Patrick. Diba promise ko sayo, dito lang ako sa tabi mo. Sasamahan kita diba?"sabi nya sakin ng nakangiti. Pero ramdam ko pa rin na natatakot sya. "Pero Ka--"hindi na ko nakatapos sa pagsasalita kasi biglang sumigaw at tumakbo papunta rito si Yaya. "MA'AM! PATAY NA PO LAHAT NG GUARDS NATIN! MA'AM. UMALIS NA PO TAYO RITO. BAKA KUNG ANONG MANGYARING MASAMA SA ATIN!"sigaw ni yaya habang umiiyak. "I'll just get the car. Meet me outside!"at tumakbo na si mommy palabas. Bumalik na naman ang threat samin? Bakit? Akala ko tapos na ang lahat ng to? Masaya na ko e. Bakit? Nag-aayos ng gamit si Yaya ng may maamoy akong nasusunog. Ang labo na rin ng paligid kasi puro usok. Hinahanap ko si Yaya at si Kath pero dko sila makita. Ang labo na talaga ng paligid. Mamaya-maya, bigla nalang nagliyab yung buong sala. Babalik na sana ako sa dining, pero naharangan na ng mga nasusunog na furniture. "*cough* *cough* Yaya! Kath. *cough* *cough* Nasan kayo? Mommy. *cough* *cough*" Hindi na ko makahinga sa sobrang kapal ng usok. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang biglang may tumawag sakin. "Pat! Si Kath to! Nasan ka? Patrick!" "Kath! Nandito ako.. *cough* *cough*. Kath!" Wala na kong makita. Ang labo na talaga. Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko. "Patrick! Ayos ka lang? Pat!"si Kath. "Kath! Oo. Ikaw? Pero hindi na talaga ako makahinga e. *cough* *cough*. Sina yaya? Nasaan?"tanong ko. "Andun sila sa labas. Patrick... Hold my hand." At d na ko nagatubiling hawakan ang kamay nya. Tumakbo kami ng tumakbo, iniiwasan ang mga nagbabaksakan furniture Nakikita ko na sina Yaya. Kasama si mommy. Konti nalang. Konti nalang. Malapit na kami sa pintuan nung makita naming may babagsak na posteng nasusunog. Maliit lang yung daan palabas kasi natakluban na ng ibang nasusunog na bagay. Isa lang yung taong kakasya, at isa lang rin ang taong pwedeng makalabas. Pag kasi dumaan ka dun, imposibleng hindi mo masagi yung kahoy na sumusuporta dun sa poste. Pag nasagi mo yun, malalaglag yung poste at matatakluban yung daan. Hindi ko pwedeng pabayaan si Kath. Kailangan nyang makalabas. "Patrick." "Kath! Dumaan ka na! Sige na. Bilisan mo. *cough* *cough*." "Patrick." "Kath. Sige na. Please. Hindi ko kakayanin pag nasaktan ka. Please. Tumakbo ka na." "Patrick. Diba sabi ko walang bibitiw satin?" "Oo pe---" "Pero sorry Patrick kung ako pa ang sisira sa pangako ko na yun. Sorry Patrick." "Okay lang. Masaya ako Kath kasi nakilala kita. Sige na! Tumakbo ka na." "Sorry Patrick. Kailangan kong bumitaw." Binitawan nya ang kamay ko, pero imbes na tumakbo sya, pumunta sya sa likod ko. At tinulak ako palabas. Nasagi ko yung kahoy. At tuluyan nang bumagsak ang poste. Nakulong si Kath sa loob. "Kath! Nasan ka! Kath!" "Patrick! Pasabi nalang sa mommy ko na wag syang malulungkot ha. At ikaw rin Pat, makakahanap ka ulit ng kaibigan. Wag mo kong kakalimutan Pat!" May maliit na butas yung lagusan na nilabasan ko. Ipinasok ko ang kamay ko para mahawakan ko si Kath. "I promised you, Kath. I won't let go. Kath. Please. Don't let go of me too." "Sorry Patrick........ I love you." At bumitaw sya sa hawak ko sa kanya. Hinigit na rin ako nina mommy at Yaya nung nakita nila ako. Narinig kong nagbagsakan na ang mga natitira pang gamit sa bahay. Hindi ko na rin matanaw si Kath. "Kathhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Kath!!!!!!!!!!!!!!! Wag mo kong iwan! Mahal kita." Iyak lang ako ng iyak. "Pat. Baby. Wag ka nang umiyak. Andito lang si mommy ha."Sabi sakin ni Mommy. Pero parang wala akong naiintindihan. "Mommy. Si Kath."At tuluyan na talaga akong napahagulgol. Niyakap lang ako ni mommy. Buong gabi akong iyak ng iyak. Dito na kami muna nagstay sa condo namin. D nagtagal dumating na rin si daddy. "Patrick, my son. I'm sorry. I'm sorry."Niyakap ako ni daddy. At tumahan na ako. Ramdam kong sincere sya. "Daddy, ang bestfriend ko. Wala na. Sya na nga lang ang nag-iisa kong kaibigan, nawala pa sya. Bakit dad? Bakit hindi nalang ako?" "There are reasons for everything, Patrick."at napaiyak na naman ako sa sinabi nya. Yan at yan din ang sinabi sakin ni Kath nung binigay nya sakin ang necklace na to. Ang necklace na kapartner ng necklace nya. Nakakalungkot isipin, hindi na pala mabubuo ang necklace na to. Kasi wala na si Kath. Parang ako lang. Hindi na rin ako mabubuo, kasi wala na si Kath. Wala na ang kaibigan kong mahal na mahal ko. Ni wala man lang kaming picture na magkasama. Ito nalang necklace na to ang tanging ala-ala ko sa kanya. Pumunta na ko sa kwarto ko kasi pinapatulog na ko nina mommy. Nakahiga lang ako. Lutang pa rin sa mga nangyari. Tulala lang ako ng bigla akong nakaramdam ng antok. Pero bago ako matulog, tinitigan ko muna yung necklace. "Kath. Nasan ka man ngayon, sana masaya ka. Hindi ko sisirain yung promise ko sayo Kath. Hi-Hin..D-di Ako *sob* Bi-bitaw *sob*" napaluha na naman ako. "Kath, mahal kita. Una palang kita makita. Siguro mashado pa tayong mga bata. Pero ang alam ko, importante ka sakin. *sob*. Basta Kath, kahit wala ka na, hindi pa rin kita bibitawan. *sob*. Iingatan ko tong necklace na to kahit alam kong hindi na ulit to mabubuo kagaya dati. *sob*" humahagulgol na ako habang sinasabi yan. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Isang taon na ang lumipas. Wala na kaming natatanggap na threat. Nakamove on na ang lahat sa pangyayari. Si Mama, kaclose ko na. Si Papa, okay lang. Madalas na syang umuuwi ng maaga kaya kumpara dati, nakakapagbond na kami. Nagkaron na rin ako ng mga bagong kaibigan. Pero kahit kelan, hindi napalitan si Kath sa puso ko. -------------- END OF FLASHBACK --------------------------- Hindi ko alam, tumutulo na pala ang mga luha ko sa pag-alala ng nakaraan. Pero takang-taka ako. Patay na sya, pero bakit kausap ko lang sya kanina? Buhay si Kath? 8 years na ang lumipas, pero bakit ngayon lang ulit sya nagpakita? Kath. Kung totoong buhay ka talaga.... Ipinapangako ko, Hinding-hindi na kita bibitawan ngayon.

YOU ARE READING
SO CLOSE YET SO FAR
FanfictionThis is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.